- Jino -
Matapos ang naging monthsary celebration namin ni Shara ay agad ko din siyang hinatid pauwi sa bahay nila.
Sobrang saya ko ngayon.
No, hindi lang pala ngayon.
Sobrang saya ko these past few months.
Kasi naging sobrang okay kami ni Shara.
Mas naramdaman ko yung pagmamahal niya sa akin ngayon.
Siya ang nagsisilbing pahinga ko everytime na pagod nako sa work ko.
Siya ang nagsisilbing comfort zone ko.
Siya ang laging nagpapagaan ng pakiramdam ko kapag stressed ako sa office.
Siya ang nagsisilbing tahanan ko kapag pakiramdam ko naliligaw na ako.
At sobrang mahal na mahal ko siya.
Maya-maya pa ay napansin ko na nandito na kami sa tapat ng bahay nila.
Agad naman akong bumaba ng kotse pagkatapos ay pinagbuksan ko siya sa kabilang pinto ng kotse.
"Goodnight babe, thank you for this unforgettable night. I love you." sambit niya.
"Goodnight, thank you also for making this night extra special. I love you too, babe." tugon ko sa kanya.
Niyakap ko siya ulit ng mahigpit.
"Ingat ka sa pagdadrive ha. Magtext ka kapag nakauwi kana, okay?" pagpapaalala naman niya sa akin.
"Yeah, I will. Bye." paalam ko sa kanya.
Hinalikan naman niya ako ulit sa labi bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila.
Hindi ko naman naiwasang mapangiti.
"This is indeed a wonderful night." bulong ko sa sarili bago tuluyang sumakay ng kotse at umuwi.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romansa"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.