- Artchael -
"Oh shot na Artchael!" sigaw ni Arkie.
"Pucha! Kanina pa ko shot ng shot parang di naman umiikot." pagrereklamo ko.
Nandito kami ngayon sa isang Resto Bar.
Naging tradisyon na ng barkada na maghang-out every weekends.
Nandito si Adrian kasama ang girlfriend niya na si Lourdes. Si Stephen at ang girlfriend niyang si Denise. At Si Allen at Arkie na walang mga dalang jowa. Si Arkie, nasa Italy ang girlfriend niya. Si Allen naman, ayun umaasa sa babaeng kaibigan lang ang tingin sa kanya. Kaya ayan, olats.
Ako naman, single din.
Huwag niyo na tanungin kung bakit.
"Teka nasaan pala si Jino?" tanong ni Stephen.
"Wala, busy sa lovelife niya. Magkasama sila ni Shara." rinig ko namang sagot ni Lourdes.
Wow. Bago yun ha.
Sa pagkakaalam ko, busy lagi sa business si Jino.
Tapos ngayon, may lovelife na.
"Sh-Shara? Sino yun? Girlfriend ni Jino? Ayos ha, bat diko yan alam." tanong ko sa kanila.
"Hoy, hindi ko din alam. May girlfriend na si Jino? Diba in a relationshit siya sa business niya?" pagbibiro naman ni Allen.
"Ang bi-busy niyo kase. Si Shara yung friend ko, nililigawan na ni Jino, mga isang buwan na din siguro." sagot muli ni Lourdes.
"Ah, nanliligaw pa lang? So hindi pa sila?" saad ko.
Sasagot na dapat si Lourdes, pero biglang may dumating.
"Uy, Ingrid! Akala ko di ka mamakapunta" sambit ni Denise.
Bigla naman akong nawala sa mood.
"Uhm, excuse me cr lang ako." pagpapaalam ko sa kanila.
Akala ko ba di yan makakapunta.
Bakit ba kasi nandito siya.
Ah, oo nga pala.
Siya si Jean Ingrid Romualdez, kapatid ni Jino na tropa ko, kaya tropa din namin.
At higit sa lahat, ex ko.
Na iniwan ako kasi ayaw ng pamilya niya sakin.
Iniwan ako kasi wala daw patutunguhan ang buhay ko.
Iniwan ako at ipinalit sa mayaman, may magandang trabaho, yung ka-level niya.
Ang saya diba?
Pagkatapos kong mag-cr ay tumingin muna ako sa salamin, huminga ng malalim bago tuluyang lumabas.
Pero pagkalabas ko ay hinarang niya ako.
"Artchael" marahang sambit niya.
Wow, kung makatawag sakin akala mo hindi ako iniwan.
"Oh? Baket?" tanong ko.
"Can we talk?" tanong niya.
"Nag-uusap na tayo." tugon ko naman.
"Look, I'm serious." saad niya na tila ba naiinis na.
"Bakit, seryoso naman ako ha. Ano bang gusto mong pag-usapan natin? May dapat pa ba tayong pag-usapan?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at hinatak ako palabas ng bar.
Nandito kami ngayon sa parking lot.
Sa tapat ng kotse niya.
"Bakit mo ba ako dinala dito, ano bang pag-uusapan natin Ingrid?" tanong ko sa kanya.
"Artchael, gusto kong humingi ng sorry." marahang sambit niya.
"Saan banda dun yung gusto mong ihingi ng sorry? Doon ba sa parteng hinayaan mo akong insultuhin ng mga magulang mo sa harap mo. O baka doon sa parteng, iniwan mo ko at hindi mo ko nagawang ipaglaban. O di naman kaya, doon sa parteng pinagpalit mo ko agad kahit wala pang isang linggo mula ng magbreak tayo. Saang parte doon yung hinihingi mo ng sorry, Ingrid." mariin kong sambit.
Hindi ko namalayan na may pumapatak na palang luha sa mga mata ko.
"Lahat yun, lahat ng ginawa ko. Gusto kong humingi ng sorry para sa lahat ng ginawa ko sayo. Sorry, Artchael. I'm really sorry, I didn't mean to hurt you." sambit niya.
Napansin ko na umiiyak na din siya dahil sa paghikbi na naririnig ko mula sa kanya.
"Okay, pinapatawad na kita. Huwag na tayo mag-usap ulit." maikling sagot ko at akmang aalis na sana.
Pero bigla niyang akong niyakap sa likod.
"I love you, I still love you. Please don't leave me." sambit niya.
Aaminin ko, mahal ko pa din siya.
Pero hindi ko naman hahayaan na tapakan na lang ng mga magulang niya ang pagkatao ko.
Dignidad na lang natitira sa akin, hindi ko hahayaan na pati yun mawala pa dahil sa lintik na pagmamahal na'to.
Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya.
"No Ingrid, hindi mo ko mahal. Kasi kung mahal mo ko, ipaglalaban mo ko. Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin, alam naman natin na wala tayong patutunguhan. Tanggapin na lang natin na baka hindi talaga tayo para sa isa't- isa." huling sambit ko bago tuluyang lumakad palayo.
Palayo sa sakit.
Palayo sa dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Palayo sa taong mahal ko.
To be continued...
AN :
Thank you po sa 100+ reads :)))
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.