19

195 10 3
                                    

- Shara -

Nandito kami ngayon ni Lou sa starbucks malapit sa boutique.

"So saan ka galing na babaita ka?! Ang paalam mo kaninang umaga mag aabsent ka dahil nagkaayos na kayo ni Jino at may date kamo kayo! Pero bakit ka hinahanap ng jowa mo sa akin?!" dire-diretso niyang tanong.

Ako naman chill lang, higop higop lang ng kape.

"Kalma ka nga Lou, stressed na stressed ka sakin. Huwag ka mag-aalala may ginawa lang ako." sarkastiko kong saad sabay flip ng buhok.

Nagpatuloy lang ako sa pag inom ng kape.

"Alam mo Shara, leche ka! Pero teka, bakit parang blooming ka? Para kang bulaklak na nadiligan at ngayon ay namumukadkad. Anong ginawa mo ha?" pag-uusisa ni Lou dahilan para masamid ako.

Pota ang lakas ng radar ng babaeng to.

Pero teka, obvious ba na may ginawa ako?

Bigla tuloy akong na-concious sa kung ano ang itsura ko.

"Ha, ah eh cheek at lip tint lang yan na bagong bili ko. Maganda promise nakaka-blooming talaga." pag-iiba ko ng usapan.

"Ay oh? Mukhang maganda nga, parang ang natural lang ng glow at blush ng mukha mo. Siya nga pala, ano pala napag-usapan niyo ni Jino? Buti nagkaayos kayo agad?" tanong niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mag-iba na ang topic namin.

"Wala, nag-sorry at nag-explain siya. Syempre di ko naman siya matiis kaya pinatawad ko din agad. Tapos ayun, kumain lang kami saglit sa labas." pagkikwento ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya bilang tugon.

Bahagya naman kaming natahimik na dalawa.

"Ah, Lou may tanong ako." alanganin ko sambit.

"Hmm? Ano yun?" tanong niya.

"Is it possible ba na mainlove ang isang babae sa dalawang lalaki and vice versa?" alangin kong tanong.

Napansin ko naman na napakunot ng noo si Lou.

"Uhm, for me it depends. I mean, depende sa sitwasyon. Baka confused lang yung tao kung sino talaga mahal niya, or maaring pareho nga niyang mahal pero not in the same intensity. May lalamang at lalamang doon sa dalawa." seryosong paliwanag ni Lou.

Agad naman akong napaisip at tumango bilang pag sang-ayon.

Possible nga na naguguluhan ako.

Possible din na pareho ko talaga silang mahal.

At possible o totoo din na may isang mas higit sa dalawa.

Hays ang gulo, ang sakit sa ulo at sa puso.

"Teka bakit mo ba natanong?" tanong ni Lou.

"Ah, yung kakilala ko kase nagkwento na ganun nga may boyfriend siya tapos na-inlove pa daw siya sa kaibigan pa ng jowa niya." paglilito ko kay Lou.

Sana naman hindi siya makahalata na ako yung tinutukoy.

"Woah! Ang kati ni ate ghorl ha. Apakaharot at apakalantod niya. Tapos magkaibigan pa ang tinuhog niya, kung ako yun bubudburan ko yun ng asin para maalis ang kati!" nangigigil na saad ni Lou sabay tusok sa pirasong cake na nasa tapat niya.

Nasamid naman ako sa sinabi niya.

"Grabe ka naman makapang-judge sa tao, malay mo naman nagmamahal lang siya. Diba nga sabi ng prof natin nung college, kapag hindi mo na alam ang sagot isulat mo lang ang magmahal. Kasi kahit kailan hindi naging mali ang magmahal! Oh hindi mo yun alam, di ka kasi nakikinig dati hmp!" mariin kong sambit.

Kasi medyo natamaan ako sa sinabi ni Lou.

Medyo masakit siya magsalita ha.

Damang-dama ko eh.

"Kahit pa, hindi non majujustify yung ginawa nung kakilala mo. Kasi kahit pagbali-baliktarin natin, siya pa din ang mali. Kaya may mga nagchicheat at may mga relasyong nasisira, dahil sa mga ganyang paniniwala!" dagdag pa niya.

"Eh bakit galit ka sakin? Ha? Bat ako inaano mo?!" saad ko naman sa kanya.

"Haha baliw di ako galit sayo. Naiinis lang ako dun sa kwento mo. Kung sino man yung babaeng yon na kakilala mo, pakisabi habang maaga pa itigil na niya yung ginagawa niya. Kase sa huli, siya lang din ang masasaktan." seryosong payo niya na tipong ako talaga ang sinasabihan niya.

Bawat salitang binitawan niya ay tumatagos sa mga kalamnan ko.

Kaya wala akong ibang nasagot kundi ang tumango na lang.

Kasi tama naman lahat ng sinabi niya.

Mali itong ginagawa ko.

Namamangka ako sa dalawang ilog.

Kahit kailan hindi yon naging tama, kahit ano pa ang maging rason ko.

Alam ko din na sa huli, masasaktan at masasaktan ako.

At higit sa lahat, makakasakit ako.

To be continued...

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon