17

224 9 2
                                    

- Artchael -

Warning : This chapter contains mature scenes that are not suitable for young readers. Please read at your own risk.

Nandito ako ngayon sa condo ko, umiinom ng beer habang nagpapahangin sa may veranda.

Inaantay ko si Shara na dumating.

Sobrang namimiss ko na siya agad, kahit na kagabi lang hanggang madaling araw ay magkasama kaming dalawa.

Kaninang umaga pagkagising ko ay bumungad sa akin ang text niya na magkasama sila ngayon ni Jino at nagkaayos na sila.

Kaya naman simula pa kanina hanggang ngayon ay hindi ako mapakali.

Yung thought pa lang na alam kong magkasama silang dalawa, hindi ko na agad mapigilan ang sarili ko na magselos.

Nakakabaliw.

Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Yung pakiramdam na gusto ko akin lang siya.

Alam kong mali.

Selfish na kung selfish.

Pero wala akong pake.

Kaya agad kong tinawagan si Shara kanina, sinabi ko na may emergency at kailangan ko siya ngayon.

Makalipas ang 30 minutes narinig ko na may nag doorbell.

Alam ko na si Shara na yon kaya agad ako itong binuksan.

Pagbukas ko ay napansin ko ang mukha ni Shara na tila alalang-alala sa akin.

"Anong nangyari sayo?" bungad niya sa akin sabay check ng bawat parte ng mukha at katawan ko.

Tinitignan niya siguro kung may sugat ako o kung napaano na ako.

Agad naman akong napangisi ng nakakaloko.

"Huwag ka na mag-alala, okay lang ako. Wala akong galos kahit saan, gwapo at matipuno pa din." mapang-asar kong sambit sabay pakita ng braso ko na may muscle.

Agad naman niya akong hinampas ng bag sa mukha.

"Alam mo leche ka! Nagmadali pa ko tas nantitrip ka lang pala. Naudlot yung date namin ni Jino ng dahil sayo." pagrereklamo niya sabay upo sa kama ko.

Agad naman akong tumungo sa kusina at kumuha ng beer para kay Shara.

"Yun nga ang purpose ko, ang itigil ang date niyo." saad ko sa kanya sabay abot ng isang lata ng beer.

"Haha baliw ka talaga. Bakit mo naman gusto itigil date namin ni Jino? Alam mo naman na kaka-ayos lang namin." tanong niya sa akin.

Agad naman akong tumayo at pumunta ulit sa veranda.

Sumunod naman sa akin si Shara.

Tahimik siya at tila inaabangan ang magiging sagot ko.

Kinuha ko muna ang lata ng beer na iniinom ko kanina at lumagok bago tuluyang nagsalita.

"Kasi nagseselos ako." marahan kong sambit.

Ngunit hindi ako nakatingin kay Shara kaya hindi ko alam ang reaksyon niya.

Kaso maya-maya lang ay nakaramdam ako ng daliri na tumutusok sa tagiliran ko.

"Nakanaks, marunong ka pala magselos. Hahaha, tingin ka nga dito dali. Patingin ng itsura ng nagseselos." pangungulit niya sa akin.

"Ayoko nga!" tugon ko sa kanya.

"Ihhh dali na, bahala ka dyan aalis na lang ako dito. Babalik nako dun sa date namin ni Jino." saad niya sabay talikod.

Kaya agad ko naman siyang hinabol.

"Uy Shara, ito naman parang ano. Nahihiya lang kasi ako, oh eto na titigan mo na ko." pangungulit ko sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa kwarto malapit sa kama ko.

"Uy Shara! Yiee alam ko namang hindi mo ako matitiis. Huwag ka na magtampo dyan. Nahihiya lang naman ako ipakita na nagseselos ako sa inyo ni Jino. Oh tignan muna mukha ko, kahit magdamag mo pa titigan hanggang magsawa ka, dali na." pangungulit ko sa kanya sabay lapit ng mukha ko sa mukha niya.

Hanggang sa...

"HAHAHAHAHAHAHAHA ang cute mo pala magselos ha" malakas na halakhak niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko at kiliti nanaman sa tagiliran ko.

"Aray! Aba ito ang gusto mo ha." pagbabanta ko sa kanya.

Agad ko siyang kiniliti at ganun din siya sa akin.

Hanggang sa pareho kaming napahiga sa kama sa sobrang kalikutan.

Siya ang nasa ilalim habang ako naman ay nakaibabaw sa kanya.

Pareho kaming natigilan at napatitig sa isa't-isa.

Hanggang sa mapunta ang paningin ko sa mapupula niyang mga labi.

Hindi ko alam pero bigla akong napalunok, tila natuyo ang lalamunan ko.

Hindi ko namalayan na unti-unti nang lumalapit ang mukha ko sa kanya.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na lumapat na ang labi ko sa labi niya.

Sa bawat dampi ng labi namin ay tila nag-iinit ang buong katawan ko.

Nalalasahan ko na din ang alak na ininom namin kanina kaya parang mas nalasing ako lalo.

Ilang minuto din tumagal ang halikan namin hanggang sa bumitaw ako sa labi niya.

Pareho kaming hiningal at halos kapusin ng hininga.

Ngunit hindi ko iyon alintana dahil mas mataas ang init na nararamdaman ko, dahilan para muli akong magpatuloy.

Bumaba ang halik ko sa leeg niya.

Narinig ko na napaungol siya kaya mas lalo akong ginanahan.

Hanggang sa namalayan ko na lang na pareho na kaming hubad.

Nasa ibabaw niya pa din ako.

"I love you Shara" saad ko sa kanya.

"I love you too, Artchael." tugon naman niya sa akin.

Pagkatapos ay hinalikan ko ulit siya sa labi kasabay ng pag-ulos ko.

Napansin ko ang luhang pumatak mula sa mata niya. Kaya agad akong huminto.

Ibig sabihin ako ang nakauna sa kanya.

"Sorry, hindi ko alam..." saad ko ngunit hindi ako natapos dahil bigla siyang nagsalita.

"No, it's okay. Please continue." sambit niya.

"Sigurado ka? Ngayon pa lang sabihin mo kung hindi mo kaya, para maihinto ko habang kaya ko pa. Maiintindihan ko naman, ayokong pilitin ka" saad ko sa kanya.

Pero nasa ibabaw pa din ako at ang kalahati ng pagkalalaki ko ay nasa loob pa din niya.

"Oo, sigurado ako. I wanna do this with you. I want you to be my first." sambit niya.

Napangiti naman ako sabay halik muli sa labi niya.

Ilang saglit pa ay agad akong nagpatuloy sa pag-ulos.

And the rest is history.

To be continued...

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon