35

135 13 5
                                    

- Shara -

"Hello lou, nasa venue na ba kayo ng reception? Sige sige dyan na ko didiretso." sambit ko kay Lou mula sa kabilang linya.

Na-late ako sa wedding ceremony ni Jino. Kaya naman sa reception na lang ako didiretso. Nadelay kasi ang flight ko, buti na lang at may aabutan pa ako.

Tapos ito pa nga, traffic pa dito. Hays bakit ba ganito sa Pilipinas.

Buti na lang at hindi kalayuan ang venue kaya makalipas ang 30 minutes ay nakarating din ako.

Nang pumasok ako ay naabutan ko na may kumakanta sa harapan.

Si Artchael pala.

Nakapikit siya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.

Agad naman akong sinalubong ni Jino at ng wife niya na si Elyse.

"Sorry sobrang late ko na, congratulations sa inyong dalawa. Yung gift ko nasa luggage pa." bungad ko sa kanila.

"No worries Sha, buti at nakahabol ka. Thank you sa pagdating." tugon naman ni Jino pagkatapos ay bumeso siya sa akin.

"Thank you Shara sa pag-attend. I never thought na mas pretty ka sa personal." sambit naman ni Elyse, pagkatapos ay bumeso din siya.

"Grabe hindi naman masyado, ikaw din pretty." pambobola namin sa isa't-isa.

"Let's go there, andun sila." pag-aaya naman ni Jino at dinala niya ako sa pwesto ng barkada.

Halos lahat sila ay nabigla sa pagdating ko, maliban kay Lou. Dahil siya at si Jino lang ang may alam na ngayon ang uwi ko.

Maikling batian lang ang ginawa namin dahil pinanood namin si Artchael na kumakanta sa harap.

Marahan ko lang siyang pinagmamasdan. Sobrang daming nagbago sa kanya. Mula sa pag-aayos at porma. Tapos makikita mo na talagang confident siya magperform sa harap ng madaming tao. At sobrang gumwapo siya lalo.

Masaya ako para sa kanya. Sa mga narating niya at kung ano na siya ngayon.

Nakangiti lang ako habang pinapanood siya.

Maya-maya lang ay bahagya siyang dumilat.

Agad na nagtama ang mga mata naming dalawa.

Halata sa mukha niya ang pagkabigla ng makita ako. Pero nagpatuloy siya sa pagkanta hanggang sa matapos ito.

Lahat kami ay nagpalakpakan.

Ilang saglit lang din ay naglakad na siya papunta sa pwesto namin.

Agad akong tumabi kay Lou. Samantalang siya naman ay pumwesto sa pagitan nila Allen at Arkie.

Kumain lang kaming lahat at nagkamustahan.

Pero hindi kami masyado nagsasalita parehas ni Artchael. Hanggang sa muling lumapit si Jino sa table namin, pero hindi na niya kasama si Elyse.

Medyo konti na lang din ang tao dahil lumalalim na din ang gabi.

"Artchael, Shara! Pwede ba tayo mag-usap na tatlo?" tawag ni Jino sa amin na ikinabigla naming lahat.

Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon