Last
Lutang ako habang nagsasalita ang guro sa harapan at laking pasalamat ko nalang nang matapos naman agad ang klaseng iyon. Magsi-self study nalang siguro ako mamaya o kapag may free time ako.
Biglang namang humugot nang malalim na hininga ang kaibigan ko. Kanina pa pala ako walang imik.
"Si sir Janus na naman ba? Pansin ko palagi ka nang nawawala sa sarili mo lately. Di na mabuti iyan." Sabi ni Karen habang papasok kami nang Cafeteria nang school.
"Oo beh. Pasensya na haha, nahihirapan kasi ako sa pagtaboy sa kanya. Alam mo naman na naging malapit rin sa akin yung tao."
Humanap kami nang mauupuan at pinagpatuloy ang aming usapan.
Tumango-tango siya. "Mahirap talaga iyan pero tiwala naman aking malalampasan mo rin iyan. May mas malala ka pang napagdaanan kaysa diyan kaya maning-mani na ito sayo." Sabay ngiti.
Sabagay. Hindi naging mabait sa akin ang buhay nitong mga nagdaang taon, sa murang edad napag iwanan nang mga mahal sa buhay, natutong mamuhay mag isa kahit walang kasiguraduhan kung makakaya ba. Ngunit heto ako ngayon, nakakaya naman. Mahirap. Oo, kakayanin para sa inaasam asam na ginhawa.
Ngumiti rin ako pabalik sa kanya upang masiguro nyang okay lang ako.
Mapagmasid rin kasi tong isang to at kilalang kilala na talaga ako.Sabay kaming tumayo at pumila na upang makabili na ng pagkain. "Nako, hindi ako nakapag-agahan kanina ahh. Kaya gutom na gutom ako tapos dumagdag pa iyong lalaking iyon kanina." Sumbong ko sa kanya.
"Ha? Sino naman?" Sagot niya.
"Iyong kinukwento ko sayong asungot na lalakeng bigla nalang nanghila sa akin sa bar. Yung Rod ang pangalan."
Bigla naman kumunot ang noo niya at hinampas ako nang mahina. "Ay nako! Mag ingat ka doon, tingin palang hindi na mapag-kakatiwalaan."
Natawa naman ako dun sa sinabi nya... pero totoo naman talaga. Bumalik na kami sa aming table dala ang mga pagkain namin.
Habang kumakain, napansin ko naman ang isang tao na tila pamilyar sa akin.
Teka.. Parang si ano yung taong iyon ahh. Sabi ko sa aking isipan. Parang si..
"Teka lang Karen ahh, lalabas lang muna ako saglit. Babalik rin agad ako." Paalam ko at dali daling tumayo may sinabi pa sa si Karen pero hindi ko nalang pinansin dahil sa pagmamadali.
"Dodong?" Tawag ko sa nakatalikod na parang si Dodong na katrabaho ni Mang Winnie.
Parang nag-iba nga lang ang dating nito dahil sa ayos at porma. "Dodong ikaw nga! Anong ginagawa mo dito, mag-aaral ka ba?" Sigaw ko nang matantong tama nga ang hinala ko.
Nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata at nagpakamot kamot nang ulo.
"A-hh oo, hehe. Ipagpapatuloy ko raw ang pag-aaral ko ehh sabi nang nang boss namin. Sagot na nya daw lahat, kaya sinunggaban ko na at dumiretso na dito upang makapag pasa nang requirements.""Aba'y ayos 'yang boss mo ahh! Sabagay, malapit na matapos ang semester. Congrats nga pala." sabay lahad ko sa aking kamay upang i congratulate sya. At gaya rin nang dati, nagpunas punas muna sya nang kamay sa kanyang likod bago tinanggap iyon.
Natawa naman ako 'dun.
"Ahh saan ka nga pala pupunta?"
"Yun nga e, hindi ko alam pasikot sikot dito kaya nawala ako nang konti. Buti nalang nakita mo ako."
"Ganun ba hahaha, samahan nalang kita mamaya. Wala naman na akong klase ngayon, pero kain muna tayo." itinuro ko sa kanya ang loob nang cafeteria.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.