- Artchael -
"Tara bro, hangout tayo." aya sa akin ng isa sa mga kasamahan ko.
Kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit dahil kakatapos lang ng photoshoots namin.
"Sige, saan ba?" tanong ko.
Akmang sasagot na siya kaso biglang tumunog ang cellphone ko.
"Ay, wait lang bro. Sagutin ko lang." pagpapaalam ko.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
Si Shara.
Bakit kaya siya napatawag ng ganitong oras?
Sa pagkakaalam ko ngayon yung family dinner nila Jino, at ipapakilala na siya.
Sinagot ko din agad ang tawag niya, para masagot lahat ng katanungan ko.
"Hello, Shara. Bakit napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
"Kita tayo, dun pa din sa dati. Antayin kita." saad niya.
"Teka, ano bang ---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi bigla niyang binaba.
Anong problema nun.
"Ah, bro pass muna pala ako. May emergency lang, sorry ha." paalam ko sa mga kasamahan ko.
Pagkatapos ay dali-dali na akong pumunta sa tambayan namin ni Shara.
30 minutes ang binyahe ko bago ako nakarating.
Habang papalapit ako naaninag ko na agad siya.
Nakaupo habang nakatingala sa buwan.
"Anong problema?" bungad ko sa kanya.
Saka lamang niya napansin ang presensya ko.
"Haha, tama ka." sambit niya sa akin.
Naguluhan naman ako.
"Tama saan?" tanong ko sa kanya.
"Tama ka tungkol sa sinabi mo sa mga magulang ni Jino at Ingrid. At ngayon, alam ko na yung feeling mo. " tugon niya tapos bahagya siyang napangiti ng mapait.
"Anong ginawa ni Jino?" tanong ko muli.
Ngumiti siya muli, ngiting hindi maipinta.
Tapos huminga ng malalim.
"Ayun, ang bilis bumitaw." sagot niya ng hindi man lang sumusulyap sa akin.
Nakatingin lang siya ngayon sa kalangitan.
"Magkapatid nga talaga sila ni Ingrid." dagdag pa niya.
Napatawa naman ako ng bahagya.
Oo nga pala, halos dalawang linggo na din mula ng magpasya akong umahon sa pagkakalugmok.
At dahil iyon sa tulong ni Shara.
Paunti-unti nararamdaman kong nawawala na sa sistema ko si Ingrid.
Nakakagulat, kasi hindi ko aakalain na magiging ganito kabilis.
Siguro dahil unti-unti nang nababaling ang pagtingin ko sa iba.
Lumingon ako sa babaeng katabi ko.
Oo, sa kanya.
Alam kong mali, pero pakiramdam ko unti-unti na akong nahuhulog kay Shara.
Sinusubukan ko naman pigilan.
Pero ang hirap.
Kasi imposibleng hindi ka mapamahal sa babaeng ito.
Maya-maya pa ay nagsalita siyang muli.
"Tingin mo, kami pa ba?" tanong niya.
"Hindi ko alam, siguro, oo, baka, ewan ko." hindi ko siguradong sagot.
Kasi hindi naman talaga ako sigurado.
"Wow, ang linaw ng sagot." sarkastikong tugon nito.
Napatawa naman ako.
"Eh ikaw ba, kung tatanungin kita? Kayo pa ba?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong.
"Hindi ko din alam, siguro, oo, baka, ewan ko." panggagaya niya ng sagot ko.
"Nangongopya ka ng sagot." pagbibiro ko sa kanya.
"Pangongopya ba yun na matatawag? Hindi ba pwedeng yun talaga ang tamang sagot?" sambit niya.
Grabe, ang lalim nun.
Muli ko siyang nilingon para tignan.
Walang expresyon ang kanyang mukha.
Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
Tila ito ay itinatago niya.
"Ang ganda ng buwan no?" biglaan niyang tanong.
Nakatingin pa din siya sa kalangitan.
Samantalang ako ay nakatitig lang sa kanya.
"Oo, sobrang ganda." marahan kong sambit.
Pagkatapos ay palihim na ngumiti.
"Kasing ganda mo." dagdag ko pa ulit.
Bigla naman siyang napangiti.
Pagkatapos ay lumingon sa akin.
"Kaya ako'y sayo eh!" tugon niya sabay hampas ng mahina sa braso ko.
Sa wakas, nakita ko na muli ang matamis niyang ngiti.
"Sana nga, akin ka na lang." pabulong kong sambit.
"Ha?" tanong niya.
"Wala, sabi ko ang gwapo ko." pagbibiro ko.
Muntik na yon, buti hindi narinig.
"Feeling mo naman. Tara na nga, dating gawi." siga niya sambit.
Tapos akmang tatayo na sana siya kaso biglang tumunog ang cellphone niya.
Akala ko sasagutin niya, pero tinitigan lang nito ang screen ng cellphone niya.
Base sa aura ng mukha niya, alam ko na agad kung sino ang tumatawag.
"Bakit ayaw mong sagutin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ako handa makipag-usap sa kanya. Tara na." sambit niya sabay hatak sa kamay ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.