26

169 11 1
                                    

- Shara -

Ilang araw na lang ay birthday na ni Jino. Kaya naman abala ako para sa surprise birthday party namin para sa kanya.

Buong barkada ay minessage ko para matulungan nila ako sa pagpaplano.

Kahit na busy sa work, gusto ko talaga i-push to. Gusto ko mapasaya si Jino. Kasi alam kong deserve niya ang maging masaya.

Kaya naman nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa boutique. Inaantay ko silang dumating.

Maya-maya ay napansin ko na papasok na si Lou kasama si Adrian.

"Hi Sha, kanina ka pa? Sorry ha, inantay ko pa kasi itong si Adrian. Antagal ako sunduin eh." bungad niya.

"Hi Shara, long time no see ha." bati naman ni Adrian.

Hindi din nagtagal ay sumunod na dumating si Arkie at Allen.

"Wazzup guys! Sorry we're late. So what's the plan yow!" malokong saad ni Allen.

"Haha para kang tanga Allen, maupo ka na nga. Sino na lang ba kulang?" tanong naman ni Arkie.

"Si Ingrid at Artchael na lang." saad naman Adrian.

Si Ingrid sure ako pupunta yon. Nagreply siya sa message ko.

Pero si Artchael, siguro baka hindi pumunta.

Minessage ko din naman siya.

Pero hindi naman nagreply.

Malamang hindi yon pupunta.

"Ay yung ex-lovers. Speaking of Artchael, nakakausap niyo ba yon? Ilang buwan ko na yon hindi nakikita, buhay pa ba yon?" tanong ni Allen.

"Oo nga, ako din hindi ko na nakakausap at nakikita si Artchael. Ano kaya pinaggagawa non sa buhay niya." dagdag naman ni Lou.

Napansin ko ang pagkibit-balikat nila na tila ba lahat sila ay walang idea kung nasaan si Artchael at kung anong nangyari sa kanya.

Samantalang ako ay tahimik lang din. Dahil wala na din akong naging balita sa kanya mula nung araw na tinapos namin ang namagitan saming dalawa.

"Hi guys, masyado na ba kaming late?" bungad sa amin ni Ingrid.

Kaya naman lahat kami ay napalingon sa kanya.

"Kami? E mag-isa ka lang naman" sabat ni Allen.

"Nah, I'm with — " hindi na natapos ni Ingrid ang sasabihin niya kasing biglang pumasok ang isang pamilyar na mukha.

Nandito siya.

Akala ko hindi siya pupunta.

Pero bakit nandito siya?

Bakit magkasama sila ni Ingrid?

"Sorry natagalan lang sa pag-park ng motor." seryoso niyang sambit.

Tila nanlamig ang buo kong katawan ng muli kong marinig ang boses niya.

Ramdam ko din ang panginginig ng kalamnan ko.

Shit! Shit! Shit!

Bakit ako nagkakaganito?

Okay nako.

Okay nako.

Okay nako.

Okay ka na Shara.

Kumalma ka lang.

Pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko.

Halos lahat din sila ay nagulat dahil nakita nila na magkasama si Artchael at Ingrid. Kaya wala agad nagsalita ni isa sa amin.

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon