- Ingrid -
Nandito ako ngayon sa bar kung nasaan si Artchael.
Nandito sa malayo, pinapanood kung gaano siya ka-wasted.
At alam kong dahil yon sakin.
Gustong-gusto ko siyang lapitan.
Gustong-gusto ko siyang yakapin.
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Kaso alam kong ipagtatabuyan lang niya ako.
Pero kahit itanggi niya.
Alam ko na mahal pa din niya ako.
Bakit pa kasi kailangan namin umabot sa ganito?
Bakit kasi ayaw sa kanya ng parents ko?
God knows how much I love Artchael.
Sinubukan ko siya ipaglaban sa mga magulang ko.
Pero tinakot nila ako.
Tinakot nila ako na gagawin nilang miserable ang buhay ni Artchael pag pinagpatuloy pa namin ang relasyon namin.
Na ipapatanggal siya sa mga trabaho niya.
At alam kong yun lang ang inaasahan niya.
Kaya wala akong ibang magawa kundi ang sundin sila.
Maya-maya napansin ko na tumayo si Artchael mula sa pwesto niya.
Lumabas siya ng bar.
Kaya naman lumabas na din ako para sundan siya.
Napansin ko na pagewang-gewang na siya sa paglalakad.
Hanggang sa may mabunggo siyang isang lalaki.
Mukhang nagalit ang lalaki at akmang susuntukin si Artchael kaya agad akong lumapit.
"Uhm, excuse me. I'm sorry, lasing na kasi siya." sambit ko sa lalaki.
Agad din naman itong umalis.
"Oh, Ing-Ingrid b-bakit nandito ka nanaman? T-teka si Ingrid ka ba talaga? B-baka namamalikmata lang ako." paninigurado niya sabay hawak sa mukha ko.
Bigla naman akong nanghina ng haplusin niya ang mukha.
Pero bago pa maluha, ay inalalayan ko siya papasok sa kotse ko.
Paniguradong hindi na to makakauwi mag-isa.
----------
Nandito na kami ngayon ni Artchael sa condo ko.
Agad ko siyang inihiga sa kama.
Kumuha ako ng basang bimpo at damit na pamalit niya.
Pagbalik ko ay nakapikit pa din siya.
Una kong pinunasan ang mukha niya.
Hindi pa din nagbabago ang mukha niya.
Maliban sa bigote niya.
Kaya nagmumukha siyang bad boy tignan.
Pero hindi maikakaila na sobrang gwapo pa din niya.
"Ingrid mahal na mahal kita" mahina niyang sambit habang nakapikit.
Hindi ko alam pero agad akong napaluha nang sa wakas, narinig ko ulit ang mga katagang iyon.
Binitiwan ko ang bimpong hawak ko at hinaplos ang mukha niya.
Mula sa pilikmata na mahaba.
Yung ilong niyang matangos.
Hanggang sa mapupula niyang mga labi.
Wala naman sigurong masama kung gagawin ko to.
Hinalikan ko siya sa noo.
Tapos sa ilong.
Pati sa dalawang pisngi.
Muli ko ulit siyang tinitigan.
"I love you, Artchael. I love you" mahina kong sambit.
Tapos hinalikan ko siya sa labi.
Ngunit nagulat ako ng bigla siyang dumilat.
"I love you too, Ingrid" tugon niya pagkatapos ay gumanti din siya ng halik.
Sa paraan ng paghalik niya alam ko at alam niya na miss na miss na namin ang isa't-isa.
It was a long and passionate kiss.
And as we kiss, tears unconsciously fell from my eyes.
Pero nagulat ako ng bigla siyang huminto at tumayo.
"What's wrong?" tanong ko sa kanya.
"Mali to, hindi dapat natin to gawin. Wala na tayo, Ingrid." sambit niya.
"Hindi ito mali. Mahal natin ang isa't-isa." saad ko naman sa kanya.
"Yes, I still love you. But I also hate you, Ingrid. I hate you to the extent. Mahal kita, pero ayaw na kitang makita. Mahal kita, pero ayoko na. Masyado ng malaki yung lamat natin. I'm sorry, I have to go." huli niyang sambit bago tuluyang umalis ng condo ko.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang umiyak.
Umiyak nang umiyak.
Ang sakit.
Ang sakit sakit na marinig na yung taong mahal mo ayaw kang makita.
At kinamumuhian ka.
Sobrang sakit.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.