13

181 11 2
                                    

- Shara -

Nandito na kami ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nila Jino.

Oo, alam ko na mayaman siya.

Pero hindi ko naman ineexpect na ganito kalaki ang bahay nila.

Hindi lang malaki.

Sobrang laki at sobrang ganda din.

Para kang nakatira sa isang palasyo.

"Ready?" tanong sa akin ni Jino bago tuluyang pumasok sa loob.

Tumango lang ako sabay ngiti ng bahagya bilang tugon.

Pagkatapos ay huminga ng malalim.

Pagpasok namin ay may dalawang kasambahay na sumalubong sa amin.

Binati nila ako at si Jino sabay yuko.

Hindi ko din naiwasang mapayuko at ngumiti sa kanila bilang tugon.

Maya-maya pa sinalubong kami ni Ingrid.

"Kuya, buti nandito na kayo. Kanina pa naghihintay sila Mom and Dad." saad niya.

Ngumiti lang ako ng matipid.

Pero ni hindi man lang ako pinansin ni Ingrid.

Actually, hindi talaga kami close.

Kahit noong nasa resort kami.

Never kami nagkaroon ng interaction na dalawa.

"Let's go" aya ni Jino.

Nang makarating kami sa dining area nila nakita ko agad ang parents niya na nakaupo.

"Good Evening Mom, Dad!" bati ni Jino sa kanila.

"Good Evening po!" bati ko naman sabay ngiti.

Pero kung makikita ko siguro ang sarili, halatang kinakabahan ako.

Naramdaman ko naman na pinisil ni Jino ang kamay ko.

Senyales na pinapakalma niya ako, dahil maging siya siguro ay ramdam ang kaba ko.

Agad naman kaming naupo.

Ang Dad ni Jino sa pinakasentro.

Nasa bandang kaliwa naman ang Mom niya at si Ingrid.

Tapos nasa bandang kanan naman kami ni Jino.

Ngayon ay mas kitang-kitang ko ang itsura ng parents niya.

Ang Dad niya ay nasa edad 45 or more, matangkad ito, medyo chinito at palangiti. Mukha siyang mabait.

Ang Mom naman niya ay parang kapatid lang niya at ni Ingrid.

Mukhang 30+ lang ang edad, maganda, sobrang puti, makinis at halatang sopistikada ang dating. Ngunit mukha itong masungit, sapagkat mula pa kanina ay hindi ito ngumingiti.

"Uhm, Mom and Dad this is Shara, my girlfriend." panimula ni Jino.

Ngumiti naman ang Dad niya.

"Nice to meet you, Shara. Jino didn't told me na may girlfriend pala siyang maganda." pagbibiro nito.

"So, how long have you've been together?" tanong ng Mom niya.

"It's our 1st monthsary today, Mom. Kaya ako nag plan ng family dinner." sagot naman ni Jino.

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon