- Shara -
Buong araw ay magkasama lang kami ni Jino, sobrang saya at relaxing dito sa resort nila.
Ngayon naman ay gabi na kaya magkakasama na kaming lahat.
Nandito kami malapit sa dagat.
May bonfire sa gitna habang kami ay nakaupo palibot dito.
Ako - Jino - Ingrid - Denise - Stephen
Tapos sa bandang kaliwa ko naman
Si Lou - Adrian - Arkie - Allen - Artchael
May nag-iihaw.
May mga nag-aayos naman ng alak na iinumin namin.
Nang maiset-up na ang lahat ay nagsimula na kami.
"Yown! Sa wakas no more loving loving na. Muntik na kong bumalik ng Manila kanina. Napakaboring." pagrereklamo ni Allen.
"Dami mong satsat Allen, oh tara shot na!" sigaw naman ni Arkie.
"Tara laro tayo!" sabat naman ni Lou.
"Laro amputa, ano tayo bata?" sabat ulit ni Allen.
"Tanga, oh edi wag ka sumali. Kanina ka pa, apaka epal mo." sigaw ni Lou kay Allen.
Bago pa sila magkapikunan ay inawat na sila agad ni Adrian.
"Chill lang. Anong laro ba naiisip mo Lou?" tanong ni Jino.
"Spin the bottle, kung sino matapatan ng ulo ng bote siya tatanungin. Yung matatapat sa pwetan ng bote naman ang magtatanong. Truth or dare para mas may thrill." pag eexplain ni Lou.
Sumang-ayon naman ang lahat.
Kaya nag-umpisa na kami.
Si Lou ang nagpaikot ng bote.
Ilang ikot lang ay bigla din itong huminto.
Nakatapat ang ulo ng bote kay Jino at ang pwetan naman ay natapat kay Stephen.
Napansin ko na biglang kinabahan si Jino.
"Okay Jino, truth or dare?" tanong ni Stephen.
Siniko naman niya ako na parang nagsesenyas na kung ano pipiliin niya.
Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot na siya na ang bahala.
"Truth" matapang niyang tugon.
"Nagkiss na ba kayo ni Shara? Kung oo, saan?" tahasang tanong ni Stephen.
Nabigla naman ako.
Grabe namang tanong yan.
Tinignan ko si Jino.
Bakas sa mukha niya ang pagkahiya.
Pero ilang sandali lang bigla siyang nagsalita.
"Yes, the day na sinagot niya ako. Sa antipolo habang nakatingin sa mga city lights. And that was a memorable kiss for me." proud niyang sagot.
"Woooah! Iba talaga pag lover boy." pang-aalaska naman ni Artchael.
"Okay next!" sambit ni Lou.
Si Jino na ang nag-ikot ng bote.
Napalakas ang ikot niya kaya matagal bago ito huminto.
Hanggang sa tumigil ito sa tapat ni Allen at Adrian.
Si Allen ang magtatanong kay Adrian.
"Truth or Dare?" tanong ni Allen.
"Truth!" kumpyansang sagot ni Adrian.
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.