- Jino -
Isang linggo matapos kaming maging official ni Shara, I decided to introduce her to my friends.
Kaya naman nandito kami ngayon sa isang resort na pagmamay-ari ng family ko.
Pero hindi pa kami kumpleto.
Ako, si Shara, Ingrid, Adrian at Lourdes pa lang ang nandito.
Si Stephen, Denise, Arkie, Allen at Artchael naman magkakasama sa isang van.
Otw na din sila, nalate lang ng konti kasi hinintay pa nilang matapos si Artchael sa photoshoot niya.
Kaya habang hinihintay namin sila ay naisipan na namin mag-ayos ng mga gamit.
6:00 pm na ng sa wakas ay makarating na din sila. Sakto naman at handa na ang hapunan para sa aming lahat.
"Woooh! Wazzup bois! Long times no see!" sigaw ni Allen at nakipag hand shake pa sa amin.
"Pucha, akala mo talaga matagal tayong hindi nagkita-kita. E last week lang magkakasama tayo." saad naman ni Stephen.
"Eh syempre ngayon lang tayo nabuo, nandito na si lover boy e. Pakilala mo naman kami kay Miss Beautiful na kasama mo." tugon naman ni Arkie.
Lahat sila ay nakatingin na kay Shara.
Napansin ko naman na medyo naiilang si Shara. Bukod kasi kay Lourdes, wala na siyang ibang kilala sa mga kaibigan ko.
"Uhm, guys. This is my girlfriend, Shara." pag iintroduced ko sa kanya.
"And babe, these are my friends.
Si Stephen, pinakamatalino sa aming lahat na boyfriend ni Denise.
Si Arkie, ang dancer sa amin.
Si Allen, ang pinakabata.
Si Adrian, ang half half na boyfriend ni Lourdes, you already know naman na diba.
Si Artchael, ang pinakagwapo samin, model yan.
And last, Ingrid my sister." pagpapakilala ko sa kanila isa-isa.
"Nice to meet you guys." marahang sambit ni Shara.
"Welcome to club Shara!" masiglang tugon ni Denise.
"Let the parteh parteh begin!" sigaw naman ni Allen.
Kaya dumiretso na kaming lahat sa loob para makapaghapunan.
Matapos maghapunan ay napagpasyahan namin na magpahinga na muna, dahil sa pagod na din kaming lahat sa byahe.
At dahil limang lang ang bedrooms namin dito, nag share share na lang kami.
Stephen & Adrian
Arkie & Allen
Ako & Artchael
Denise & Ingrid
Lourdes & Shara
Nandito na kami ni Artchael sa room namin.
Kanina ko pa pansin na tahimik lang siya at walang kibo, lalo na kanina nung kumakain kami.
Maybe, hindi lang siya comfortable na nasa iisang lugar sila ng kapatid ko.
Yeah, I know what's going on between them.
At wala naman akong pwedeng gawin dahil lovelife nila yan.
Ayoko makialam.
Maya-maya pa ay sinubukan ko siyang kausapin.
"Kamusta bro? Ayos ka lang ba? Bakit kanina ka pa tahimik?" tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang napalingon sa akin.
"Oo naman, ayos lang ako. Medyo napagod lang siguro." maikling sagot niya sabay ngiti.
"Yung tungkol sa inyo ni Ingrid ---" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko kasi bigla ulit siyang nagsalita.
"Wala na yun, nakapag-usap na kaming dalawa. Okay na kami. Siguro wag na lang din natin pag-usapan." tugon niya.
"Alright, if that's what you want." saad ko.
Biglang naman siyang tumayo at nagsuot ng jacket.
"Labas lang ako saglit, papahangin lang." paalam niya bago tuluyang umalis.
Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Shara.
To : Babe♡
Goodnight Babe, I love you. I'm going to sleep na ha :)
Inilapag ko din agad ang cellphone ko sa side table na nasa gilid ko, matapos kong masend ang text.
Hindi ko na hinintay ang reply niya.
Nahiga na ako sa kama at marahang ipinikit ang aking mata.
Gusto ko ng magpahinga, sobrang napagod din ako ngayong araw.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo [COMPLETED]
Romance"Malay Mo" is a heavy word. It somehow gives hope to you, even if you know that it is impossible. Na baka meron, baka pwede, baka sakali. Kasi malay mo, tayo sa huli.