- Jino -
It's been 3 days since that night, sinubukan ko tawagan si Shara pero hindi niya ako sinasagot.
Tapos nalaman ni Mom, kaya kinuha niya ang phone ko.
Sinuspend din ako sa office at hindi pinalabas ng bahay.
Just like what they did to Ingrid when they found out yung sa kanila ni Artchael.
We're too old for this, but we can't do anything.
Sobrang powerful ng parents ko.
"Jino, wait lang ha. Tulog pa kasi si Shara, madaling araw na yun umuwi dito eh. Gisingin ko lang." pagpapaalam ni Rhian.
Nandito ako ngayon sa bahay nila Shara.
Susubukan humingi ng sorry.
Susubukan mag-explain.
At sana, pakinggan niya ako.
Ilang minuto lang ay bumaba na siya.
Walang ekpresyon ang kanyang mukha.
Hindi ko alam kung nagulat, natuwa o nagalit ba siya na nandito ako ngayon.
"I'm Sorry" mga katagang unang kong nabitawan pagkalapit niya.
"Bakit ka nandito? Buti naalala mo pa na may girlfriend ka. Akala ko break na tayo eh. Tatlong araw ka din walang paramdam. Akala ko ghinost mo nako." dire-diretso niyang bulalas.
"Look, Shara I'm really sorry kung ngayon lang ako nakapunta. It's a long story, but please know that I don't really mean to hurt you that night. I don't have a choice. I'm sorry, I'm really sorry especially sa inasal ng parents ko. Alam mo naman na mahal kita, sobrang mahal. And I can't afford to lose you. Please, let's fix this." pagmamakaawa ko sa kanya.
Lumuhod din ako sa harap niya to let her know that I'm sincere.
After a minute naramdaman ko na lang ang kamay niya na itinatayo ako.
"Halika na nga dito, tumayo ka dyan. You don't have to do that, alam mo naman na hindi kita matitiis." sambit niya.
Kaya naman agad akong napangiti.
"Pinapatawad mo na ako." tanong ko sa kanya.
Hindi pa din ako tumatayo.
Tumango naman siya pagkatapos ay ngumiti ng napakatamis.
Kaya naman agad na akong tumayo at niyakap ko siya sabay bulong...
"Mahal kita, Shara."
"Mahal din kita, Jino." tugon niya sa akin.
Katumbas ng saya na nararamdaman ko ay ang pangamba na malaman ito ng mga magulang ko.
For sure they will find a way para mapaghiwalay kami ni Shara.
Ayoko na mangyari yon.
Hindi ko hahayaan na mangyari yon.
Hindi ko ata kakayanin yon.
Nandito kami ngayon ni Shara sa isang restaurant. Bumawi kami ng date, kasi hindi namin na-celebrate ng maayos yung first monthsary namin.
Pero habang kumakain napansin ko ang panay na pagtitig ni Shara sa cellphone niya.
"Is there any problem babe?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya kasi maalis ang titig niya sa screen ng cellphone niya.
"Ah, no wala. May inaantay lang ako, baka may mag callback sa shoot. Hindi kasi nila alam na aabsent ako ngayon." pagpapaliwanag niya.
Tumango lang ako bilang tugon.
"Don't worry about your work. Let's just focus on each other. Babe time?" saad ko.
Napansin ko naman na agad niyang itinabi ang cellphone niya sa bag.
Pagkatapos ay kumain lang kami at nag-usap.
"Ibig sabihin buong three days nasa loob ka lang ng bahay niyo?" tanong ni Shara.
"Unfortunately, yes. Sobrang nakakainis yon, tapos..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone niya.
Dali-dali niya itong kinuha sa loob ng bag niya.
Pero napahinto siya ng tignan niya ang screen, tapos tumingin siya sa akin.
"Babe, excuse me. I have to answer this one. Baka importante." pagpapaalam niya.
"Yeah, sure." maikli kong sagot.
Kaya tumayo muna siya saglit at pumunta sa may gilid.
Napansin ko na hindi siya mapakali habang may kausap.
At parang biglang nag-alala ang mukha niya.
Ilang minuto lang din ang nakalipas at bumalik din siya agad sa table namin.
"Ah, babe kailangan ko na umalis. Emergency walang mag-aayos sa mga models. Nagkasakit daw yung isang kasama ko sabi ni Lou. I'm really sorry." paliwanag niya.
"No, it's okay. I understand, gusto mo ihatid na kita." saad ko sa kaniya.
"Hindi babe, okay lang. Mag-aangkas na lang ako para mas mabilis. Sorry talaga babe, i love you." sambit niya sabay halik sa labi ko.
Tapos ay nagmadali na siyang umalis.
To be continued...
AN :
Sorry po sa sobrang tagal na update, babawi po ako promise! :)
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.