Sa pag-ibig mararanasan mong magmahal, masaktan, makasakit, magpakatanga, maloko, manloko at higit sa lahat maging martyr.Mararanasan mong magmahal tapos hindi ka mamahalin pabalik.
Swerte mo na lang kapag yung minahal mo ay mahal ka din.
Sa naging kaso ko ang malas, kasi nagmahal ako ng taong hindi ako minahal pabalik.
Pero kahit kailan hindi ko yun pinagsisisihan.
Hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Shara.
Kasi dahil sa kanya madami akong natutunan.
Sa kanya ko natutunan kung kailan dapat sumuko o kung kailan dapat lumaban.
Natutunan ko yun nung nagawa ko siyang isuko, kasi alam kong doon siya magiging masaya. Kahit na ang kapalit nun ay ang kalungkutan ko.
Natutunan kong magparaya at lumaya mula sa sakit na dulot ng nakaraan.
At ngayon, masasabi ko na masaya at kuntento na ako sa buhay ko kasama ang babaeng mahal ko.
~ John Inoncencio Romualdez ( Jino )
----------
Sa buhay may mga tao kang makikilala na hindi mo inaasahang magbibigay ng malaking impact sayo.
May tao kang makikilala na mamahalin mo, tapos sasaktan ka lang din.
May ibang tao naman na mamahalin ka, tapos ikaw yung makakasakit.
At higit sa lahat may tao kang makikilala na kung saan mamahalin niyo yung isa't-isa pero tutol naman si tadhana.
Lahat sila na makikilala mo ay mag-iiwan ng mga aral sayo. Mga aral na magagamit mong sandata para mas tumatag at tumibay ka.
Natutunan ko kay Jino na dapat maging totoo ka sa nararamdaman mo. Dahil hindi lang ibang tao ang niloloko ko, kundi pati na rin ang sarili ko.
Higit sa lahat, natutunan ko naman kay Artchael na dapat mahalin ko muna yung sarili ko. Kasi mahirap nga namang magmahal ng iba kung yung sarili mo mismo hindi mo magawang mahalin.
At ngayon, mahal ko na ang sarili ko tapos mahal pa ako ng taong mahal ko. Sa palagay ko wala ng mas hihigit pa don.
~ Shanell Rai Mercedes ( Shara )
----------
Buong buhay ko isa lang naman ang hiniling ko. Na sana may isang tao akong makilala na mamahalin ko, mamahalin ako, hindi ako iiwan at handa akong ipaglaban.
Kasi buong buhay ko lagi akong iniiwan ng mga taong mahal ko. Mula sa mga magulang ko, hanggang kay Ingrid at Shara.
Sa katunayan nung nasaktan ako kay Ingrid akala yun na ang huling beses na magmamahal ako.
Akala ko yun na yung pinakatodo kong pagmamahal.
Pero nagkamali ako nung makilala ko si Shara.
Ang dami kong mga bagay na nagawa ng dahil sa kanya. Nagawa kong sirain ang buhay ko at nagawa ko din buuin ito muli, dahil sa kanya.
Nagawang kong magmahal kahit na ang sakit sakit niyang mahalin. Kasi alam kong worth it yung sakit na mararamdaman ko, kung katumbas nun ay magiging masaya siya.
At ngayon, masasabi ko na worth it naman lahat ng pinagdaanan ko. Kase masaya na ang babaeng mahal ko at masaya na din ako. Kasi sa wakas, nahanap na namin ang kasiyahan sa piling ng isa't-isa.
~ Artchael Sandoval
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.