30

192 14 1
                                    

- Shara -

Matapos umalis ni Jino ay sinundan siya nila Ingrid, Allen, Arkie at Adrian.

Samantalang naiwan naman ako, si Lou at si Artchael.

"Okay ka la---" tanong sana niya ngunit hindi siya pinatapos ni Lou.

"Pwede mo ba kami iwan muna, Artchael. Please?" sambit ni Lou.

Agad naman itong umalis. Hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Ako naman ay tuloy-tuloy lang sa pag-iyak.

Nakalumpasay na kami pareho sa buhanginan.

"Sha, anong nangyari? Bakit galit na galit sa inyong dalawa ni Artchael si Jino?" bungad na tanong ni Lou.

"Ang sama kong tao, niloko ko siya. Niloko namin siya ni Artchael. May namagitan samin ni Artchael, Lou." tugon ko sa kanya.

"What? Kailan pa? Jusko naman Shara, bakit niyo ginawa yon?" bakas sa mukha ni Lou ang frustration.

"Sorry, hindi ko naman ineexpect na mahuhulog ako kay Artchael. But swear, sinubukan kong pigilan. Sinubukan kong tapusin kahit na ang hirap hirap. Sinubukan ko kahit na masakit." paliwanag ko kay Lou.

"Pero si Jino yung pinaka nasaktan dito, Sha. Isipin mo yung girlfriend niya at kaibigan niya, niloko siya. Sobrang sakit nun Shara. Naiimagine ko pa lang, nasasaktan nako. Paano pa siya, na all this time alam niya yung tungkol sa inyo. Pero nabulag-bulagan siya." saad ni Lou, pagkatapos ay napaluha na din siya.

"Alam ko, sobrang maling-mali ako sa part na yun. Naging selfish ako, kase inuna ko yung sarili ko. Hindi ko naisip na may nasasaktan akong tao. I'm sorry, I'm really sorry. Nagmahal lang ako." marahan kong sambit at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

"No, huwag kang magsorry dahil nagmahal ka. Hindi mali ang magmahal. Nagiging mali lang ito, kapag ginawa sa maling paraan. Nagiging mali ito kapag may tao ka nang nasasaktan. Pero huwag kang magsorry dahil nagmahal ka." marahang sambit ni Lou kasabay ng paghagod niya sa likod ko.

Hindi ko deserve yung ganitong comfort. Hindi ko ito deserve.

"Pero Shara, sino ba talaga ang mahal mo? Si Artchael o si Jino? Yung totoong sagot sana, yung galing dito." saad niya sabay turo sa puso ko.

"Hindi yung dinidikta nito." dagdag pa niya, sabay turo naman sa ulo ko.

"Hindi ko alam, hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang, pareho ko silang minahal. Pag si Artchael ang kasama ko, sobrang saya ko. Free from everything. I can be whoever I want without any judgement... Kapag si Jino naman, I feel safe with him. Na walang ibang makakapanakit sa akin kapag kasama ko siya. Hindi ko na alam Lou, hindi ko na alam. Sobrang naguguluhan na ako." paliwanag ko.

Itinakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha at nagpatuloy sa pag-iyak.

Itinakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha dahil hiyang-hiya na ako.

Itinakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha kasi wala na akong mukhang maiharap.

Sobrang hiyang-hiya na ako sa sarili ko.

"Kapag nagmahal ka ng dalawang tao sa sabay na panahon, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng isa pa, kung talagang mahal mo yung una." makahulugang sambit ni Lou.

Agad akong lumingon sa kanya.

Ngumiti siya akin, ngiti na parang nagsasabi na huwag akong mahiya sa kanya. Kasi hindi niya ko huhusgahan, na never nagbago yung tingin niya sa akin.

"But I am not saying na dapat mamili ka agad. Fix things first. Ayusin mo muna yung sa inyo ni Jino, humingi ka ng sorry. Kung gaano karaming sorry, it's up to you. Basta humingi ka ng sorry. And set him free, let him heal. Kasi deserve ni Jino yun." marahan niyang sambit.

"I will." maikli kong tugon sabay ngiti sa kanya.

"At yung sa inyo ni Artchael, sana ayusin niyo din. Hindi ako tutol, pero hindi ko din sinasabi na tama. Basta kung talagang mahal niyo ang isa't-isa, magmahal kayo sa tamang paraan. Magmahal kayo ng walang taong sinasaktan." dagdag niya pa.

Tumango-tango lang ako sabay ngiti.

"At higit sa lahat Shara, fix yourself. Kasi hindi mo magagawang magmahal ng buo kung ikaw mismo hindi pa buo."  sambit niya muli.

"Thank you Lou, thank you." tugon ko sa kanya.

Agad naman niya akong niyakap.

"No worries, basta nandito lang ako palagi. At kahit na ano pang gawin mo hinding-hindi magbabago yung tingin ko sayo. Hindi-hindi magbabago yung love ko sayo. Always remember that, Shara." saad niya habang magkayakap kami.

Mas lalo naman akong napaluha. Maging siya ay napaluha na din.

Para na kaming tanga na umiiyak dito sa dalampasigan habang nakalumpasay sa buhanginan.

"Thank you Loulou, love din kita... sobra." marahan kong sambit.

"Hahaha ampanget mo umiyak, may uhog ka pa." pabibiro niya sa akin.

Agad ko naman pinunasan ang mukha ko at tumawa din.

"Wow, ako lang? Ikaw din kaya no hahaha. Kaines ang drama natin." tugon ko sa kanya.

"Tara na nga, matulog na tayo." pag-aaya niya sabay tayo.

Inalalayan naman niya akong tumayo.

Pagkatapos ay nagpagpag kami at pumasok sa kwarto namin.

To be continued...

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon