- Artchael -
Kinabukasan
6:00 ng umaga nang magising ako. Si Jino naman ay mahimbing pa ang tulog.
Naisipan ko na lumabas at mag work out.
Pero paglabas ko ay naabutan ko si Shara na nagmi-meditate mag-isa.
Nakapikit siya kaya hindi niya napansin na nandito ako.
Lumapit ako at marahan siyang tinitigan.
Kapag tinitigan mo pala siya ng matagal, mas lalo siyang gumaganda.
Kaso bigla siyang dumilat kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Uy, Artchael nandyan ka pala." sambit niya.
"Oo haha, ang aga mo atang nagising? Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya.
Umupo ako malapit sa kanya at ginaya na din siya sa pagmi-meditate.
"Oo, sanay nako magising ng maaga at mag exercise. Parang hindi kasi buo araw ko kapag hindi ko ito nagagawa." saad niya.
"Parehas pala tayo, haha. Si Jino pala tulog pa, mukhang napagod talaga siya sa byahe kahapon." tugon ko sa kanya.
"Oo nga eh. Siya din kasi nag-asikaso nitong bakasyon natin sa resort nila. Sabi ko naman kasi sa kanya, kahit wala ng ganito. Pero mapilit siya" dagdag naman niya.
"Ganun talaga yan si Jino. Sobrang hardworking and ma-effort. Uhm, Paano pala kayo nagkakilala?" tanong ko sa kanya.
"Dahil kay Lou, matagal na kasi kaming magkaibigan. Since model siya, tapos ako naman fashion designer. Nireto niya ako kay Jino, businessman daw tapos single. Tapos ayun, naging okay naman kami. Hanggang sa nanligaw siya, tapos eto na. Kami na." masayang pagkikwento niya.
Bakas sa mukha niya na Mahal niya si Jino.
At sigurado din naman ako na mahal siya ni Jino.
"Matchmaker talaga si Lou. Haha. Tatlong lovelife na sa barkada ang nabuo ng dahil sa kanya." sambit ko sabay halakhak.
Kaya napatawa din si Shara.
Nang biglang may sumigaw mula sa malayo.
"Babe!" agad namang lumingon si Shara kaya napalingon na din ako.
Si Jino pala.
Agad siyang pumunta palapit sa amin.
"Goodmorning, Babe!" bati niya kay Shara.
Sabay halik sa pisngi nito.
"Goodmorning din Babe" tugon naman ni Shara sabay yakap kay Jino.
"Ang aga niyo nagising ha. Kaya pala wala na akong katabi pagbangon ko." saad ni Jino.
"Oo, paggising ko kasi kanina ang himbing pa ng tulog mo. Kaya siguro hindi mo napansin na lumabas ako." tugon ko naman.
"Guys, breakfast na tayo!" sigaw ni Ingrid mula sa veranda ng resort.
Agad naman kaming pumanhik para makapag-agahan.
Habang nasa hapagkainan ay pinag-usapan na nila kung ano ba ang magiging plano buong araw.
"Kanya-kanya na lang muna w/ partners sa tanghali, para naman may quality time kami. Tapos tsaka tayo mag bonding mamayang gabi, gawa bonfire tapos shot." suggest ni Lou.
"Oo tama, nice suggestion Lou. Kaya sayo ko eh." pagsang-ayon naman ni Denise.
"Okay lang din sakin, kayo ba?" saad naman ni Jino.
"Puta! Edi kayo lang nag enjoy. Paano naman kaming mga single? Ano magla-loving loving kami ng groupings." pagmamaktol naman ni Allen.
Halos lahat naman kami ay natawa.
Sa akin naman walang problema.
Atleast magkakaroon ako ng me time.
Pero sa haba ng diskusyon at pagtatalo.
Pumayag din ang lahat sa suggestion ni Lou.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.