- Artchael -
Halos mahigit anim na buwan na din ang nakalipas mula ng matapos ang namamagitan sa amin ni Shara.Halos mahigit anim na buwan ko na ding pinipilit ang sarili ko na kalimutan siya.
Ilang bar na ang pinuntahan ko.
Pero patuloy pa rin akong bumabalik sa lugar kung saan kami nabuo.
Ilang alak na ang naubos ko.
Pero yung luha ko hindi pa din maubos-ubos.
Ilang babae na rin ang sinubukan kong ipalit sa kanya.
Pero wala e, siya pa din talaga.
Siya pa din yung mahal ko.
Siya pa din yung hinahanap-hanap ko.
Siya pa din.
Siya lang.
Nandito ako ngayon sa condo ko.
Nakadungaw sa labas ng bintana habang nakatingala sa buwan.
Parang kelan lang sa parehong oras, siya yung palagi kong kasama habang tinititigan ang buwan na ito.
Pero ngayon tanging bote ng mga beer na lang ang kasama ko.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at naisipan kong kunin ang gitara na nakatago sa cabinet ko.
Pagkatapos ay muli akong bumalik sa pwesto ko sa may bintana.
Matagal tagal na din nung huling ko itong hawakan at patugtugin.
Huling beses na nahawakan at nagamit ko itong gitara ko, siguro nung nagbreak din kami ni Ingrid.
Tapos ngayon na lang ulit.
Lumagok muna ako ng beer bago muli itong hawakan.
Ini-strum ko ang bawat string nito upang mapakinggan kung nasa tono pa.
Nang masigurado ko na nasa tono naman lahat ay nagsimula akong tumugtog.
Itutulog na lang - The Juans
Itutulog na lang
Ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang
Bigat na dinadalaGabi-gabi
Hindi mapakali
Hinahanap-hanap ang iyong lambing
Hinahanap-hanap ka sa 'king tabiTuwing gabi lagi akong minumulto ng mga alaala namin ni Shara.
Yung mga gabi na magkasama kami, magkatabing matutulog.
Magkasamang naglalakbay sa mga panaginip naming dalawa.
Tapos gigising ng umaga, mukha niya agad ang bubungad sa akin.
Paano na?
Sa isip, 'di mawala
Mga sandali na ikaw ay kasama
Bawat sandali ay nais kang makitaItutulog na lang
Ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang
Bigat na dinadalaSana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan
Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko at mas lalo kong dinama ang bawat liriko ng kanta.Nagpatuloy pa din ako sa pag strum ng gitara.
Pero ngayon tuwing umaga at magigising ako, hinihiling ko na lang sana na matapos na'tong sakit na nararamdaman ko.
Na sana paggising ko nakalimutan na kita.
Ayoko na
Nakakapagod din pala
Tatanggalin na lang
Mga alaala
Tatanggapin na lang na wala ka naItutulog na lang
Ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang
Bigat na dinadala
Kasi pagod nako umiyak araw-araw.Pagod nako uminom ng alak gabi-gabi.
Pagod nakong isipin kung bakit hindi ako yung pinili.
Pagod nakong itanong sa sarili ko kung anong naging kulang sa akin, at bakit hindi ako naging sapat.
Pagod nako, ayoko na.
Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisanPa'no na ang pangarap nating dalawa?
Nahanap mo na ang iyong tahanan sa piling ng iba
Pa'no na ang mga pangako sa isa't isa?
Sa laban nating dalawa'y naiwang mag-isaAng hirap lumaban kapag yung taong pinaglalaban mo matagal ka nang isinuko.
Ang hirap lumaban kapag yung taong pinapangarap mo, ayun bumubuo na ng pangarap sa piling ng iba.
Ang hirap lumaban, kapag ikaw na lang mag-isa yung lumalaban.
Itutulog na lang
Ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang
Bigat na dinadalaSana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisanItutulog na lang
Itutulog na lang
Muli akong dumilat.Natapos ko ang kanta ng hindi namamalayan na kanina pa pala may umaagos na luha sa aking mga mata.
Bahagya ko itong pinunasan gamit ang aking kamay.
Napansin ko na masyado ng lumalalim ang gabi.
Nakaramdam na din ako ng pagod at pagkaantok.
Marahil dahil ito sa pag-iyak at sa tama ng alak na iniinom.
Kaya napagpasyahan ko na pumasok na sa loob ng kwarto at mahiga.
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata.
Nagbabakasakali na sana bukas paggising ko, wala na lahat ng sakit dito sa puso ko.
Sana bukas paggising ko, makalimutan ko na si Shara.
Sana...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.