18

200 10 2
                                    

- Shara -

Alas singko na ng hapon ng magising ako.

Nakapatong ang ulo ko sa dibdib ni Artchael habang nakapulupot naman ang kamay niya sa bewang ko.

Siya naman ay mahimbing pa ang tulog.

Dahan-dahan akong gumalaw para humarap sa kanya.

Ngunit nakaramdam ako ng pagkirot sa pagkababae ko nang gumalaw ako.

Ngayon ay nakahiga ako patagilid, habang nakaharap sa kanya. Ginamit ko namang pantukod ang siko ko, habang nakapatong naman ang ulo ko dito para mas lalo kong makita at matitigan ang mukha niya.

"Mahal kita" bulong ko sa kanya sabay haplos ng hintuturo ko sa ilong niya.

Marahan kong tinititigan ang mukha niya, tila ba kinakabisa ko ang bawat parte at sulok nito.

Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong saya, na kapag kasama ko ang lalaking ito pakiramdam ko hindi ko kailangan maging perfect. Hindi ko kailangan isipin kung okay ba o ano bang ikikilos ko sa harap niya. Sa kanya ko lang naipapakita yung totoong ako, hindi mahirap para sakin na mahalin siya.

Kaya kahit alam kong mali, sumugal ako dito. Sa ganitong set-up namin. Kahit mahirap at kahit alam kong may posibilidad na masaktan ako. Kasi alam ko sa sarili ko na it is worth the pain. Dahil dito ako sumasaya, dito ko nararamdaman yung totoong pagmamahal na matagal ko nang hinahanap.

Pero mahal ko din naman si Jino.

Mahalaga din siya para sa akin.

Siya ang unang lalaki na nagparamdam sakin kung gaano ako kahalaga.

Siya yung unang kong nakilala at minahal.

Siya yung boyfriend ko.

Hindi ko gusto na saktan siya, pero wala e. Sa ginagawa ko ngayon, alam kong masasaktan siya.

Nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa puso ko sa ideyang masasaktan ko si Jino.

Sinubukan ko naman pigilan 'tong nararamdaman ko para kay Artchael. Pero ang traydor lang kasi nitong puso ko, ang bilis nahulog sa lalaking to.

Hinalikan ko siya sa pisnge bago muling humiga.

Marahan ulit akong gumalaw at ipinatong ko ulit ang ulo ko sa dibdib niya pagkatapos ay iniyakap ko ang kamay ko sa kanya.

Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko at pilit na kinakalimutan ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.

Ayoko muna mag-isip ng kung ano-ano.

Gusto kong i-treasure ang moment na'to na kasama ko si Artchael.

Makalipas ang mahigit isang oras bigla akong naalimpungatan. May naamoy akong mabango, parang pagkain.

Tapos ng kapain ko si Artchael, wala na siya sa tabi ko.

Marahan kong minulat ang mata ko at sinubukang hanapin si Artchael.

Hanggang sa makita ko siya na nasa kusina, nakaharap sa lutuan.

Naka-boxer lang siya habang nagluluto.

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon