23

140 7 2
                                    

- Shara -


Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas.

Mas nagkaroon ako ng oras para makapag isip-isip.

Mas naging okay kami ni Jino.

Mas nakita ko yung halaga niya.

Mas sigurado na din ako, na mahal ko talaga siya.

At masasabi ko din na tama talaga ang naging desisyon ko.

Masaya na ako sa naging desisyon ko na piliin siya.

"Happy 8th monthsary babe, i love you. Thank you for coming into my life."  sambit niya sabay ngiti ng napakatamis

"Happy 8th babe, i love you too. Thank you for everything. I'm so happy that we've come this far. Cheers to more months and hopefully years, with you." tugon ko.

Pagkatapos ay sabay naming ininom ang isang baso ng wine na hawak namin.

Nandito kami sa isang private resto na ni-reserved ni Jino for us.

Sobrang ganda ng ambiance dito.

Napapalibutan kami ng mga kandila na hugis puso.

May mga petals ng rosas sa sahig.

Habang may tumutugtog na musika.

Tapos dim light, kaya nakikita ang silhouette naming dalawa.

Maya-maya pa ay bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Pwede ba kitang isayaw magandang binibini?" tanong niya sa akin.

Napahalakhak naman ako ng bahagya.

"Ang corny mo. But I like it, no i love it." saad ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Inalalayan naman niya ako sa pagtayo.

Pagkatapos ay dinala niya ako sa gitna ng mga kandila na hugis puso.

Ipinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya.

Kasabay nito ay inilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko at pinagkrus ang mga ito. Dahilan upang mas maging malapit kami sa isa't-isa.

Sumayaw lang kaming dalawa.

At sobrang sarap sa pakiramdam kasi para kaming may sariling mundo.

Kung saan kaming dalawa lang ang nandito.

Wala iba, kami lang dalawa.

Hindi nagtagal ay inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya sabay pikit ng dalawang mata ko.

Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Sobrang payapa ng nadarama ko.

Pakiramdam ko walang masamang mangyayari sa akin.

Pakiramdam ko sobrang ligtas ako sa mga bisig niya.

At dahil malapit ako sa dibdib niya, ramdam at rinig ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya.

Sana ganito na lang kami palagi.

Masaya, walang problema at walang ibang iniisip na kahit na ano o sino bukod sa aming dalawa.

Sana hindi na lang matapos ang gabing ito.

Bago matapos ang musika ay naramdaman ko na hinalikan ni Jino ang ulo.

Pagkatapos ay may ibinulong siya sa tenga ko.

"Mahal kita, Shara. Mahal na mahal." marahan niyang sambit.

Agad ko namang iniangat ang ulo ko mula sa dibdib niya.

Kaya ngayon ay magkatama na ang mga mata namin.

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita.

"Mahal din kita, Jino. Mahal na mahal." tugon ko na mabilis na nakapagpangiti sa kanya.

Pagkatapos ay ipinagdikit niya ang noo naming dalawa.

Hanggang sa unti-unting maglapit ang aming mukha.

Kasabay din nito ang unti-unting paglapat ng mga labi naming dalawa.

Ipinikit ko lang ang aking mga mata at dinama ang bawat pagdampi ng labi niya sa labi ko.

It was a long and passionate kiss.

To be continued...

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon