Kabanata 30

3.2K 63 3
                                    

Confession

Umatras ako ng kaunti dahil sobrang lapit na talaga niya sa akin.

I was caught off guard at ng makabawi ay matapang ko siyang tiningnan sa mata kahit na sa kaloob looban ko'y kinakabahan na. Nakakatulong talaga ang alak kapag ganitong mga sitwasyon, pinapatapang ka eh.

"Oo, kaibigan. Bakit? Hindi ba kaibigan turing mo sa akin?" Taas-kilay kong tanong.

"Hmmm."

"Aba't talagang pinag-isipan pa ahh. Kapal mo rin, pasalamat ka nga at kinonsidera kita bilang kaibigan." Sabi ko sabay irap.

"What if I want more than that?" Seryoso rin nyang sabi kalaunan.

Wtf! Anong ibig nyang sabihin?

Nanatili lang akong nakatanga, naghihintay bawiin 'yung kanyang sinabi o di kaya'y magsabi sya ng 'it's a prank!' kasi uso yan ngayon diba pero wala.

"A-hh?" Nangangapa kong sabi ngayon. Siguro kulang pa ang nainom ko sa gabing to, gusto ko pang palakasin ang loob ko.

Lalo akong nataranta ng lumapit ulit sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko but deep inside paki ramdam ko'y parang kinikiliti ako. "Nagsasabi ako ng totoo Lexi. Hindi ako nagbibiro at wala aking oras magbiro. Matagal ko na itong pinipigilan kasi ayaw kong pag-usapan tayo sa school lalo na ikaw kasi diba instructor mo ako. But now, I don't care about faculty rules anymore. Sub-instructor lang naman ako at malapit na rin namang bumalik yung pinalitan kong instructor kaya wala ng problema."

I'm literally speechless about his confession and I can't even utter a single word. Nang mapansin nya iyon ay nagsalita ulit sya.

"I'm not in hurry though. Take your time to think and figure out if I have a chance."

"Parang ang bilis naman yata. Ilang buwan palang tayong magka-kilala." Agap ko ng ako'y makabawi. Masyado lang talagang mabilis.

Hinila nya ako palabas ng bar kaya nagpatianod nalang ako. Hilig talaga nilang manghila. Nakarating kami dito sa may parking lot.. kung saan muntik na akong mapahamak kagabi, ewan ko pero hindi ako nakaramdam ng takot at kaba. Lalo na't kasama ko siya ngayon, I feel safe and secured.

"As I've said, hindi naman ako nagmamadali. Let's know each other well. I will prove myself to you, just let me court you." Seryosong sabi nya. Hindi pa nag si-sink in sa akin ang lahat. Ang instructor ko, nanliligaw sa akin!? What the!? Seryoso ba ito?

Nakikita ko naman sa mga mata nya kung gaano sya ka sincere sa kanyang pinagsasabi.

"Sige, pag iisipan ko." Yan ang huling sabi ko. Ewan ko nga kung bakit pero bahala na nga. Binaling ko ang usapan sa ibang topic. Mabuti nalang at mukhang nakuha naman niyang hindi ako komportable pag usapan ang mga iyon.

Nag initiate syang ihatid ako kaya pumayag na rin ako. Dahil siguro sa mga nainom ko'y nakaramdam ako ngayon ng pagsusuka.

"Can we stop for a while?" Hilong hilo kong sabi.

He nodded.

As soon as the car stopped bumaba agad ako at nagsusuka. Napaupo ako sa may gutter at maluha luhang isinuka ang mga kinain ko kaninang hapunan. Habang sya naman ay dali daling kinuhanan ako ng tubig at tissue.

Hinagod hagod nya rin ang likod ko.
"Don't drink hard drinks again." He scowled.

Hindi na rin ako nag komento. Nang mahimasmasan ay bumalik na kami sa sasakyan at tinungo ang daan pauwi sa boarding house ko.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon