- Shara -
Nandito na kami ni Lourdes sa room namin.
Busy siya sa pakikipag chat kay Adrian.
Ako naman ito, hindi makatulog.
Hanggang sa makareceived ako ng text mula kay Jino.
From : Babe♡
Goodnight, Babe. I love you. Tulog nako ha :)
Agad din naman akong nagreply.
To : Babe♡
Goodnight, Babe. I love you too <3
Pagkasend ng text ay nahiga na din ako at sinubukang makatulog.
Pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok.
Kaya naman naisipan kong bumangon.
"Loulou, labas lang ako saglit. Magpapahangin lang." paalam ko sa kanya.
"Sige, basta huwag ka masyadong magtagal. Balik din agad." pagbibilin naman niya sa akin.
Nagsuot muna ako ng jacket bago tuluyang lumabas.
Naisipan ko na dumiretso sa dalampasigan.
Madilim na at tanging liwanag ng buwan na lamang ang nagsisilibing ilaw ng paligid.
Ngunit habang papalapit, ay may naaaninag ako na lalaking nakaupo habang nakatingala sa buwan.
Teka, ito yung model na friend ni Jino.
Sino nga ba ito, Altcher? Arcel? Ulcer?
Hahaha potek, parang sakit ata yung ulcer.
Apakahirap naman kasi bigkasin ng pangalan nito.
Agad ko naman siyang nilapitan.
"Hindi ka makatulog?" tanong ko sa kanya.
Napansin ko naman na yumuko muna siya, sumingot tapos parang nagpunas ng mata bago humarap sa akin.
Umiiyak ba siya?
"Uy, Shara ikaw pala yan. Oo hindi pa ako makatulog. Ikaw din?" tanong niya sa akin.
"Oo eh. Kaya naisipan ko muna magpahangin dito sa labas." sagot ko sabay tabi malapit sa kinauupuan niya.
Ilang minuto kaming natahimik, walang nagsasalita.
Hanggang sa napansin ko na parang nakatingin siya sa kawalan.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang lumingon sa akin.
"Oo naman. Bakit mo natanong?" sambit niya sabay ngiti.
"Wala, feeling ko lang hindi ka okay. Kahit nakangiti ka ang lungkot ng mata mo." sagot ko sa kanya.
"Halatang-halata ba?" tanong niya ulit.
"Oo, sobra. Bakit ka ba malungkot? May problema ka? Lovelife? Pero parang imposible, sa gwapo mong yan." pagbibiro ko sa kanya.
Marahan naman siyang napahalakhak.
This time, ramdam kong totoong napangiti siya.
"Grabe, porke ba gwapo hindi na namomroblema sa lovelife." sambit niya.
"So, may problema ka nga sa lovelife kaya ka malungkot?" tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang tumango.
"Alam ko ngayon lang tayo nagkakilala, pero you can talk to me. I'm willing to listen." marahan kong sambit sabay tapik sa balikat niya.
Napansin ko na huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"Maniniwala ka ba kapag sinabi sayo ng isang tao na mahal ka niya, pero sinasaktan ka din niya at the same time." tanong niya sa akin.
Grabe naman yun, napakalalim.
Napaisip ako saglit bago sumagot.
"Hmm, oo naman. Kasi maaaring mahal ka naman talaga niya, kaso nasasaktan ka niya ng hindi sinasadya. Ganun naman sa love diba, once na magmahal ka asahan mo masasaktan ka. Kase ang love, kakambal yan ng pain." sagot ko sa kaniya.
Napansin ko na tumango-tango lang siya.
"Eh paano mo naman malalaman kung kailan dapat lumaban at kailan dapat sumuko?" tanong niya ulit sa akin.
Napaisip ulit ako.
"Hmm, siguro lumaban ka hangga't kayang mong ipaglaban. Lumaban ka hanggang sa meron kang rason para lumaban. Kase yun yung magiging weapon mo. Yung dahilan kung bakit ka dapat lumaban." sambit ko.
Napansin ko na nakatingin siya sa akin at mariing nakikinig. Tila ba inaabangan ang mga susunod na salitang sasabihin ko.
"Pero kapag pakiramdam mo, wala ng rason para lumaban pa. Tapos yung taong pinaglalaban mo, sumuko na. Dapat sumuko ka na din." dagdag ko.
"Ibig sabihin tama ang naging desisyon ko, na sumuko na." mahinang sambit niya sabay tingin sa kalangitan.
"Bakit ka sumuko? Wala na ba?" tanong ko sa kanya.
Muli siyang lumingon sa akin.
"Sumuko ako kase, wala ng rason para lumaban pa. Sumuko ako kase, ubos nako. Yung katiting na pagmamahal na dapat para sa sarili ko, naibigay ko na din. Pero sa huli, ako pa din yung talo." marahan niyang sagot sa akin sabay yuko.
Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya sa bawat salitang binitawan niya.
Hanggang sa mapansin ko na humihikbi na siya.
Teka, anong gagawin ko?
Ngayon pa lang ako nakakita ng lalaking umiiyak.
Hahagurin ko ba yung likod?
Kaso baka mas lalong umiyak.
Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita.
Tanging simoy ng malamig na hangin, hampas ng mga alon sa dagat, at ang pag-iyak ng lalaking nasa tabi ko ang maririnig.
Hinayaan ko lang siya na umiyak nang umiyak.
Kasi wala naman akong ibang magagawa, kundi ang hayaan siya at makinig lang.
Makalipas ang limang minuto ay iniangat na niya ang ulo niya.
Nagpunas ng luha bago humarap sa akin.
"Sorry kung sayo pa ako umiyak. Wala na kasi akong ibang mapaglalabasan. Nahihiya kasi ako sa kanila. Atleast, ikaw hindi ko pa gaanong kilala. Hindi nakakailang, kasi alam ko na hindi mo ako huhusgahan." pagpapaliwanag niya.
"Naku wala yun, ayos lang. At syempre naman hindi kita huhusgahan. Lahat naman ng nagmamahal dumadaan sa ganyang sitwasyon." sambit ko.
"Salamat sa payo at pakikinig, sobrang gumaan talaga yung puso ko. Thank you, Shara." tugon niya sabay ngiti sa akin.
Ngumiti din ako pabalik.
Sanay kaming tumingala at tumingin sa buwan.
Hanggang sa magsalita ulit siya.
"Lumalalim na ang gabi, mabuti pa pumasok na tayo." tugon niya.
Kaya naman naglakad na kami pabalik ng rest house.
Nang makarating kami ay inihatid niya ako sa may pinto ng kwarto ko.
"Goodnight, Shara. Sweet dreams." malumanay niyang sabi.
"Goonight, uhm?" hindi ko maituloy kasi nga hindi ako sure sa pangalan niya.
"Artchael" saad niya.
Siguro nahalata niya na hindi ko maalala kung ano ang pangalan niya.
"Goodnight, Artchael." sambit ko bago.
Ngumiti lang siya at tumango, ngumiti din ako ng bahagya at tumango bago tuluyang pumasok sa kwarto.
Artchael pala.
Okay, tatandaan ko.
Artchael :)
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.