Kabanata 27

3.4K 56 7
                                    

Photo album

Pinaupo muna niya ako sa may bench malapit sa pinangyarihan kanina at inabutan nang tubig na agad ko namang ininom.

"Salamat talaga ah." Nanginginig pa rin ang labi ko. Natakot talaga ako kanina, akala ko pa naman tuluyan na akong mahihila. Kahit naman lasing yung lalakeng yun, lalake pa rin sya at malaki ang pangangatawan.. talo pa rin nya ang lakas nang isang babaeng katulad ko. Atsaka hawak nya nang mahigpit ang dalawang kamay ko kaya hindi ako makapalag.

"Shh, at least now you are safe. Next time huwag ka nang pumara dito mag-isa, alam mo namang sa ganitong oras lasing na ang karamihan. Baka mapano ka, I'm not always here to rescue you." Pangaral niya. Hindi nalang rin ako umimik kasi tama naman sya.

"Let's go." Nagulat ako nang hilahin nya ako papunta sa isang itim na sasakyan. Sa kanya yata ito.

"A-ah ano, uuwi na kasi ako. May pasok pa ko bukas remember?" I said as a matter of factly at pilit kumakalas sa pagka-kapit nya.

"I know. That's why I'll send you home. Don't argue with me anymore, okay? Just this one." Aangal pa sana ako nang pinatunog na nya ang sasakyan. Nakumpirma kong sa kanya nga ito nang buksan ang kabilang pinto nang sasakyan upang bigyang daan ang pagpasok ko.

Naging Gentleman bigla itong damuhong 'to ngayon ahh. Naku, kung ganito lang sana sya palagi ay baka magkaka-sundo pa kami.

I just sighed in defeat at pumasok nalang. He saved me afterall, without him baka sa kangkongan na ako napulot ngayon, isang ganap na bangkay.

"Saan ba sa inyo?" Tanong nya after nyang makapasok at simulang paandarin ang makina nang sasakyan. Ituro ko naman ang daan papunta sa eskinita namin.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Wala naman akong maisip na dapat namin pag usapang dalawa. Hay, paano ba ito?

Hindi pa kami nakakalayo nang biglang tumunog ang tiyan ko. Patay, hindi pa pala ako kumain nang hapunan. Nakakahiya!

Tumawa sya nang bahagya na nagpa-pula sa akin nang labis. Shuta! Bumalik na ang pagiging animal niya. Hindi man lang nagtagal ang bait-baitan effect nya.

"Wag ka ngang tumawa!" Bulyaw ko sabay suntok sa kanyang braso.

"Aray. Tinulungan na nga kita, nananakit ka pa." Pag-iinarte nya. Agad naman akong nakonsensya sa aking ginawa.

"Sorry na. Wag ka na kasing tumawa." Labas tengang sabi ko at umiwas pa rin nang tingin dahil sa kahihiyan.

Palihim ko naman syang sinulyapan at ang damuho ay pailing-iling lang habang nakangiti pa rin. Halatang pinipigilan pa rin ang kanyang tawa.

"Bwesit ka!" Inis kong sigaw. This time hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili na kurotin sya sa braso hanggang sa napahiyaw sya sa sakit.

"Oo na! Aray,aray! Titigil na. Pramis." Saka ko lang tinigilan ang pagkurot sa kanya.

"Ang sarap mo namang anuhin.." Hindi ko narinig ang huling sinabi nya.

"Bastos ka! Anong anuhin? Ha? Sinasabi ko na nga ba manyak ka rin ehh!" Paghi-histerya ko.

Pinitik nya bigla ang noo ko. "Huy assuming ka masyado ahh, sabi ko ang sarap mong inisin. Gusto mo yata ehh, alam ko namang nasasarapan ka talaga sa akin eh." Sabi niya na ikina-irap ko talaga. Napaka yabang talaga nang animal na to.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon