- Shara -
"Shara! Gumising kana may naghahanap sayo sa baba." sigaw ni Rhian sabay hampas ng unan sakin.
"Ano ba ang aga-aga naman kasi, pakisabi balik na lang siya mamaya." pagrereklamo ko naman sabay talukbong ng kumot.
"Sharaaa! Bumangon ka na, si Jino yung naghihintay sayo. Kanina pa siya dun nakakahiya na, tumayo ka na dyan." sigaw niya ulit sabay hatak ng kumot ko.
"Hays! Bakit naman kasi napaka-aga niyang dumalaw. Antok pa ko e." bulong ko sa sarili bago bumangon.
Pagkatayo ay dumiretso agad ako sa sala.
Oo, wala nang toothbrush toothbrush at hilamos. Tapos nakapantulog pa ko.
"Hindi ka man lang nag-ayos bago bumaba" bulong ni Rhian sabay siko sa akin.
"Hayaan mo na, ganun din naman" tugon ko naman sa kanya.
Bakit ba? Kung talagang gusto niya ko, dapat kahit anong itsura ko magugustuhan niya.
"Good morning, Shara. You look so beautiful with your pajamas" bungad ni Jino sa akin sabay abot ng isang bouquet ng pulang rosas.
"Thank you! Nag-abala ka pa. Nakakahiya." tugon ko naman sa kanya.
"You will never be an abala to me. Please know that." sagot niya kaya naman agad akong napangiti.
"Ehem! Mabuti pa doon na muna ako sa labas. Usap lang kayo diyan." singit naman ni Rhian bago tuluyang lumabas.
"Ah, nag almusal ka na ba? Tara kain tayo." pag-aaya ko sa kanya.
"No, I mean, yes kumain na ako. I'll just watch you na lang habang kumakain." sambit naman niya.
Kaya naman mag-isa na lang akong nag-agahan, habang itong si Jino e nakangiti lang habang nakatingin sa akin.
Putik na yan! Mukha ba akong clown?
"Uhm, oo nga pala bakit ka pala napadalaw?" tanong ko kay Jino.
"Gusto sana kitang i-date kung okay lang sayo?" tanong niya sabay kamot sa ulo na tila ba nahihiya.
He looks so cute kapag nahihiya siya.
"Oo naman, okay lang sa akin. Pero baka may work ka sa office niyo?" tanong ko sa kanya.
"No, I cancelled all my meetings today just to be with you. I wanna spend this day with you, Shara." sambit niya.
Kaya naman hindi ko napigilang kiligin.
Isang buwan na mula nang manligaw sa akin itong si Jino, at talaga namang consistent siya since day one.
Kaya naman botong-boto ang pinsang kong si Rhian sa kanya.
Matapos kong kumain ay agad naman akong nag-ayos para sa date namin ni Jino.
----------
- Jino -
Isang oras ko nang hinihintay si Shara pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya bumababa.
Ako yung tipo ng tao na mainipin, ayoko ng pinaghihintay, ayoko ng matagal.
Siguro kasi, dahil sa nasanay ako sa work na dapat lahat on time. Bawat kilos ay calculated.
Pero kung para kay Shara wala namang kaso sa akin kahit gaano pa katagal, maghihintay ako, para sa kanya.
Siguro ganoon naman talaga dapat.
Lahat magagawa mo, para sa taong mahal mo.
Maya-maya pa ay bigla akong nakarinig ng yapak mula sa hagdan.
Agad naman akong lumingon.
Tila napako ang paningin ko sa babaeng naglalakad pababa, sobrang ganda niya.
Nakasuot siya ng plain blue dress, fit ang damit niya kaya naman kitang-kita ang hugis ng kanyang katawan.
At aaminin ko, sobrang sexy niya.
"Jino, okay ka lang?" rinig kong tawag sakin ni Shara.
Saka lamang ako nagising sa ulirat.
"Sorry, it's just that, I can't believe that a gorgeous lady like you would be my date today." sambit ko sa kanya.
"Ay talaga ba? Haha bolero ka din e no" pabirong niyang sambit.
She's really bubbly, and I loved her even more because of that.
----------
- Artchael -
Nandito ako ngayon sa condo, rest day ko since walang naman akong call for photo shoot.
Yup. Isa akong freelance model. Sa mga magazines, brochures, minsan extra din sa mga commercials.
Sa dami ng mga extra kong trabaho, dinaig ko pa bumubuhay ng pamilya.
Paano, bata pa lang ako mag-isa na ako sa buhay.
Kinse anyos pa lang, ako na ang bumubuhay sa sarili ko. Kasi wala namang ibang tutulong sakin, kundi sarili ko lang.
Dahil bata pa lang, iniwan nako ng mga magulang ko pagkatapos nilang maghiwalay at bumuo ng kani-kaniyang pamilya.
*beep* *beep* vibrate ng cellphone ko
(1 message received)
From : Allen
Boi, busy ka ba? Tara hang out?
Matagal na din kaming hindi nalabas nitong si Allen, bestfriend ko mula pagkabata. Para na din kaming magkapatid nito.
Kaya naman nireplyan ko siya.
To : Allen
Sakto, free ako. Tara G. Daan na lang ako dyan.
Maya-maya pa ay nakareceived agad ako ng reply.
From : Allen
Yown! Ayos, ge ligo nako. Text ka na lang pag otw kana.
To : Allen
Ge boi.
Pagkatapos ko i-send ay naligo na din ako at nag-ayos.
To be continued...
AN :
Salamat po sa mga nagbabasa, kung meron man. It's my first time, so please bear with me. Goodmorning! :)))
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romansa"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.