28

181 10 20
                                    

- Shara -

"Oh ikaw naman ang kumanta birthday boy?" sambit ni Arkie sabay abot ng mic kay Jino.

"No, hindi ako magaling kumanta. Kayo na lang." pagtanggi naman niya.

"Ay ang kj naman, sige na. Kantahan mo si Shara, dali." pagpipilit naman ni Allen.

Hindi nagtagal ay pumayag din siya at kinuha ang mic.

Tumayo siya at nag press ng kakantahin niya.

Ilang saglit lang ay nag umpisa na ang kanta.

( Forevermore )

There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night

Unti-unting lumapit sa akin si Jino habang kumakanta.

Agad naman silang naghiyawan lahat, maliban kay Artchael.

I just can't believe that you are mine now

Marahan nitong kinuha at hinawakan ang kamay ko.

Tapos ay sumenyas na parang pinapatayo ako.

Agad din akong tumayo.

Nang mag chorus na ang kanta ay itinapat niya sa aming dalawa ang mic.

Kaya parang nag-duet tuloy kami.

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just cant compare you with
Anything in this world
You're all I need to be here with forevermore

Matapos ang chorus ay siya muli mag-isa ang kumanta.

Pareho pa din kaming nakatayo.

At hawak pa din niya ang kamay ko.

All those years I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night
I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine

Pagpapatuloy niya sa kanta.

Halos sa akin lang siya nakatingin.

Samantalang ako naman ay nahihiya at medyo naiilang na.

Pero hinayaan ko lang siya dahil birthday niya naman.

I just can't believe that you were mine now


Nabigla ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko palapit sa kanya.

Mukhang lasing na siya dahil sa naparami na ang nainom niya.

Nagpatuloy pa din siya sa pagkanta.

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just cant compare you with
Anything in this world
You're all I need to be here with forevermore

Hanggang sa matapos ang kanta.

Bigla akong hinalikan ni Jino sa labi nang hindi ko inaasahan.

"Yieeeee!"

"Ayoooown! Iba talaga ang birthday boy!"

"Nice one! Forever na talaga yan"

Pang-aalaska nila sa amin.

Maya-maya pa ay napansin ko na biglang tumayo si Artchael at umalis sa pwesto niya.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Pero hindi naman iyon naging alintana ng barkada dahil busy sila sa pag-inom at pagkanta.

Nakita ko naman na sumunod sa kanya si Ingrid kaya nagpatay malisya na din ako.

Makalipas ang halos 30 minuto, hindi pa din bumabalik sila Artchael at Ingrid.

Sila Arkie, Allen at Jino nanan ay lango na sa alak.

Maging si Adrian at Lou din, dahil nagiging pda na sila.

Nagpaalam naman ako kay Jino para mag cr, dahil kanina pa ako naiihi.

"Cr lang ako babe ha. Wait lang." saad ko sa kanya.

Tumango lang siya akin.

Mukhang lasing na nga talaga itong mga to.

Habang papunta sa cr ay may napansin akong dalawang taong nakatayo sa pintuan ng cr.

Si Artchael at Ingrid.

Nakatalikod si Artchael sa akin, si Ingrid naman ang nakaharap sa direksyon ko.

Pero hindi ko maaninag kung ano ang ginagawa nila.

Habang papalapit ay saka ko lamang napagtanto kung ano ang ginagawa nila.

Naghahalikan silang dalawa.

Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ako agad nakagalaw.

Hanggang sa may narinig akong tumawag mula sa likuran ko.

"Babe!"

Si Jino.

Agad naman huminto si Artchael at Ingrid sa ginagawa nila at pagkatapos ay lumingon sa amin.

Ako naman ay biglang tumalikod at tumakbo palayo.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Parang hindi ako makahinga.

Ang kirot ng puso ko.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa dalampasigan.

Nang makarating ako dito ay hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit nasasaktan ako?

Bakit umiiyak ako?

Bakit apektado ako sa nakita ko?

Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko.

Hanggang sa marinig ko ang boses ni Jino.

Sinundan niya pala ako.

"Shara! Babe anong nangyayari sayo? Bat ka tumakbo?" rinig kong tanong niya mula sa likuran ko.

Hindi ako humaharap sa kanya.

"Okay ka lang ba?" dagdag niya pa.

Huminga ako nang malalim.

Pagkatapos ay pinunasan ko ang mga luha ko.

Pinipigilan ko ito na tumulo.

Tapos ay marahan akong humarap sa kanya.

To be continued...

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon