32

156 12 1
                                    

- Jino -


Pagkatapos namin mag-usap ni Artchael ay dumiretso naman ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Shara.

Mag-uusap din kaming dalawa at aayusin ang kung anong meron pa sa amin.

Kung meron pa nga ba?

Ilang saglit lang ay nakarating din ako agad.

Pagpasok ko ay naabutan ko si Shara na nakaupo at matiim na naghihintay sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy at lumapit sa kanya.

Nang mapansin niya na nandito na ako ay umayos siya ng upo.

"Kanina ka pa?" bungad kong tanong sa kanya.

"Hindi naman masyado." sagot niya sabay tipid na ngumiti.

"Anong pag-uusapan natin?" seryoso kong tanong sa kanya, pagkatapos ay tinignan ko siya ng diretso.

Bigla naman siyang umiwas ng tingin sa akin at bahagyang yumuko.

"Yung tungkol sa atin, yung nangyari nung birthday mo. Yung sinabi mo na break na tayo." mahina niyang sambit.

"Gusto mo na ba talaga na magbreak tayo?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi siya nagsalita... pero alam ko na agad ang sagot.

Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita.

"Shara, minahal mo ba ko?" tanong ko ulit sa kanya.

Iniangat niya ang ulo niya kaya naman magkatama na ang aming mga mata.

"Oo, minahal kita... minahal kita Jino. Maniwala ka man o hindi, pero minahal kita."diretsahan niyang sagot.

"Haha bakit pakiramadam ko hindi. Kase Shara kung mahal mo ko, hindi mo ko sasaktan. Kung mahal mo ko, hindi mo ko lolokohin. Kung mahal mo ko, hindi ka maghahanap ng iba. Kung mahal mo ko, dapat hindi mo ko ginaganito. Kase Shara, kung pagmamahal para sayo lahat ng ito, ayoko na lang na mahalin mo ko. Kase ang sakit mong magmahal Shara... sobrang sakit." sambit ko, medyo garalgal na ang boses ko.

Nagbabadya nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay.

"Sorry kung yan ang naramdaman mo, pero trust me... minahal kita Jino. Totoo yun." saad niya.

Umiiyak na siya sa harap ko ngayon.

Bigla nanaman akong nanlambot.

Hinawakan ko din ang dalawa niyang kamay ng mahigpit.

Kahit ngayon lang ulit.

"Ano bang problema sakin Shara? May kulang ba sakin? May hindi ka ba gusto? Hindi ba ako naging sapat sayo? Gusto kong malaman yung reason Shara, kung bakit." unti-unti nang nabagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Huminga muna siya ng malim bago nagsimulang magsalita.

"Hindi ko alam Jino, pero siguro nagsimula yung problema nung hindi ako tanggap ng mga magulang mo. Doon ko kase nakita kung gaano kababaw yung pagmamahal mo sakin. Na handa kang bitawan ako ng ganun kadali. Pakiramdam ko hindi mo ko kayang ipaglaban sa kanila." paliwanag niya.

Tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak.

"Kasi Jino, nung gabing yun pakiramdam ko ang layo layo ng agwat natin sa isa't-isa. Na hindi ako karapat-dapat para sayo. Sobrang nanliliit ako sa sarili ko. Tapos ni hindi mo man lang ako nagawang ipagtanggol sa mga magulang mo. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ng gabing yon." pagpapatuloy niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit ngayon mo lang yan sinasabi lahat?" mariin kong tanong sa kanya.

"Hindi ko naman dapat sabihin yun Jino, kasi kung talagang mahal mo ko kusa mo yun gagawin. Kung talagang mahal mo ko, dapat handa kang ipagtanggol ako. Pero hindi eh, ang bilis mo nga lang akong binitawan nung gabing yun. Ni hindi mo din ako hinabol." rinig ko na ang paghikbi niya.

"Nag sorry ka sakin pagkalipas ng tatlong araw, tapos pinatawad kita. Pero wala na eh, may doubt na ko sayo. Hindi nako sigurado sayo, hindi nako sigurado sa tayo. At alam kong kasalanan ko yun kasi dapat mas naging open ako sayo. Sorry, inaamin ko kasalanan ko yun. At kahit na ano pang maging paliwanag ko ngayon, hindi nun magja-justify yung panglolokong ginawa ko sayo. Sorry..." bahagya siyang yumuko at nagpatuloy sa pag-iyak.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay niya.

"Masyado ng masakit itong relasyon natin Jino, siguro nga mas mabuting itigil na natin to. Kasi kapag ipinagpatuloy pa natin, mas lalo lang tayong magkakasakitan. Mas lalo lang kitang masasaktan... at ayoko na mangyari pa yun." marahan niyang sambit.

Bahagya akong napayuko at napatango sa mga narinig ko.

"Matagal na kong nasasaktan Shara, matagal mo na kong sinasaktan. At hanggang ngayon sinasaktan mo pa din ako... Pero kung ito talaga ang gusto mo... wala na akong magagawa. Ayoko naman ipilit ang isang bagay na hindi na pwede. Ayokong ipilit yung sarili ko sayo kung ayaw mo na talaga." mahinahon kong tugon.

Bumuntong hininga ako ulit at pagkatapos ay pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya.

Patuloy lang siya sa pag-iyak.

Pero kahit na umiiyak siya, hindi pa din maikakaila na maganda pa din siya.

Marahan akong ngumiti sa kanya habang diretsong nakatitig sa mga mata niya.

Pagktapos ay muling nagsalita.

"Sa huling pagkakataon, gusto kong malaman mo na sobrang mahal kita Shara. Mahal na mahal kita Shara, kaya kahit masakit... pinapalaya na kita." huling sambit ko bago bitawan ang kamay niya at tuluyang umalis.

"Sorry Jino" mahina niyang sambit.

Pero hindi ko na siya nilingon pa, kase baka kapag nilingon ko pa siya hindi ko na siya bitiwan.

Kaya kahit masakit ay nagpatuloy ako sa paglakad palayo sa kanya.

Palayo sa taong nanakit sakin.

Palayo sa babaeng mahal ko...

Sabi nila, matapang daw ang sundalo na handang lumaban at hindi sumusuko.

Pero para sa akin, mas matapang yung sundalo na kayang umamin ng pagkatalo.

At ngayong araw...

Ako yung sundalo na natalo sa laban ng pag-ibig ko.

To be continued...

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon