- Artchael -
Isang linggo matapos may mangyari sa amin ni Shara ay napansin ko na mas lalo siyang naging sweet sa akin.
Halos araw araw ay magkasama kami.
Kung hindi sa condo o kaya sa paborito naming tambayan sa seaside, minsan ay nagroroadtrip din kami.
Nakabili din kasi ako ng motor last week, may nag offer sa akin for commercial. Eh ang laki ng binayad kaya ayun, bumili ako ng motor.
Ngayong araw balak namin na mag out of town. Gusto daw niya mag beach, pero overnight lang dahil baka makahalata si Jino at ang ibang barkada sa amin.
Alas kwatro ng madaling araw ang usapan namin ni Shara para maaga kaming makarating.
Susunduin ko dapat siya sa kanila kaso ayaw niya, baka daw makahalata ang pinsan niya.
Kaya ito, inaantay ko siya dito sa labas ng condo.
"Kanina ka pa?" bungad ni Shara sa akin.
"Oh mahal, andyan kana pala. Hindi naman masyado, ano tara na?" tanong ko sa kanya.
"Yup! Tara!" sambit niya sabay ngiti.
Pagkatapos ay sinuot na niya ang helmet at sumampa na siya sa motor ko.
Agad ko namang kinuha ang dalawang kamay niya at iniyakap sa bewang ko.
"Yakap kang mahigpit mahal ha, huwag kang bibitaw" pagpapaalala ko sa kanya.
Pagkatapos ay pinaandar ko din ito agad.
Naramdaman ko na ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"Paano pag bumitaw ako mahal?" pagbibiro niya.
"Edi ako ang kakapit sayo, hahawakan kitang mahigpit para di ka makabitaw sakin." saad ko naman sa kanya.
"Gagawin mo yun mahal?" malambing niyang tanong.
"Syempre mahal, ganon kita kamahal e. Ayokong mawala ka sakin. Baka hindi ko kayananin." saad ko sa kanya na hindi siya nililingon, sa halip ay itinuon ko lang ang focus ko sa daanan.
Tumagal din ng anim na oras ang byahe namin bago kami makarating dito sa pagudpud beach.
Nagbreakfast muna kami pagkatapos ay nag-ikot ikot dito para sa mga souvenirs saka syempre nagbeach.
Buong araw nakangiti lang si Shara, kitang-kita sa mukha niya na masaya siya at nag eenjoy siya na magkasama kami.
At maging ako, ganon din.
Sobrang saya ko ngayong araw, kasi kasama ko ang babaeng mahal ko.
Sa dami ng ginawa namin, hindi na namin namalayan na maggagabi na.
Nandito kami ngayon sa may dalampasigan.
Magkatabing nakaupo sa buhanginan.
Magkasabay na pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"Ang ganda ng sunset mahal, pero at same time nakakalungkot." sambit niya.
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romansa"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.