- Artchael -
Umalis ako ng condo ni Ingrid na sobrang gulo ng isip.
Mahal ko siya, pero galit ako sa kanya.
Mahal ko siya, pero ayoko siyang makita.
Kasi sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang kung gaano ako minaliit ng mga magulang niya.
Sa tuwing nakikita ko siya, nanliliit din ako sa sarili ko.
Sa tuwing nakikita ko siya, nasasaktan ako.
Naglakad ako nang naglakad.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko na nakaupo dito sa seaside.
Nakaupo habang nakatingin sa kawalan.
Bigla kong naisip si Shara.
Sana nandito siya.
Para naman may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko.
Maya-maya pa ay naisipan ko siyang itext.
To : Shara
Shara, nasaan ka? Busy ka ba? Kita tayo. Need lang ng kausap. Pls :(
Ilang minuto lang din ay nagreply na siya.
Otw na daw.
Sinabi ko na din kung nasaan ako.
After 20 minutes...
"Pst!" rinig kong sitsit ng kung sino man mula sa likod ko.
Paglingon ko, si Shara pala.
"Wow, ginawa mo naman akong aso kung makasitsit ka." saad ko sa kanya.
Bahagya naman siyang napatawa.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Anong problema?"bungad na tanong niya.
"Nagkita kami kanina. Muntik ng may mangyari samin." sambit ko.
"Woah!" yun lang ang naisagot niya.
"Ayoko na maging ganito, sobrang miserable na ng buhay ko. Ano ba ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya agad sumagot kaya nilingon ko siya.
Tila nag-iisip siya ng sasabihin.
"I-embrace mo lang muna yung pain. Tapos pag feeling mo pagod ka. Next step na, acceptance. Unti-unti mong tanggapin sa sarili mo na wala na talaga. Pagkatapos, mag move forward ka na. Try to distract yourself. I mean, try new things, mga pwede mong mapagkaabalahan. As much as possible wag mo i-isolate yung sarili mo. Dapat make sure may nakakausap ka. Kase pag mag-isa ka, maaalala mo lang lahat. Tapos mahihirapan ka nanaman mag move on." seryosong tugon niya.
Tumango tango lang ako bilang pag sang-ayon.
Tama siya.
Tama lahat ng sinabi niya.
Tapos na ako sa sakit, pagod nako dun.
Dapat tanggapin ko na.
Na wala na talagang pag-asa.
Nilingon ko si Shara.
Nakatingin siya sa buwan.
Hindi ko alam pero bigla akong napangiti nang titigan ko siya.
"Bakit sobrang accurate lahat ng mga sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
Tumingala ulit siya at tumitig sa buwan.
Huminga ng malalim bago muling nagsalita.
"Siguro kase naexperience ko na din ang ma-heartbroken. Alam ko yung pakiramdam na ganyan. Yung nahihirapan ka mag let go, kaya nahihirapan ka din mag move on." sagot niya.
Tapos nagsalita siya ulit.
"Ang lamig ng simoy ng hangin, nakakarefresh." sambit niya.
Kaya naman nilingon ko siya.
Nakapikit siya ngayon habang dinadama ang simoy ng hangin.
Sinamantala ko ito para mas matitigan siya.
Ang ganda niya.
Tapos mabait pa.
Matalino din, base sa mga sagot niya.
Lahat ng sinasabi niya may sense.
Hindi din boring kausap, lakas ng sense humor.
Hayyy!
Ang swerte ni Jino sayo.
Bakit ba ngayon lang kita nakilala?
Tanong ko sa sarili habang tinititigan siya.
Pero bigla siyang dumilat kaya agad akong tumingala at nagkunwaring nakatingin sa buwan.
"Tara kain tayo lugaw o kaya mami." aya niya sa akin.
"Kumakain ka ng mga ganun? I mean, diba most of the girls ang gusto puro fancy foods." tanong ko sa kanya.
Bigla naman siyang tumawa ng bahagya.
"Fancy foods, ew! Di naman yun masasarap. Nilagyan lang ng mga dahon dahon kaya mukhang maganda. Tapos napakonti pa ng serve. Diko bet mga ganun." saad naman niya sabay tayo.
"Tara na! Para mabawasan yang kalasingan mo." dagdag niya pa at nag-umpisa nang maglakad.
"Hoy di ako lasing noh!" sigaw ko naman sa kanya.
Tumawa lang siya ng pang-asar.
Wow.
This woman never fails to amaze me.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.