- Jino -
It's been a month mula ng maging kami ni Shara.
Alam kong sobrang dami kong pagkukulang sa kanya bilang boyfriend niya, pero sinusubukan ko talaga ang best ko para makabawi.
Today is our monthsary.
At plano ko na siyang ipakilala sa parents ko.
Actually, hindi ito alam nila Mom & Dad.
Sabi ko lang family dinner.
Sana, magustuhan nila si Shara.
I know magugustuhan nila si Shara.
"Kuya, are you sure with this?" tanong sa akin ni Ingrid.
Nag-aayos nako ngayon, kasi maya-maya susundin ko na si Shara.
"Yeah, I'm sure. Why?" tanong ko sa kanya.
"Remember what happened to me and Artchael last time na pinakilala ko siya kila Mom and Dad." pag-aalala niya.
"Iba naman yung samin ni Shara at sa inyo ni Artchael. Shara is graduate from UST. She's a fashion designer. I'm pretty sure magugustuhan siya nila Mom and Dad." siguradong saad ko.
"Ay wow, so kuya pati ikaw minamaliit mo si Artchael?" tugon niya sa akin sabay irap.
"No, it's not like that. Sinasabi ko lang na magkaiba tayo ng situation. Kaya hindi mangyayari samin ang nangyari sa inyo." pagpapaliwanag ko naman.
"Okay fine. Basta ako nag-warning lang." saad niya sabay walk out.
Anyare dun?
Sakto naman at tapos na ako sa pag-aayos at ready na para sunduin si Shara sa kanila.
Kaya tinext ko na siya.
To : Babe♡
Hi babe, I'll be there in 5 mins.
Ilang minuto lang ay nagreply din siya.
From : Babe♡
Yup. But I'm nervous. Anyway, ingat babe. I love you :)
To : Babe♡
Don't be nervous. For sure they will like you, okay. I love you too babe :)
Pagkatapos magsend ay agad na din akong bumyahe papunta kila Shara.
Makalipas ang limang minuto ay nandito na ako sa kanila.
Dumiretso na ako agad sa loob.
Pagpasok ko si Rhian ang naabutan ko sa sala.
" Oh Jino, andyan kana pala. Wait tawagin ko lang si Shara sa taas." sambit niya.
Agad naman siyang pumanhik sa taas para tawagin si Shara.
Ilang minuto lang ay nandiyan na si Shara.
"Babe!" mahinang sambit niya.
"Ready?" tanong ko sa kanya sabay ngiti.
Tumango lang siya bilang sagot.
"Let's go." saad ko sa kanya tapos dumiretso na kami sa sasakyan.
Habang nasa byahe pansin ko na tahimik lang si Shara.
"Babe, are you okay?" tanong ko sa kanya.
"Yeah, kinakabahan lang." tipid niyang sagot sabay tingin sa labas ng bintana.
"Don't be, nandito ako sa tabi." sagot ko.
Tapos hinawakan ko ang kamay niya sabay halik dito.
Lumingon naman siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
To be continued...
AN:
Happy 1k reads, sobrang thank youuu po sa inyong lahat :)))
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.