Kabanata 6

8.5K 78 0
                                    

2nd encounter, Disaster(?)

Pagkatapos kong mag-grocery kanina agad akong nagluto at kumain. Tinapos ko na rin ang mga homeworks ko para naman wala na akong po-problemahin pa.

Nakapag-scan narin ako nang kaunti sa mga lessons namin. Alam nyo na, pag college araw araw may ganap.

By the way, I'm taking up Bachelor of Science in Business Administration, Human Resource major.

Sabi nang mga teachers ko sa senior high school in demand daw. Ni-research ko nang kaunti at nagustuhan ko naman kaya iyon na ang kinuha kong kurso.

I'm on my third year in this course. Oo mahirap, wala namang madaling kurso no. Lalo na't ako nalang bumubuhay sa sarili ko pero nakakaya ko naman.

Mukha ang pinanlaban ko sa buhay. Hindi sa pagmamayabang pero nagkaroon ako nang maraming raket dahil dito. Naging freelance model ako sa isang motorcycle brand at sa isang prepaid network. Naging part timer rin ako sa mga fast food chains at restaurants, lahat!

At ngayon sa bar with no body involved, of course. Walang katawan pero alam kong ako parin ay mahuhusgahan.

Suss. Bahala sila!

Kaya masasabi kong 'pag ako nakatapos, sulit talaga ang hirap at pagod ko sa pagta-trabaho.

Ano ba yan! Inaantok na ako, kasalanan to nang landlady namin eh, ang aga-aga maningil. Makatulog nga muna.

**

*I can swear I can joke,
I say what's on my mind.
If I drink,
If I smoke.
I keep up with the guys. ~~

And you see me holdin' up
my middle finger to the world.
Fck your ribbons and your pearls,
'Cause i'm not just a pretty girl.~~

I'm more than jus-- ~~

Napamulat naman ako nang tumunog ang ringtone nang cellphone ko.

May tumawag. Hala si Violet! Ano kayang sadya nang babaeng to. Ganda na nang tulog ko ehh, aishh!

Agad kong sinagot and tawag.

"Hello bakla? Bakit ka napatawag?"
Batid kong nasa trabaho na ito dahil bahagyang maingay ang nasa background niya.

Nagre-rehearse na sila para sa performance mamaya.

"Kasi pinapasabi ni Madam Starla kung pwede ka daw ba pumasok ngayong gabi? Absent parin si Snow ehh, hindi maganda ang pakiramdam."

"Ahh ganun ba? Pwede naman ako ngayon, kaya lang baka mali-late ako nang konti kasi magahahanda pa ako. Okay lang ba kay madam iyon?" Narinig ko naman na talak nang talak sa madam starla na nasa likuran lang yata ni Violet ngayon.

"Sige, okay lang daw pero by 8 dapat nandito ka na. Magbibihis ka pa."

"Okay, okay sige. Ibababa ko na hah, salamat!" Napa buntong hininga ako. Puyat na naman ako neto! Pero sige lang, atleast may extra na ako!

Hindi naman ako nagpa-ligoy ligoy pa at mabilisang ginawa ang ritwal ko at nagbihis kaagad. Mabuti nalang at may tira pang kanin at ulam kaya iyon na ang pinang hapunan ko.

7:30 na ehh sigurado akong trapik ngayon dahil uwian kaya ang 20 minutes na byahe ay baka maging 30 pa. Shoot!

Tinakbo ko na pababa nang hagdan at nagmadaling umalis.

"Ohh Lexi? Nagmamadali ka ata may lakad ka? Akala ko ba day off mo ngayon?" Si aling Ailyn habang nagluluto nang barbeque. Sideline business nila.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon