Choose
Pilit kong iniwas mapunta sa kung saan nakaupo si Janus. He waved at me and flashed his genuine smile so I did the same.. But I don't know if he noticed something about the smile I gave.
Bahagyang kinawayan nya ako papunta sa kinaroroonan nya pero napakunot ang kanyang noo nung umiling lang ako.
Lumapit ako sa isang kumpol nang customer. Sa ganitong kalakaran hindi ko maipagkakailang mas malaki talaga magbigay ang mga may edad na, kaya madalas talaga silang pinupuntahan nang mga kasama ko. Yun nga lang, yung ganitong edad madalas sila pa iyong mga hayok sa laman.
"Hi miss ang ganda mo naman. How much?" Sabi nang isang lalaki na naka business suit. Naaninag ko rito ang mga puting hibla nang buhok nya dahil na rin siguro sa katandaan.
Sa sinabi nito alam ko kung saan ang punta nang usapan.
"Sir, I'm not available for that kind of business kasi hehe. If you really insist, we have beautiful and sexy girls out there waiting and willing to accept your offer sir!" Panghihikayat ko. Pero mas naging agresibo ito at hinila ako palapit sa kanya. Medyo marami na rin kasi ang nainom nito.
"Hmm. But I want you, anong gusto mo iha? I can give all your caprices, just say it! Cellphone? Car? House? Name it, I can give it to you, just be with me." Inamoy amoy na niya ang gilid nang buhok ko. Madalas talaga kaming maka-enkwentro nang ganito, hindi lang ako. Kanya-kanyang diskarte nalang kung paano maka iwas.
Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya at wala naman pakealam ang mga kasama nya sa mga nangyayari.
"Sir. Sirrr!" Pasigaw kong turan.
Para naman akong bolang nag-bounce back nang may dalawang malalaking kamay ang humila sa magkabaling kamay ko.
"Let her go or I will cut that fucking hands of yours."
"Bitiwan mo sya Arturo!"
Magkasabay na sabi nang dalawang lalaki. Ang isa alam kong boses ni Janus pero ang isa hindi ako sigurado kaya nilingon ko ito. Nagulat ako kasi Rod pala!
Hawak na rin ng dalawang bouncer ang lalaki na Arturo pala ang pangalan at pinalabas kasama ang mga kainuman nya na parang lasing na rin. Napalapit na rin sa pwesto ko ang bestfriend kong si Karen, ibinigay ko sa kanya ang tip bowl ko. Sya na rin ang inatasan kong mag remit nang kinita ko ngayon gabi at kumuha nang sweldo ko.
Naabutan ko namang nagtinginan ang dalawa nang mariin.. Yung tipong nag uusap sila gamit ang kanilang mga Mata. Naguguluhan ko namang tiningnan si Janus at napansin nya yata iyon kaya hinila nya na ako, ngunit hindi binitawan ni Rod ang kabilang kamay ko.
Ngumiti sya na tila nang iinis. "Dito lang sya." Malamig na sabi nya kay Janus.
"No, back off! Let her go." May galit na ang tono nang boses nito.
Itanaas naman ni Rod ang kanyang dalawang kamay, yung tipong sumurender sa mga otoridad. At tuluyan na nga akong hinila ni Janus palayo. "Okay, okayy, she's all yours.. Dad."
Hindi ko naman narinig ang panghuling sinabi ni Rod kasi masyado na kaming malayo, sabayan pa nang nakakarinding tunog nang party music. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.
"Magkilala ba kayo ni Rod? I mean nung lalaki kanina?" Tanong ko sa kanya nang makalabas na kami. Kumunot naman kaagad ang noo niya.
"Magka-kilala pala kayo? How come?" Galit nitong sabi. Hindi ko naman alam kung ba't ganun nalang ang naging reaksyon niya.
"Madalas rin sya dito sa bar. Nung mga panahon may business trip ka. Teka nga, bakit parang magkakilala kayong dalawa?" Balik kong tanong sa kanya. Giniginaw na rin ako kasi napaka ikli nitong suot ko.
Natahimik naman sya na parang nangangapa nang isasagot. "A-ahh ano.. sa mga business conference, madalas kami nagkita.. oo tama."
Alangan naman akong tumango. Pero may punto sya, nasabi nga naman ni Rod saakin minsan na isa nga syang businessman. Ang liit naman talaga nang mundo, hindi rin naman nagsisinungaling sa akin si Janus ehh.
Binigay naman ni Janus sa akin ang coat niya nang mapansing nanginginig na ako sa ginaw. Iginiya nya rin ako papasok sa kanyang sasakyan.
Hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko. "Nakapag-decide na ako Lexi. Balak ko nang mag file nang annulment sa asawa ko. Kapag napirmahan nya iyon ay pwede na tayo. I'm choosing my happiness this time Lexi. I'm choosing you." Madamdaming sabi nya sa akin na nagpagulat sa akin nang husto. I can't even utter a single word.
"At pumayag sya Lexi. Pumayag sya..sa isang kondisyon, samahan ko raw muna syang magpa gamot ng kanyang sakit na Cancer sa America. Ilang buwan lang iyon, babalikan agad kita--"
"May Cancer ang asawa mo?" Pasigaw na tanong ko. Hindi ko akalaing sa nakaka intimidate na tindig nang babaeng sumugod sa akin kanina ay may iniindang sakit pala iyon.
Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko. "Babalik rin naman agad ak-" Pinutol ko na ang dapat sabihin nya.
"No. You don't have to do that. Nakapag-isip isip na rin ako Janus, you're a good guy and you don't deserve someone like me so that's why I'm choosing to end this thing we have habang maaga pa." Aapela pa sana sya pero alam ko sa sarili kong buo na ang desisyon ko. Akala ko naibuhos ko na lahat nang luha ko sa boarding house kanina pero mali pala kasi unti-unti naman syang tumulo ngayon.
"Listen to me first.. Do you think sasaya tayo nang lubusan kung sa likod nang kasiyahang iyon ay kalungkutan at hinagpis nang iba? We're not really meant for each other Janus. May asawa't anak ka na at magkalayo pa ang mga edad nating dalawa, lilipas rin ito." Hindi ko na talaga mapigilin at napahikbi na ako.
"No Lexi! We're the one who makes our own destiny. If you think we are meant to be then it'll be! But if you don't, wala talagang mangyayari. Huwag mo naman akong iwan sa ere Lexi oh. I know kasalanan ko rin to kasi nagpakasal ako sa babaeng hindi ko mahal but hell no! I won't let you go." Paninindigan niya pero buo na talaga ang loob ko.
"I'm s-sorry Janus. Para rin 'to sa iyo..sa ating dalawa." Sabi ko sabay akmang bubuksan ang pintuan nang sasakyan niya ngunit hindi ko naman ito mabuksan buksan. Sa labas ang lakas lakas ko pero sa loob durog na durog na. "Open the door Janus. Please." Sabi ko. Umiling-iling naman sya.
"No. Cause I know once I open that goddamn door, I'm not sure if I can make you ride here again."
"Bababa ako Janus." Mahinang bulong ko.
He sighed. "Hahayaan kitang bumaba pero hindi ito nangangahulugang susukuan kita. Tandaan mo iyan." Aniya at binuksan ang pintuan palabas. Nang ako'y makalabas na ay agad nyang pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Nabahala ako nang konti baka mapano sya sa daan. Nakainom pa naman iyon pero hindi na talaga mababago ang isipan ko. Sabi nga nila, hindi ka masasaktan kung hindi totoo, pero sa pagkakataong ito papanig ako sa tama.
Goodbye Janus.
________________________
Na inspire naman ako mag update dahil sa flood votes ni simplykorett at inspiring comment ni GelieBv5:-)
Maraming salamat po!Btw. Dito na nagsisimula ang totoong estorya ni Lexi. Mahaba-haba rin iyong introduction para naman mas makilala nyo pa ang ating bida.
P.s. I posted this one w/out editing tho. So pasensya na sa typos and errors, inaantok na kasi ako. Ciao!
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
Roman d'amourWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.