- Shara -
"Sorry, sorry Artchael. Naguluhan lang ako sa nararamdaman ko. Sorry, si Jino talaga ang mahal ko. Sana mapatawad mo ko. Ito na ang huling beses na magkikita at mag-uusap tayo." sambit ko.
Pagkatapos ay tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang lumakad palayo.
Hindi ko na kayang humarap sa kanya ng mas matagal.
Nasasaktan ako.
Nasasaktan ako na nakikitang kong nasasaktan siya dahil sa akin.
Nasasaktan ako kasi alam ko sa sarili ko na hindi totoo lahat ng sinabi ko sa kanya.
Nasasaktan ako kasi mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Pero kailangan kong gawin ang tama.
Kailangan ko na tapusin ang namamagitan samin.
Hangga't kaya ko pa.
Kasi baka pag tumagal pa kami ni Artchael, baka tuluyan na akong malunod at mahirapan makaahon.
Baka tuluyan na kaming malunod sa pagkakamaling ito.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko palayo sa kanya ay naramdaman ko na hinahabol niya ako at nang maabutan niya ako ay agad itong yumakap sa akin patalikod.
"Shara, please huwag mo gawin sa akin ito. Hindi ko kaya, please. Kahit option lang, kahit kapag bored ka lang, o kung kahit kailan mo lang gusto. Okay na sa akin yun basta makasama kita. Please Shara, please." pagsusumamo niya.
Rinig na rinig ko ang paghikbi niya.
Ramdam na ramdam ko ang bigat at lalim ng paghinga niya.
Gustong-gusto kong humarap sa kanya ngayon at yakapin siya.
Gustong-gusto ko sabihin na hindi totoo lahat ng sinabi ko.
Gusto kong bawiin lahat ng yon.
Pero pinigilan ko ang sarili ko.
Sa halip ay hinawakan ko ang dalawang kamay niya at binaklas sa pagkakayakap sa akin.
Pero mas hinigpitan niya ito, kaya hindi ko matanggal.
Konting-konti na lang, bibigay nako.
Artchael naman.
Mas lalo mo kong pinapahirapan.
"Artchael, please let me go. Kung talagang mahal mo ko, palalayain mo ko. Please?" mahinahon kong sambit sa kanya.
"Ito ba talaga ang gusto mo? Hindi na ba talaga kita mapipigilan? Wala na ba talagang pag-asa? Hindi mo talaga ako minahal, kahit kaunti?" tanong niya sa akin sabay bitaw sa pagkakayakap niya.
"Sagutin mo lang lahat ng huling tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pangako, palalayain na kita." dagdag niya pa.
Huminga ako ng malalim bago muling humarap sa kanya.
Hindi ko alam kung magagawa ko.
Pero susubukan.
Kung ito lang ang paraan para tigilan na niya ako.
"Oo, ito ang gusto ko. Oo, hindi mo na ako mapipigilan. Oo, wala na talagang pag-asa. At oo, hindi kita minahal... kahit kaunti." didiretso kong sagot habang matiim na nakatingin sa mga mata niya.
Ilang segundo lang ay napansin ko ang pagtango niya.
Pero makikita mo ang mga luhang nangingilid sa mata niya.
Pagkatapos ay tumingala siya at inihilamos ang palad niya sa kaniyang mukha.
Tapos bumuntong hininga siya bago tuluyang nagsalita.
"Okay atleast ngayon alam ko na. Sana maging masaya ka sa desisyon mo. Pinapalaya na kita, mahal ko." sambit niya sabay ngiti ng mapait.
Ngiti ng nasasaktan.
Pagkatapos ay tumalikod siya sa akin.
Iyon na din ang naging hudyat ko para tuluyang ding tumalikod at maglakad palayo.
Palayo sa kanya.
Palayo sa taong mahal ko.
At ang luhang kanina pa nagbabadyang lumabas sa aking mga mata ay tuluyan ng pumatak.
Kasabay nito ay ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.
Pero nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pota naman kasi pati panahon nakikiayon sa nararamdaman ko.
Bawat patak ng ulan na dumadampi sa balat ko ay ramdam na ramdam ko.
Ang sakit.
Pero wala ng mas sasakit sa nararamdaman ng puso ko.
Nanginginig na din ang buong kalamnan ko dahil sa lamig.
Pero wala ng mas lalamig pa, kasi wala na yung taong lagi kong kayakap. Yung taong nagbibigay init sa puso ko.
Bigla akong napahinto sa paglalakad.
Napansin ko na wala ng taong naglalakad sa paligid.
Nakaramdam ako ng lungkot.
Pero wala ng mas lulongkot pa sa pakiramdam na wala na yung taong laging nandyan para sa akin.
Yung taong laging kong natatakbuhan.
Yung nag-iisang taong nakakaintindi sa akin.
Wala na.
Sinaktan ko na.
Bakit ganon?
Ginawa ko lang naman ang tama.
Pero bakit pakiramdam ko mali?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.