- Shara -
Makalipas ang tatlong araw mula ng tapusin namin ni Jino ang kung anong meron sa amin. Hindi na kami nagkita o nag-usap pang muli.
Ngayong araw, yung sa amin naman ni Artchael ang aayusin namin.
Gusto ko na maging totoo kay Artchael, sa sarili ko, at sa nararamdaman ko.
At oo, all this time mahal ko pa din si Artchael.
Mahal ko si Artchael.
At kahit kailan, hindi yun nawala o nagbago.
Ngayon, handa na kong ipaglaban siya.
Handa na kong piliin siya.
Sana lang hindi pa huli ang lahat.
Sana...
Nandito na ako ngayon sa seaside, sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Mahigit sampung minuto na akong naghihintay sa kanya, pero wala pa din siya.
Hanggang sa may narinig akong tumawag ng pangalan ko mula sa likod.
"Shara" mahina niyang sambit.
Hindi pa man ako lumilingon ay alam ko na agad na si Artchael yon.
Kilala ko siya, kilalang kilala ko... pati boses niya.
Agad siyang pumwesto sa tabi ko.
Ngayon ay pareho kaming nakatayo, habang nakatingin sa malayo.
"Kamusta?" bungad na tanong niya.
"Okay lang, pinipilit maging okay." mahina kong sambit.
Bahagya kaming natahimik na dalawa.
Ilang minutong walang nagsasalita sa amin.
Tila pinakikiramdaman ang isa't-isa.
Hanggang sa...
"Shara"
"Artchael"
Halos sabay kaming nagsalita.
"Ay, ikaw na mauna." saad ko.
"Hindi, ikaw na." tugon naman niya.
Bahagya kong ipinikit ang aking mata at huminga ng malalim bago tuluyang nagsalita.
"Artchael, huli na ba ako?" tanong ko sa kanya.
Biglang naman siyang napalingon sa akin.
"Huli saan?" tanong niya.
"Sayo, huli na ba ko sayo?" tanong ko ulit.
Napansin ko ang pagkunot ng noo niya.
"Artchael, mahal kita. Mahal pa rin kita. Huli na ba ako?" marahan kong sambit.
Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.
Bahagya siyang napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.