- Artchael -
( After 5 years )
"To everyone who took their time to come here and witnessed this very special moment of my life, thank you very much! Let's enjoy this night!" sambit ni Jino pagkatapos ay nagpalakpakan naman kaming lahat.
Pagkatapos ng speech niya agad siyang pumunta sa table namin kasama ang wife niya.
"Okay lang ba kayo dyan guys? Sorry kung hindi ko kayo masyadong ma-entertain ha." bungad niya sa amin.
"Thank you guys sa pag-attend. Enjoy the foods." mahinhin na saad ni Elyse.
Ngayon ay ang araw na ikinasal si Jino sa 3 years girlfriend niya na si Elyse Miraña. Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagpapakasal niya. Pero ang sabi niya mahal na mahal daw niya si Elyse at ayaw na niyang patagalin pa. At kahit nung una ay hindi sila tanggap, ipinaglaban talaga ni Jino si Elyse sa pamilya niya. Kaya lahat kami, sobrang proud sa kanya.
Si Stephen at Denise naman ay engage na din. Kung kelan sila ikakasal? Yun ang hindi pa namin alam.
Si Arkie naman ay may sarili ng studio kung saan siya ang nagtuturo ng sayaw. Paminsan-minsan ay lumalabas din siya sa tv kasama ang ibang mga artista. At going strong pa din sila ng long time girlfriend niya na nasa Italy.
Si Allen naman ay busy na din sa lovelife niya, dahil sa wakas sinagot na siya ng long time crush niya na si Kyla. May maliit na coffee shop na din siyang naipatayo.
Si Lou at Adrian naman ay may isang baby girl na. Last year lang nanganak si Lou at nagsasama na din sila ni Adrian kahit na hindi pa sila kasal. Pero baka this year ay ikasal na din sila.
Si Ingrid naman ay may boyfriend na din, foreigner. Na-meet niya nung nag-aral ulit siya sa Amerika.
Ako naman ay isang ganap na model at artista na. May mga ineendorse na akong iba't-ibang brand ng products. May mga iilang movies, teleserye at commercials na din ako. At kahit papaano ay may mga humahanga at nakakakilala na sa akin.
"Oh Artchael bat tulala ka diyan? Tawag ka ng MC kanta ka daw hahaha." saad ni Allen sabay tulak sa akin papuntang harap.
Agad naman nagpalakpakan ang lahat. Takte bigla akong kinabahan bat ba kasi sinali pa ko nito ni Jino sa program ng reception niya.
"Ready na po Sir? Ipi-play na po yung music." tanong ng MC.
Tumango na lang ako bilang tugon.
Pagkatapos ay huminga ng malalim.
Bahagyang ipinikit ang mata at dinama ang musika.
At automatic naman na nag-flash ang imahe ni Shara sa isip ko.
She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know
Sa loob ng limang taon ay palagi kong naiisip at iniisip si Shara. Walang araw na hindi ko siya naalala.And though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go
Limang taon na ang lumipas mula ng huling beses na mag-usap kami. Ang huling balita ko sa kanya ay pumunta siya ng Paris para mag-masteral at i-pursue ang hilig niya sa fashion designing.Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows
Lagi ko siyang tinatanong kay Lou, pero ang sinasabi lang ni Lou ay busy siya. Hindi din daw niya alam kung kelan babalik ng Pinas si Shara o kung may balak pa ba itong bumalik.My friends keep tellin' me
That if you really love her
You've gotta set her free
And if she returns in kind
I'll know she's mine
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go
Mahal ko si Shara, mula noon hanggang ngayon. Kahit kailan hindi yon nagbago, hindi yon nawala. At nung araw na ni-let go ko siya, hindi-hinding ko yun pinagsisisihan. Kasi alam kong iyon ang makakabuti sa amin, makakabuti para sa kanya.Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows
Sana nasa mabuting kalagayan siya ngayon. Sana lahat ng pangarap niya natupad na din niya. Sana masaya siya. Sana okay na siya.Why I live in despair
'Cause wide awake or dreaming
I know she's never there
And all the time I act so brave
I'm shaking inside
Why does it hurt me so
Sobrang successful ko na kung tutuusin. Ang stable na ng buhay ko, pero yung puso ko hindi pa din stable. Hindi pa din ako buo, hindi pa din totoong masaya. Kasi laging may kulang, may puwang, may hinahanap, may hinihintay.Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
Muli kong idinilat ang aking mata at sa hindi inaasahan ay muli ko din nasilayan ang matagal ko ng hinahanap at hinihintay. Nakatayo sa harapan ko habang nakangiti at pinapanood akong kumanta.Kahit na bakas sa akin ang pagkagulat ay pinilit ko na tapusin ang kanta.
Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows
Heaven knows
Heaven knowsPagkatapos kong kumanta ay nagpalakpakan ang lahat, maging siya ay pumapalakpak din.
Hindi ko alam kung nananaginip ako o ano. Pero kung panaginip ito, ayoko na magising.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Любовные романы"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.