Work
Bumaba na ako nang taxi at nagbayad. Iyon na ang huli kong pera sa totoo lang pero gabi-gabi naman ang distribution nang sweldo namin dito kaya okay lang. Sana lang ay malaki-laki ang tip na makukuha ko ngayon para may pandagdag naman ako sa renta na babayaran ko bukas.
Kung wala talaga'y baka mag cash advance nalang ako.
Ilang metrong lakaran lang at nakarating na ako sa bar na pinagta-trabahoan ko. Sinuot ko na rin ang signature mask ko upang hindi ako makilala nang kahit sino.
Madali lang itong mahanap sapagkat bigatin ang bar na ito at syempre bigatin rin ang mga customer.
Oo. Sa bar ako nagta-trabaho bilang isang entertainer. Hindi iyong maghuhubad na ha at lalong hindi iyong tipo na aabot na sa kama. Hindi iyon nakasulat sa pinirmahan kong kontrata at kahit offeran ako nang malaking halaga nang customer ay hinding-hindi ko rin talaga susunggaban iyon.
Napilitan nga lang ako dito ehh.
May konting hipuan. Oo. Nahipuan na nga ako nang maraming beses ehh. Tanggap ko na naman 'yun, ganto ang pinasok kung trabaho.
Nung unang mga buwan ko, muntik na akong mapatalsik dito. May sumundot kasi sa pwet ko kaya ayun sinipa ko ang itlog. Nagreklamo sa may-ari, ehh bigating customer pala yun.
Hanggang sa nasanay na ako. Alam ko na rin kung paano makipag laro sa mga customer. Hindi talaga maiwasang mabastos pero may mga bouncer namang nagmamasid sa amin at aawat kung sakaling kami'y papalag na.
Madumi kung tingnan nang iba ang trabahong ito ngunit may dignidad at respeto pa rin naman ako sa aking sarili. Iyon nalang ang meron ako kaya hindi ko hahayaang mawala iyon.
Dumaan ako sa may likod.
May secret passage sa lugar na iyon intended for employees only. Klaro naman kasi may nakapaskil na Employees entrance sa ibabaw na may dalawang malalaking bouncer ang nakabantay.
Pinakita ko agad sa dalawa ang aking private pass at pumasok na sa doon. Pagkapasok ko dumiretso agad ako sa dressing room nang mga entertainers. And as usual busy'ng busy na ang lahat.
Walo kaming entertainers sa bar na ito at hindi mo maipagkakailang lahat ay magaganda at sexy.
Magdadalawang taon na ako dito kaya nakilala ko na rin sila isa-isa. Hindi nga lang sakop doon ang kanilang tunay na pangalan at personal na buhay pero naintindihan naman namin iyon lahat.
Pinoprotektahan lang namin ang mga images namin kaya ganun.
"Hi Red!" Kaway sakin ni violet habang nangre-retouch. Nakapagbihis na rin ito.
"Hi! Ang sexy mo girl! Baka mamaya maglaway sila masyado sayo nyan!" Gigil kong sabi sa kanya.
Natawa na lamang sya sa tinuran ko."Baka nakakalimutan mong ikaw ang nasa center stage ngayon? Nako, pag nakita nila ang suot mo mamaya baka milyon ang i-tip sayo!" Sabay halakhak nya. Patuloy parin sya pag re retouch, tapos na kasi syang magbihis.
Kinawayan ko narin sila isa-isa at inappreciate ang kagandahan taglay nila. Hindi ako nambobola ha! Sadyang pinagpala lang talaga sila sa katawan at mukha. Syempre kasama na ako doon! Haha
Mag-uusap pa sana kami nang biglang may humila sa akin.
"Ay 'day Red! Mabuti at nandito ka na! Nako, bilis bilis at kunin mo na ang damit mo roon nang magbihis na!" Tarantang sabi ni Madam Starla sa akin. Sya ang commander nang mga entertainers... And yes kilala nya na kami personally kasi sya ang nag-assign sa aming walo one on one, as entertainers.
Tinanguan ko nalang sya, "Relax po madam Starla! Oo na po, magbibihis na." dumiretso na sa cubicle ko. Tinanggal ko muna ang mask ko at nilapag ang bag sa may lamesa. Sinuri at sinuot ang kulay pulang susuotin ko ngayon.
Here, my name is Red.You heard it right. My codename here is Red. Wala ang mapagbiro at inosenteng Lexie na nakilala nang karamihan doon sa may kanto namin.
Each entertainers represents a color, and duon narin mag-b-base sa kulay mo ang pangalan mo.
We have White o si Snow, Violet, Pink, Green o si Leafy, Yellow o si Sunshine, Blue o si Isla, Orange, at syempre Red.
Red ang ibinigay sa akin.
Madalas na sinusuot ko ay yung mga damit na kulay pula, pero minsan naiiba depende sa okasyon o sa gusto nang mga bigating customers.
Bawat entertainers ay may nakalaan na isang cubicle. May malaking pabilog na salamin sa harap na pinalilibutan nang mga bombilya, may isang nakadikit na pahabang lamesa na lalagyanan nang mga make ups at iba pang gamit, at isang umikot-umikot na upuan. Iyon lang.
Eeach night, seven entertainers ang mag-p-perform. Kaya walo kasi sa isang araw may isang mag-d-day-off.
At kapag day off mo, may sweldo ka pa rin naman pero walang tip. Isang libo ang gabi namin dito at kadalasan ay mas malaki pa ang nakukuha namin na tip kaysa sa nakukuha naming sweldo. Kaya nagtagal ako rito.Ngayon araw, wala si Snow. Day off nya. Salitan kami lahat sa pag-d-day off.
Lahat kaming mga entertainers ay tinuruan rin nang kung ano-ano. Gaya nang pagsasayaw, paglalakad nang maayos, makihalubilo sa customer, self-defense na rin, at ang pinaka importante ay yung mag ayos nang sarili gaya nang pagmi-make up. Hindi na namin kailangan nang tulong pagdating duon. Minsan kapag may kailangan i-zipper sa likod o kapag may sira ang damit na aming susuotin, tsaka lamang kami hihingi nang assistance.. So far ngayon wala naman.
Matapos magbihis tiningnan ko ang sarili ko salamin.
Ayos na. Ang ganda mo na Lexie. Ang ikli nga lang nang suot mo, nagmumukha kang bayarang babae tingnan haha.
Pero ano nga ba ang pinagkaiba nun? Diba? Hayyss.
"Tapos ka na ba diyan? Lalabas na kayo in 5 minutes." Aligagang sabi ni Ma'am Starla. Bakit sya ganyan maka react ngayon? Anu bang meron?
Hinawi ko na ang kurtinang nagsisilbing harang upang hindi makita ang tao sa loob.
Final show na, kami ang nagsisibilbing highlight everynight dito sa bar bago ang party-party.
Tinawag na kaming mga entertainers for the final instruction pero bago iyon, sinuot ko na muna ulit ang mask ko.
Ibinigay na rin sa amin isa-isa ang isang box na magsisilbing lalagyanan nang mga tip. Bibitbitin namin ito mamaya 'pag lalapit na kami sa mga customers.
"Sanay naman na kayo girls. Galingan niyo sa pag-giling ha. I-apply ang mga tinuro ko sa inyo. Nako ayusin nyo, maraming businessman sa labas nakaabang, naghahanap nang panandaliang aliw. Baka mapansin kayo at malaki ang tip na maibibigay sa inyo!"
Kaya naman pala. Sabagay Friday night ngayon, marami talaga kaming customer pag ganitong mga araw.
"At ahhh... Ano paba? Hmmm. Red? Since si Snow kahapon sa center stage, ikaw naman ngayon sa okay? Hmmpp!" Tinampal na naman bigla ni maam Starla ang legs namin isa-isa matapos nyang ibigay kanyang huling mga paalala. Di naman masakit tsaka sanay na kami sa kanya.
"Ready girls? Paiinitin natin ang mga gabi nila pero hindi-hindi nila tayo matiktikman kahit kailan. Hah! Neknek nila." Sabi ni Violet bago mag dim ang lights at ito'y pinalitan na nang pula since ako ang nasa center ngayon.
Sanay na ako.
Dapat masanay na ako. Isang taon nalang at makakaalis na ako dito.
__________________________________
Thanks for following me @
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.