Sunshine
Hindi ko inaasahan na sa susunod na linggo ay makakalaya na si Papa. Ginawaran sya ng absolute pardon ng husgado na naging dahilan ng kanyang ganap na paglaya sa bilangguan.
Mula nung namatay si Nanay ay hindi na ako nakabisita sa kanya kahit ni isang beses. Bukod sa abala ako sa trabaho at pag-aaral, tuwing pumupunta naman kami doon ay hindi naman nya ako kinaka-usap o hinaharap man lang kaya wala rin.
Sa kaloob looban ko'y gusto ko ng kalinga ng isang ama. Gusto kong maranasan ngumiti kasama sya at masasandalan tuwing ako'y may problema. Marami akong gusto gawin kasama siya kaya kahit kinakabahan ma'y umiiral pa rin ang sabik sa aking puso.
Kinabukasan habang papasok ako gate ng skwelahan ay nakasabayan ko si Dodong. Napahinto sya saglit at tiningnan kaming dalawa ni Karen ngunit agad agad ring tumalikod.
"Tsk. Tsk. Iniiwasan na talaga tayo nang Robeet na yun ahh." Pabalang na sabi ni Karen na kanina pa wala ring imik.
Alam kong naapektuhan din sya sa pag iwas sa amin ni Dodong. He's one of those people we consider as friends at nakakalungkot kung pati sya ay iiwasan kami ng dahil sa nalaman nyang ganun ang naging trabaho namin.
"Hmm. Nakakalungkot naman kung ganun." Tanging sagot ko.
Pero hindi naman natin sya masisisi. Sino ba naman ang gustong makipag kaibigan sa mga taong 'madudumi ang puri' ika-nga nila diba?
Matamalay man ay nagpatuloy kami hanggang sa makaabot na sa classroom namin.
Hindi ako nahatid ni Rod ngayon kasi may ka-meeting daw sya. Hindi naman ako mabusising girlfriend kaya hindi na ako mag atubiling mag tanong pa ng detalye. Atsaka may tiwala naman ako dun sa tao.
Ayaw ko ngang pinapakealaman ako minsan ehh.
"Anyway, anong gagawin mo ngayong makakalaya na ang papa mo beh?" Ani ng katabi ko makaraan ang isang minuto ng makaupo kami sa aming upuan.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo namang tanong ko.
"Hello? Itatago mo rin ba sa Papa mo ang kung anong klaseng trabaho ang meron tayo?"
Kung maaari oo pero naniniwala talaga akong walang sikreto ang hindi nabubunyag. Gusto kong malaman nya mismo sa akin kesa galing sa iba.
Paniguradong hindi magugustuhan ng sino mang ama iyon. Atsaka, hindi rin gusto ni Rod ang pagta trabaho ko sa bar. Pinababantayan nga nya ako eh tuwing hindi sya makakapunta.
Huminga na lamang ako ng malalim.
Naputol ang pag iisip ko ng dumating ang instructor namin at nagsimula ng magturo. Kahit boring ay kinakailangang pag tiyagaan.
"Eh kung tumigil na kaya tayo sa pagiging entertainer beh?" Sabi ko sa aking matalik na kaibigan na ngayo'y nakatutok sa kanyang cellphone.
Bahagya syang napatigil at bumuntong hinga ng malalim. "Iyan din ang nasa isip ko nitong mga nakaraang araw. Madalas kaming nag aaway ni Michael dahil sa trabaho kong ito at mas gugustuhin kong mawalan muna ng trabaho kesa sya ang mawala sa akin. Ayaw kong magsisi sa huli." Mahabang lintanya nya.
Kaya pala kanina pa bugnutin itong kaibigan ko. Nag away na naman pala sila nang jowa niya. Akala ko dahil lang ito sa hindi pag pansin sa amin ni Dodong eh.
Pero tama sya. Hahanap na lang kami ng mas desenteng trabaho. Yung hindi kailangang umarte at naka-maskara.
Inubos namin ang oras namin sa kakaisip kong ano ang maaaring makuhang trabaho namin. Kahit ano, basta hindi sa nakasanayan naming tabaho. Mas mabuti na rin iyon para iwas gulo.
We are about to leave and head our way to our next class when Dodong suddenly showed up and block our view. "Sorry."
Maikling sabi niya. Hindi naman kami agad naka imik ni Karen sa gulat. "Sorry kung iniwasan ko kayo kanina. Nahihiya lang ako kasi sa lahat ng tao, ako dapat ang mas makaka intindi sa halip na husgahan kayo."
Damang dama ko ang kanyang pagsisisi kaya sino nga naman ba kami upang hindi magpatawad diba?
Atsaka hindi naman ako galit talaga sa kanya kasi naiintindihan ko sya. Nagtampo siguro, oo.
Nanatili lamang syang nakayuko na tila hinihintay kung ano ang magiging reaksyon namin. Nagka tinginan kaming dalawa ni Karen at nauna syang humakbang papalapit sa lalake naming kaibigan.
Sinuntok niya ito ng marahan sa balikat na ikanagulat ko. Hindi ko inaaasahan iyon ah.
"Iwasan mo pa kami ulit. Hindi lang yan ang matitikman mo." Nangingilid na ang kanyang luha.
Napatawa naman si Dodong. "Hindi naman masakit ang suntok mo. Pero pangako, hindi na mauulit."
Una nyang niyakap si Karen at panghuli ay ako. "Pasensya na talaga." Sabi niya sa likod nga aking mga tenga. Bumitaw ako sa pagka yakap sa kanya at ngumiti ng malaki.
"Kalimutan na natin iyon, ano ka ba haha."
Masaya ako na kinausap na nya ulit kami. Bilang pagbawi ay dinala nya kami sa isang milk tea shop kinahapunan. Saglit lang naman kami doon dahil kinakailangan na naming umuwing tatlo.
Si Rod ang sumundo sa akin.
May pa-flowers pa. Sa galak ay hindi ko mapigilang halikan sya, bahala na ang mga taong nakatingin. Malayo naman ito sa paaralan eh kaya malabong may maka kikilala sa amin dito. Mainggit sila.
"Para saan 'to?" Namumula kong sabi.
"Do I need to have reasons when giving you stuffs? Well, I love you. Is that enough?" Seryosong sabi nya na may kindat sa huli.
Namula ako lalo kaya pinili ko na lamang yumuko. I heard him chuckled kaya hinampas ko sya ng kaunti. Syempre pabebe ang lola niyo.
"Why so adorable baby?" Aniya habang nakayakap sa akin ngayon.
"Hmp. Tigilan mo nga ako hahaha. Sige na, alis na tayo. Ang hilig mo talaga sa mga eksena eh no?"
Medyo lumakas na kasi ang bulungan ng mga tao. Yung iba inggitera lang talaga.
He nodded.
Medyo trapik papuntang condo nya kaya napag tripan kong magpatugtog at sinabayan ko na rin ito sa pagkanta habang naka ngiting tinititigan sya.
You are my sunshine.
My only sunshine.
You make me happy.
When skies are gray.
You never know dear.
How much I love you.
Please don't take,
My sunshine away.
I love him even more now. I don't see anything na hindi namin kayang lampasan. He makes me feel loved and treasured everyday. He made me happy and I'm trying my best to make him feel the same way.
Please don't take
My sunshine
Away.~
Pumikit ako habang binabanggit ang huling linya na iyon.
Sana nga lord pagbigyan mo ako sa kahilingan kong ito.
_________________________
Sorry for the long wait.
I'll update now often, malapit ko nang tapusin to. Less than 20 chapters nalang. Salamat po sa supporta!
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.