29

200 13 5
                                    

- Jino -


Kanina pa kami nag iinuman at masyado na din akong maraming nainom. Kaya naman ramdam ko na ang tama ng alak sa akin.

Maya-maya ay nagpaalam si Shara na magsi-cr.

"Cr lang ako babe. Wait lang ha." paalam nya sa akin.

Tumango lang ako bilang tugon.

Kaso ilang minuto lang ang nakalipas, napansin ko na wala din si Artchael at Ingrid. Kaya naman naisip ko na sundan si Shara. Hindi ko alam kung anong meron, pero iba ang pakiramdam ko.

Agad akong tumungo sa cr, pero naabutan ko si Shara na nakatulala habang tinitignan na naghahalikan si Artchael at Ingrid. Actually hindi masyadong clear kung naghahalikan ba talaga sila, basta naaninag ko magkalapit ang mukha nila.

"Babe!" tawag ko kay Shara, pero hindi ito lumingon sa akin.

Sa halip si Artchael at Ingrid ang lumingon at huminto sa ginagawa nila.

Ngunit nagulat ako ng biglang tumakbo palayo si Shara. Ni hindi man lang niya ako nilingon.

Kaya naman agad ko siyang sinundan.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo at ako naman sa pagsunod sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa dalampasigan.

Nakatalikod siya sa akin, pero alam ko na umiiyak siya. Rinig ko ang mahinang paghikbi niya.

"Shara! Babe anong nangyari sayo? Bakit ka tumakbo?" tanong ko sa kanya.

Saka lamang siya naging aware na sinundan ko siya. Pero hindi niya pa din ako nililingon.

"Okay ka lang ba?" dagdag na tanong ko.

Kahit na parang alam ko na ang dahilan ng pag-iyak niya, naglakas loob pa din ako na magtanong.

Kahit na parang pakiramdam ko masasaktan ako sa isasagot niya, nagtanong pa din ako.

Kahit na alam kong hindi naman talaga siya okay, nagbakasali pa din ako.

Ilang saglit pa ay napansin ko na nagpunas siya ng luha saka unti-unting humarap sa akin.

Ngayon ay wala ng luhang pumapatak sa mga mata niya. Ngunit mababakas mo pa rin na galing siya sa pag-iyak.

"I'm sorry" yun lamang ang salitang binitiwan niya pero parang pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko.

Tila nahimasmasan ako at nawala na ang tama ng alak sa akin.

"Jino, I'm sorry. I'm really sorry." dagdag niya pa.

Bahagya akong tumingala at bumuntong hininga.

Alam ko na darating kami sa point na'to.

Pero hindi ko naman inaasahan na sa araw pa ng birthday ko. Sambit ko sa aking isipan sabay ngiti ng mapakla.

Bumuntong hininga ulit ako. Pagkatapos ay matiim na tinignan si Shara.

"Ji...." may sasabihin pa sana siya pero agad ko iyon pinigilan.

"Shh. I already know... everything, between you and Artchael." marahan kong sambit sabay halakhak ng bahagya.

Nabakas naman sa mukha ni Shara ang pagkagulat.

Bahagya siyang napatakip sa bigbig niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

"Alam ko lahat Shara, simula pa lang nakaramdam nako. Nung araw na nandito din tayo sa rest house tapos naabutan ko kayo ni Artchael na magkausap, nagselos ako nun. Kase pakiramdam ko ang kumportable niyo sa isa't-isa, pero hindi ko yun pinahalata. Kase kaibigan ko si Artchael, ayokong bigyan kayo ng malisya." panimula ko.

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon