Kabanata 4

9.8K 89 1
                                    

Stare

*Back to reality

Natapos kaming magperform sa harap at naibigay ko na rin ang 25% na tip ko kay Ma'am Starla.

Nasa kontrata kasi iyon na bawat tip na aming makukuha ay dapat may share na 25% ang Management. Hindi rin naman iyon ganun kalaki kaya okay lang.

Pagkatapos magbihis ay sabay ko na ring kinuha ang sweldo ko ngayong gabi. At sa awa nang diyos nakaabot naman lahat nang kinita ko ngayong gabi sa rentang babayaran ko bukas.

Sa tip talaga kami makakabawi.
May sobra pa nga ito na sa tingin koy aabot pa nang dalawang araw.

Balak ko na sanang umuwi.

"Oy, oy, oy Pula! Uuwi ka na ba? Nandito yung regular customer mo, si Mr. Smith. Hinahanap ka." ani ni Sunshine na hindi pa nagbibihis at sa tingin ko ay makiki-party pa.

Oo. Pagkatapos nang duty namin minsan sumasabay kami at nakikiparty, na parang regular customer din. Syempre nakapagbihis na kami at tinanggal na namin ang mask namin nun.

"Ahh ganun ba. Sige salamat pupuntahan ko muna." Sabay ngiti ko sa kanya. Baka magtampo na naman yung sir Janus eh.

"Ikaw ha! Magkaibigan lang ba talaga kayo nung Mr. Smith na yun? Parang hindi ehhh." sabay sundot saking tagiliran na pilit ko namang iniiwasan dahil nakikiliti ako.

"Sus, kaibigan ko lang yun Sunshine. Off limits yun kasi may asawa na hahaha. Mahirap maging kabit! Magbihis ka na dun." tinalikuran ko na sya at papasok sa bar. Pero narinig ko pa syang may sinasabi.

"Defensive! Showbiz mo sumagot girl. Eh halatang may gusto yun sayo." Napailing nalang ako at kinawayan sya.

As much as possible ayaw kong lagyan nang malisya ang kabutihan na pinapakita ni sir Janus sa akin.

Baka masaktan lang ako sa huli kahit pa sabihin nating may gusto nga sya sa akin. Hindi pwede.

Mali.

Kahit saang anggulo mo tingnan ay bawal.

Nakita ko agad syang nag iisa sa isang naka-kurbang sofa. Kinawayan nya ako at sinenyasang lumapit.

"Lexi! How are you?" Niyakap nya ako sabay halik sa aking pisngi. Okay lang, sanay na ako kasi ganyan na talaga sya simula pa lang.

"Eto, maganda nga pero entertainer pa ring maituturing Janus hahaha. Kanina ka pa ba?" amfeeling ko ba? HAHA hayaan nyo na kasi.

Natawa naman sya sabay gabay nya saking umupo sa sofa'ng inuupuan nya.

Tumawag rin sya nang waiter upang orderin ang kadalasan kong inumin.

"Nope. Kadarating ko lang. Hindi ko nga naabutan performance nyo ehh." Na ipinagpasalamat ko. Ako pa naman ang nasa center stage kanina.

Halatang kagagaling nya lang sa trabaho kasi naka business attire pa sya.

"Mabuti iyon! Nakahiya kaya sa'yo." Natatakot lang akong maiba ang pagtingin nya sa akin.

"You shouldn't be. Sabi ko kasi sa'yo tanggapin mo na ang alok kong maging secretary ko. Para hindi mo na kailangang magtrabaho dito." Sabay inom nya. Napangiti na lang ako kasi matagal na nya akong inaalok magtrabaho sa kanya.

"Heto na naman tayo hahaha. 'Huwag na kasi okay na ako dito. Isang taon nalang at akoy ga-graduate na! Hindi ko na kailangan magtrabaho dito. Konting tiis nalang." Sabay inom ko na rin sa inuming inorder nya para sa akin.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon