15

231 13 1
                                    

- Shara -

Lumipas ang tatlong araw pero ni hindi man lang nagpakita sa akin si Jino.

Yung huling tawag niya ay nung gabing pinakilala niya ako sa parents niya.

Tapos hindi ko pa yun sinagot.

Talagang pinanindigan niya yung utos ng magulang niya.

"Ano nang plano mo?" tanong ni Artchael.

Nandito kami sa madalas namin tambayan.

Sa seaside.

"Ewan ko, hindi ko alam." sagot ko sa kanya.

"Gusto mo puntahan ko sa kanila?" suggest niya.

"Baka kaya mo? Diba hindi ka din welcome sa kanila?" sambit ko.

"Ay oo nga pala. Eh anong gagawin natin?" tanong niya ulit.

"Wala, wala tayong gagawin. Kung ayaw niya, edi wag. Kung wala na kami, edi wala na. Ganun lang naman yun eh. Ayoko ipilit yung sarili ko sa isang tao." diretso kong sagot.

Napapalakpak naman si Artchael.

"Wow! Grabe yon." pagbibiro niya.

Bahagya naman akong napatawa.

Tapos tumingala at pinagmasdan ang buwan at ang mga tala.

Huminga ng malalim at nilasap ang malamig na simoy ng hangin.

"Shara" mahinang tawag ni Artchael.

"Hmm?" tugon ko.

Nakatingala pa din ako.

"May sasabihin ako" saad niya.

"Ano?" tanong ko.

Kasalukuyan naman akong nakapikit.

Ang lamig kasi, ang sarap lang sa pakiramdam.

Nakakawala ng problema.

Inaabangan ko ang sasabihin ni Artchael pero ang tagal niya bago magsalita.

Hanggang sa...

"Gusto kita" marahan niyang sambit.

Agad akong napadilat sa narinig ko.

Bahagya akong nagulat.

Pero bigla akong humagalpak ng tawa.

"Nagpapatawa ka ba? Infairness, havey." saad ko sa kanya.

Patuloy pa din ako sa pagtawa.

Pero napansin ko na hindi siya tumatawa.

Kaya huminto na ako.

Bigla naman kaming natahimik na dalawa.

Ang awkward.

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon