08

219 10 0
                                    

- Shara -

Makalipas ang tatlong araw ay bumalik din kaming lahat sa Manila.

Back to normal na ulit.

Ako sa pagdedesign ng damit.

Si Jino naman nabusy na din sa business niya.

Pero kahit na ganun, he always make sure na may quality time pa din kami.

"Ito na Sha, tignan mo dali. Bagay ba?" tanong ni Lou sabay rampa sa harap ko.

Suot niya na yung damit na kakatapos ko lang gawin.

Grabe, kahit ano talaga isuot nito ni Lou bagay sa kanya.

Kaya ang sarap nito gawan ng damit eh.

Lahat kaya niyang dalhin.

"Pak na pak! Ganda mo ghorl. Bagay na bagay!" papuri ko sa kanya.

"Thanks, sana ikaw din" tugon naman niya sa akin sabay tawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Syempre joke lang, maganda ka din syempre. Sexy pa, hays pahiram nga boobs nang magkalaman naman 'tong akin." pagbibiro niya sabay kapa sa hinaharap niya.

"Kung pwede lang e. Matagal nako nag-donate sayo. Hahahaha" saad ko naman sa kanya.

"Alam mo Shara, mahal kita pero bwiset ka." sambit niya sabay hagis ng pirasong tela sa akin.

Tapos pumasok na siya sa loob ng cr para makapagpalit.

"Sha, tara labas tayo. Tapos naman na work natin." sigaw ni Lou mula sa cr.

"Sige, sige! Bilisan mo na dyan." sagot ko naman sa kanya.

----------
- Jino -

"Here's your coffee Sir." sambit ng secretary ko.

Inilapag niya ang kape sa table ko.

"Thank you." saad ko.

Lumabas din siya agad.

Kinuha ko ang kape at agad itong ininom.

Nandito ako ngayon sa office at hindi ko na mabilang kung pang-ilang kape ko na ba ito.

Masyado akong nai-stressed sa dami ng problema dito sa office.

Malapit na kasi ma-bankrupt ang kompanya namin.

At wala akong ibang maisip para maisalba ito, maliban sa suggestion ng parents ko.

Ayoko, ayokong gawin yun.

----------
- Artchael -

Nandito ako ngayon sa isang bar.

Mag-isa.

Umiinom.

Nagmumukmok.

Simula nang makauwi kami dito sa Manila, hindi na ako nagpapa-pasok.

Kina-cancel ko lahat ng mga photoshoots ko.

Tapos lagi lang ako nasa bar.

Gabi-gabi umiinom.

Gabi-gabi umiiyak.

Nagbabakasakali na makalimot.

Malay mo, baka sa ganitong paraan mawala na ang sakit.

At malimutan ko na agad si Ingrid.

To be continued...

AN :
Happy 500 reads! :)))
Maraming salamat po sa inyong lahat.

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon