- Shara -
Nandito kami ngayon ni Lou sa BGC.
Naglalaklak.
Hindi ng alak, kundi ng milktea.
Mag-iisang oras na din siguro kaming tambay dito.
Maya-maya ay uuwi na din kami.
Inaantay lang namin si Adrian.
"Kamusta na pala kayo ni Jino?" tanong niya sakin .
"Ayos lang naman, usap through chats and video calls lang these past few days. Busy daw kasi siya sa office." sagot ko.
"Buti naman kahit papaano may time pa din kayo. Naku, yun talaga si Jino napaka-workaholic. Kaya nagbreak sila nung last relationship niya eh." sambit ni Lou.
Pero bigla siyang napatakip ng bibig, na tila ba may maling nasabi.
Wala namang problema sakin na mapag-usapan ang tungkol sa mga exes.
Agad naman akong na-curious.
"Oh? Kilala mo ex ni Jino?" tanong ko sa kanya.
"O-uhm." simpleng sagot.
"Kwento ka dali." saad ko.
"Mas maganda kung kay Jino ka magpa-kwento. Haha. Baka mamaya sabihin pa nun chismosa ako." sambit niya sabay halakhak.
Sabagay.
Never pa namin napag-usapan mga exes namin.
Pero hindi din naman kasi mahalaga.
Maya-maya pa biglang tumunog cellphone ko.
"Oh, baka si Jino na yan" saad ni Lou.
Agad ko naman tinignan kung sino ang nagtext.
Hindi si Jino.
Kundi si Artchael.
Oo, after nung short vacation sa resort nila Jino.
Isa si Artchael sa mga pinaka naging close ko sa barkada.
"Sino?" tanong sa akin ni Lou ng mapansin niyang nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko.
"Si Artchael" tipid kong sagot.
From : Artchael
Shara, nasaan ka? Busy ka ba? Kita tayo. Need lang ng kausap. Pls :(
"Anong sabi?" curious na tanong ni Lou.
Alam ni Lou na nagkikwento sakin si Artchael.
Natuwa naman siya kasi kahit papaano daw e may nakakausap yung tao.
Hindi daw kasi nag-oopen si Artchael sa kanilang magbabarkada.
Kaya nagulat siya na sa akin ay nakakapag open si Artchael.
"Nakikipagkita, need daw ng kausap. Puntahan ko ba?" tanong ko kay Lou.
"Go lang. Baka tungkol kay Ingrid nanaman yan. Mukhang sayo lang siya hindi nahihiyang magkwento. Kaya gora lang, para may matinong makausap yan. Pag si Arkie at Allen kasi, walang magandang masasabi mga yun." saad ni Lou.
"Pero hindi ba masama? I mean, boyfriend ko si Jino. Tapos yung kaibigan niyang lalaki, nakakausap ko." alanganin kong tanong kay Lou.
Although, alam din naman ni Jino na nakakausap ko si Artchael.
Lahat naman sinasabi ko sa kanya.
Pero baka kasi hindi magandang tignan.
"Ano ka ba! Hindi naman yun. Wala naman kayong ginagawang masama. Sige na puntahan mo na yan. Baka magpatiwakal pa yang si Artchael, sige ka konsensya mo pa." saad ni Lou.
"Sige, una nako ha. Bye!" paalam ko.
"Sige, Ingat. Bye!" tugon naman ni Lou.
Pagkatapos ay agad na akong umalis para puntahan si Artchael.
Nag-angkas nako para mabilis makarating.
Tinext na din naman niya kung nasaan siya ngayon.
After 20 minutes ay nandito nako sa MOA.
Thanks to kuya driver.
Bilis magpatakbo ng motor, kaso feeling ko nalaglag kalahating ng kaluluwa ko.
Haha!
Anyway, sabi ni Artchael nasa may seaside siya banda.
Kaya doon na ako agad dumiretso.
Pagkadating ko sa seaside ay hinanap ko siya.
Asan na ba yun?
Lumingon lingon ako sa paligid.
Hanggang sa may mapansin akong lalaking nakayuko sa bandang gilid.
Mukhang ito si Artchael kaya agad akong lumapit.
"Pst!" tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang lumingon.
"Wow, ginawa mo naman akong aso kung makasitsit ka" sambit niya.
Natawa naman ako.
Agad akong umupo sa tabi niya.
"Anong problema?" bungad ko.
Napansin ko na biglang nagbago ang aura ng mukha niya.
Parang lasing din siya, bukod sa amoy alak siya eh medyo namumula mula na ang mukha niya.
"Nagkita kami kanina. Muntik ng may mangyari samin." sambit niya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.