Kabanata 8

6.9K 63 1
                                    

Date

Sunday na and I'm looking forward for this day to come. Hindi ko alam kung saan at ano ang ganap namin ni Janus ngayon pero napaka ganda ata nang gising ko.

Inubos ko ang oras ko sa paglalaba, paglilinis at nagawa ko na rin lahat nang take home quizzes ko. Inspired ang ate nyo.

Nung naghapon na ay napagpasyahan ko nang maghanda. Pakanta kanta pa ako sa banyo habang naliligo.

May ipinadala syang damit na may kasamang ​​stilettos sa kanyang Personal Assistant kahapon, para sa gabing 'to. Isang kulay pulang cocktail dress with short sleeves ang binili nya.. Bumagay ito sa Akin pero para naman akong mahimatay nang makita ko ang presyo na nakalagay sa tag nito. Jusko, pang-dalawang linggong kainan ko na ito!

Isasauli ko nalang 'to sa kanya pagkatapos!

Ako na rin ang nag-ayos sa sarili ko.
Konting make-up lang at pares nang hikaw na sinigurado kong babagay sa aking suot ngayong gabi. Hinayaan ko lang ring nakalugay ang buhok ko.

Sabi nya susunduin nya raw ako nang mga bandang alas syete nang gabi. Eh alas sais palang handa na ako. Hindi naman halatang excited ako masyado diba? HAHA

*Beep

Nakarinig ako nang busina nang sasakyan sa labas. Malamang si Janus na ito.

Sa huling pagkakataon tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nag perfume ulit nang sa ganun ay wala syang maipintas sa akin ngayong gabi.

Ang aking purse at cellphone lang ang dala ko ngayon. Uuwi lang rin naman kami pagkatapos nang 'dinner date' na to.

Dinner date? hahaha

Hayaan nyo na ako.

Bumaba ako nang dahan-dahan sa hagdan. Sinabihan ko kasi si Janus na huwag nalang pumasok upang hindi makaagaw nang pansin sa ibang boarders.

Nang makalabas na ako'y nakita ko si Janus na nakasandal sa kanyang magarang sasakyan at nakabalandra ang kanyang nakaka in love na ngiti.

Holy cow! Ang gwapoooo.

As usual naman iyan pero kakaiba ang aura nya sa paningin ko ngayon. He's on his red tux at may white inner shirt na bumagay naman sa kanyang pulang slacks at black shoes.

Nakadagdag pogi points pa sakin ngayon ang suot niyang eye glasses. Nagmumukha syang hunk na propesor sa isang unibersidad.

Iniabot nya sa akin ang isang kumpol nang bulaklak.

"Flowers for you."

I'm out of words. Kinikilig ako!
Tinanggap ko naman kaagad ang bulaklak na bigay nya.

Hindi ko alam pero sa simpleng gestures niyang ganito, nawala bigla ang tampo ko sa kanya.

"Thank you. Nag-abala ka pa." Mahinhin kong sabi. Syempre pabebe muna tayo ngayon. Hahaha

"You're so beautiful tonight, the dress that I bought looks really good on you." Aniya.

"You look great too. I mean always ka namang good looking." Natawa naman sya sa sinabi ko at bahagya rin akong nahiya kung bakit ko nasabi iyon. Itong bibig ko talaga!

Agad naman niyang binuksan ang pintuan nang kanyang sasakyan sa front seat at iginiya ako papasok.

Naalarma ako nang marinig ko ang munting higik-gikan sa kung saan. Ang ibang mga boarders pala! Nasa maliit na terrace sila namin kaya kitang-kita nila ang kaganapan ngayon.

Nang makita nilang nakatingin ako sa banda nila'y hininaan narin nila ang kanilang mga boses. Tsk.

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at pumasok na. Maingat na isinarado ni Janus ang pinto at sumakay na rin.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon