- Shara -
Umuwi ako ng bahay na basang-basa sa ulan at namumugto ang mga mata.
Inasikaso din ako agad ng pinsan ko na si Rhian.
Sinusubukan daw niya ako kausapin kanina pero hindi ako nagsasalita, sa halip ay nakatulala lang daw ako.
Pero ngayon medyo umokay na ang pakiramdam ko kaya nakakapag-usap na kaming dalawa.
Ikinuwento ko na sa kanya lahat ng namagitan at nangyari sa amin ni Artchael.
Alam ko kasi na of all the people that I know, itong pinsan ko yung pinakamapagkakatiwalaan ko.
Alam ko na kahit kailan, hinding-hindi niya ako huhusgahan.
At habang kinikwento ko sa kanya lahat, heto nanaman ako ngayon, umiiyak at pugtong-pugto na ang mga mata.
"Rhian, ang sakit... ang sakit sakit. Bakit ganon?" tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko naman na hinagod niya ang likod ko na parang bang pinapakalma niya ako. Dahil halos humuhikbi na ako sa pag-iyak.
"Sabi nga sa movie ni Alex G. Naging ganyan kasakit, kasi naging ganun kasaya." panimula niya.
"Naging ganyan kasakit, kasi naging ganun kalalim yung love na nainvest mo sa kanya. Naging ganyan kasakit, kasi alam mong nasaktan mo din siya. Naging ganyan kasakit kasi alam mo na mahal niyo ang isa't-isa, kaya lang hindi tama." dagdag niya pa.
"Pero tama naman yung ginawa ko diba? Tinama ko lang yung pagkakamali namin." tanong ko sa kanya.
"Sa pagtatama mo ba ng pagkakamali niyo, naging masaya ka ba?" pagbabalik niya ng tanong sa akin.
Umiling ako bilang sagot.
"That's it. Para lang yan pagbura ng maling sagot sa test paper na ang sabi sa direction, erasures is also considered as wrong. Sa kagustuhan mong maitama yung mali mong sagot, binura mo at pinalitan mo ng tamang sagot. Not knowing na kahit binura mo yun, useless pa din kasi hindi na siya counted. What I mean is, kahit naitama mo yung pagkakamali niyong dalawa, useless din. Kase pareho kayong hindi masaya at pareho kayong nasasaktan na dalawa." makahulugan niyang sambit.
Minsan lang magseryoso at magpayo itong pinsan ko pero napakalalim ng mga sinasabi.
"But don't get me wrong. Masaya pa din ako sa naging desisyon mo, kasi kahit mahirap at masakit... ginawa mo pa rin yung sa tingin mo ay tama. Proud ako sayo sa part na yon." dagdag niya pa ulit sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Pakiramdam ko gumaan na kahit papaano yung bigat sa puso ko.
"Thank you Rhian, kasi lagi kang nandyan for me. Thank you." sambit ko sa kanya.
"Ano ka ba, wala yon. Para saan pa at naging magpinsan tayo. Basta, pag may problema ka dito lang ako. Huwag kang mahihiya na magsabi sa akin." tugon niya sabay ngiti.
Kaya napangiti na din ako.
"Pero teka, maiba tayo. Ibig sabihin ba si Jino ang pinipili mo over Artchael? So kayo pa din ni Jino? Alam ba niya yung sa inyo ni Artchael, diba kaibigan niya yon?" sunod-sunod na tanong nito.
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.