- Shara -
Nandito na kaming lahat sa rest house nila Jino maliban kay Arkie, Allen at Jino.
Lahat kami ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.
Si Adrian at Lou sa pagdedecorate at sound system.
Si Artchael at Ingrid naman ang nakatoka sa pagluluto. Actually si Artchael lang talaga ang nagluluto, nakikitingin lang si Ingrid.
Samantalang ako naman ay busy din para sa surprise ko sa kanya.
Tanghali pa lang naman at mamayang gabi pa mag uumpisa ang birthday party niya.
Katext ko kanina si Allen, sabi niya ay hirap daw silang kumbinsihin si Jino dahil busy sa office.
Tapos nakwento din nito na kanina pa daw malungkot si Jino dahil hindi ko naalala ang birthday niya.
----------
After 5 hours ay natapos din kami.
Samantalang sila Allen, Arkie at Jino ay malapit na din daw.
Kinakabahan ako, sana magustuhan niya ang inihanda namin para sa kanya.
Pinatay muna namin ang lahat ng mga ilaw dito.
Maya-maya lang ay narinig na namin ang tunog ng kotse ni Jino, senyales na nandito na sila.Hanggang sa narinig na namin na nag-uusap na silang tatlo. Kami naman ay tahimik at nakatago pa din.
"Bakit ba tayo nandito? Nantitrip ba kayo Allen? Arkie?" rinig namin tanong ni Jino.
"Hindi no, gusto ka lang namin masolo. Palagi na lang kayo ni Shara magkasama eh. Nawawalan ka na ng time sa amin." pagdadahilan ni Allen.
"Teka Jino bakit walang ilaw dito sa rest house niyo? Naputulan kayong kuryente? Yaman yaman niyo di kayo nagbabayad?" pagbibiro naman ni Arkie.
"Haha pota Arkie lt hahaha." gatong naman ni Allen.
Hanggang sa napansin namin na parang hinahanap ni Jino ang switch ng ilaw.
Nang bumukas ito ay sabay-sabay kaming nagsilabas sa tinataguan namin at sumigaw ng...
"HAPPY BIRTHDAY JINO!!! SURPRISE"
"Oh! You guys... babe you're also here." sambit niya na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita niya.
Inilibot niya ang paningin sa paligid at marahang pinasadahan ng tingin ang bawat disenyo at handa na ginawa namin.
"Thank you guys, thank you. I didn't expect all of these. And babe, thank you also. I thought you forgot na eh." saad niya.
Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you babe, i love you." bulong niya sabay halik sa ulo ko.
"Ehem nandito pa kami oh. Tama na yan, mamaya niyo na yan ipagpatuloy." malokong sambit ni Lou.
"Happy Birthday Jino! Orayt party party na!" dagdag naman ni Allen.
"Wait blow muna niya yung candle sa cake." pigil naman ni Adrian.
Kaya agad kong kinuha ang cake niya.
"Wish before you blow." marahan kong sambit sabay ngiti sa kanya.
Bahagya siyang pumikit.
"I already have everything that anyone could ever ask for. My wish na lang siguro is for everyone na mahal ko... to stay with me... forever." saad niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin saka niya inihipan ang kandila.
"Okay wish granted daw sabi ni Shara, yieeee. Isang kiss naman dyan sabay hug." pang-aasar ni Allen.
"Pota ka talaga Allen, panira ka ng moment." sita naman ni Lou. Kaya nagtawanan na lang kaming lahat.
Sabay-sabay kaming nagsalo sa inihandang pagkain ni Artchael. Halos lahat ng niluto niya ay masarap, lalo na yung adobo.
Pagkatapos kumain ay binuksan na nila ang videoke at inilabas na ang unli alak na binili ni Adrian.
Nakaupo kami ngayon palibot sa isang lamesa.
As usual katabi ko si Jino sa kanan, sa kaliwa si Lou na katabi naman ni Adrian. Sa kabilang side naman ay sila Arkie, Allen, Artchael at Ingrid.
Medyo hindi ako kumportable dahil magkatapat kami ni Artchael. Madalas ko din siya mapansin na sumusulyap sa akin, pero iniiwasan ko lang ng tingin. Patay malisya na lang. Tapos si Ingrid naman kapit na kapit sa braso niya, akala mo naman makakawala. Hmp.
"Oh mauna ka na Artchael, tutal ikaw maganda boses dito eh." saad ni Arkie sabay abot ng mic kay Artchael.
Medyo nabigla ako, marunong pala siya kumanta?
Tumungga muna siya ng beer.
Pagkatapos ay agad naman niya itong kinuha, tumayo siya at nag press ng kanta.
Nakatayo na siya ngayon malapit sa videoke.
Ilang saglit lang ay nag-umpisa na ang kanta.
( Huwag Na Huwag Mong Sasabihin )
May gusto ka bang sabihin
Ba't 'di mapakali
Ni hindi makatinginNabigla ako sa ganda ng boses niya.
Medyo raspy pero masarap sa tenga.
Napansin ko din ang dagliang pagsulyap niya sa akin.
Kaya naman agad akong umiwas ng tingin.
Sana'y 'wag mo na itong palipasin
At subukang lutasin
Sa mga sinabi mo naIbang nararapat sa akin
Na tunay 'kong mamahalinPagkatapos ay lumapit siya kay Ingrid pasimpleng humawak at humalik sa kamay nito kasabay ng pagkindat.
ANG. LANDI. HA
Pero agad din itong bumitaw at bumalik sa pwesto niya malapit sa videoke.
Oh, woah
Huwag na huwag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig 'kong handang
Ibigay kahit pa ang kalayaan moMatiim siyang tumingin sa akin matapos niyang bigkasin ang huling mga lyrics ng kanta.
Mabuti na lang at busy ang mga kasama namin sa paglaklak ng alak.
Nagpatuloy lang si Artchael sa pagkanta.
Huwag na huwag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig 'kong handang
Ibigay kahit pa ang kalayaan mo
Oaah woaah...Huling sambit niya.
Pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan niya sabay akbay kay Ingrid na parang walang nangyari.
Samantalang ako naman ay bahagyang napatulala.
Bawat pagbigkas niya kase ng lyrics ay parang tumutusok sa puso.
Pilit man akong umiwas ng tingin.
O kaya ay magpatay malisya.
Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na naaapektuhan ako sa presensya niya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.