Friend
Naghihintay kami ng aming order sa isang filipino restaurant ng biglang may lumapit sa aking isang lalake na nakasalamin, payat at hula ko'y nasa early 20's pa, kasing edad ko lang, bitbit ang isang bouquet at tatlong box ng mamahaling tsokolate.
"Are you miss Lexi?" Tanong niya. Ang pormal naman masyado ng taong ito. Sa tindig ang postura halatang propesyunal.
"Ahh, opo. Bakit po?"
Tumango muna sya at iniabot na sa akin ang mga hawak niya. "Well, ahh this is for you."
"Ahh sir baka nagkakamali ka po. Baka ibang Lexi po iyan kasi wala naman po akon-"
"This is really for you miss. Your complete name was written on the card." Sabay turo nya sa isang card na naka-ipit sa may bouquet at nakompirma ko nga na nagsasabi sya ng totoo.
"Tanggapin mo na bes! Baka galing yan sa secret admirer mo. Yieeee sana all!" Udyok naman ng kaibigan ko sa may gilid ko habang sinusundot sundot pa ang tagiliran ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob kaya tinanggap ko nalang ito. Ayaw ko namang mapahiya itong si kuya.
"Ahh salamat. Saan galing 'to kuya? Sino ang nagpapabigay?" Tanong ko ngunit hindi naman niya ito sinagot.
Pagka-tanggap ko ay nagpasalamat na si kuya at agad nagpaalam na aalis na.
Nagmamadali ata.
Sinundan ko sya ng tingin palabas at napangiti ako. Ngayon lang ako nakatanggap ng bouquet sa buong buhay ko. Kung sino man ang nagbigay sa akin nito ay pasasalamatan ko talaga.
Hindi ko na muna binasa kung ano ang nakasulat sa card. Mamaya na.
Dumating na rin ang tinake-out namin kaya agad na rin naming nilisan ang restaurant."May hula ako kung sino ang nagbigay sa'yo niyan." Sabi ni Karen ng nasa isang jeep na kami pauwi sa inuupahan kong bahay.
"Hmm. Sino?"
"Hahaha basta. Hula lang naman. Atsaka baka may pangalan ng nagpadala na nakasulat dun sa card!"
"Wala eh. Atsaka hindi ko pa nabasa ng buo, sasabihan nalang kita."
Bumaba na kami malapit sa may kanto namin at nilakad nalang ang papunta doon.
"Happy Birthday Lexi!" Isa-isang bati ng mga taong nakaka-kilala sa akin. Naging instant celebrity tuloy ako. Isa-isa rin naman akong nagpasalamat.
Kahit hindi kagandahan itong kanto namin. Kinakatakutan ng ilang mapanghusgang mata ay mababait naman ang mga tao dito.
"Happy Birthday ate Ganda!" Salubong sa akin ni Camila at ng kapatid nya. Awhh! Ang kyut naman.
Habang nakaluhod ako upang yakapin sya ay may inilagay naman syang bulaklak na santan sa aking tenga. Pati si Karen ay nilagyan rin nya.
"Salamat baby!" Rinig kong sabi ni Karen at hinalikan ang dalawa sa pisngi.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa tapat ng bahay nina Mang Winnie.
"HAPPY BIRTHDAY LEXI!" Bati nila sa pangunguna ni Aling Ailyn at ng anak nila na si Aira. Nandito na rin pala si Dodong at nakisama na rin si Karen sa pagbati.
Itinabi na muna ang mga dala namin.
Napaluha naman ako. "Wow naman! Salamat po nang marami sa inyong lahat. May pa tarpaulin pa kayo ahhh. Hindi pa naman ako ga-graduate."
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.