Kabanata 11

6.1K 65 0
                                    

Morning

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Magkahalong itim at puti ang pintura dito at ganun rin ang mga gamit. Halatang panlalake!

Nasan ako?

Agad kong napansin ang magarang wall clock na nakasabit sa dingding.
Alas syete na pala! Buti nalang 10am ang klase ko ngayon.

"Oh. Gising ka na pala." Si Mr. Conceited na naka boxer shorts lang at walang damit pang itaas!

"Ikaw!" Singhal ko sa kanya. Magsasalita pa sana sya pero hindi ko na sya binigyan nang pagkakataon.

"Pinagsamantalahan mo ako no! Hayop ka, hayop!" Pinaghahampas ko sya at may mga konting luha nang tumutulo sa gilid nang aking mata.

Pinilit kong huwag tumingin sa baba. Sa bandang ano, basta 'dun' kahit alam kong nakaka-distract.

Hinawakan naman nya nang mahigpit ang magkabilang kamay ko. Kumunot naman ang noo nya na tilay naiinis na saking inasta. "Jesus! Just listen to me first okay! Nothing happened between us. 'Wag kang ngang mag-inarte diyan."

Parang napahiya ako dun ahh kaya yumuko nalang ako at bumalik sa pag-upo sa kama. At pvtangna naman kasi nakabalandra sakin ngayon ang kanyang nagtitigasang pandesal.

Parang uminit?

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at pilit kong inaalala ang nga nangyari kagabi. Uminom. Sumayaw. Sumama ako sa isang estranghero na sya lang pala at

at

NAGHALIKAN KAMI! Sa elevator pa talaga!

Agad kong tiningnan kung may damit pang-ibaba pa ba ako at pinakiramdaman kung may masakit ba sa akin. Sabi nila masakit daw pag una eh pero wala naman. Nasa ayos naman ang kasuotan ko, yun nga lang mukhang may amoy na.

Tiningnan ko rin kung may bakas ba nang dugo ang bedsheet o ang kumot pero wala naman. Hayysss salamat Lord!

"Naniniwala ka na? Asa namang papatulan kita." Pabalang na sabi niya. Inirapan ko sya at tumayo na. Nagsuklay-suklay muna ako nang buhok gamit ang aking kamay.

"Hiyang-hiya naman ako sa'yo. Hindi kita type no!"

"Syempre alam ko kung ano type mo." Sarkastikong sabi nya.

Ano namang pinagsasabi nito?

Hindi ko nalang iyon pinansin.
Bakit ba kasi lumayo ako kina Karen ehh-- Shit. Speaking of Karen! Baka hinanap ako nang dalawa kagabi.

Agad kong hinanap ang cellphone ko at natagpuan ko naman itong nakapatong sa mini table nang kwarto.

"Sinagot ko nga pala ang tawag nung Karen kagabi at sinabi kong hinatid kita sa inyo. Sabi ko nalang kaibigan mo ako." May tuwalya nang nakasabit sa kanyang likod at hindi na ako tiningnang muli hanggang nakapasok na sya sa isang pintuan.

Mukhang sa banyo ang punta nya. Maliligo yata.

Binalik ko ang attensyon ko sa cellphone ko. Tadtad nga nang missed calls at texts ang bumungad sa akin, syempre galing kay Karen lahat. I dialed her number at hinanda ang explainations ko kung sakali.

Agad naman nya itong sinagot. "Babae ka! Bakit hindi ka nagpaalam samin na umalis ka na pala nang bar kagabi ha? Nako, lasing ka pa naman at baka kung ano nang nangyari sayo! Nag alala talaga ako nang sobra!" Sabi ko na nga ba. Buti nalang nailayo ko kaagad ang tenga ko sa speaker nang cellphone ko.

"Ehh sorry na. Hilong-hilo kasi ako, sakto namang pauwi na rin ang isang 'kaibigan' ko kaya nakisabay na rin ako." Ayaw ko magsinungaling sa kanya pero kilala ko ang babaeng to. Dadami pa ang tanong nito ehh masakit pa ang ulo ko.

"Naku, wag ako ha! Submission na nang pingawa ni sir Dumagoso bukas! Siguraduhin mong gagawin mo iyon kung gusto mong pumasa sa kanya."

"Tae. Buti pinaalala mo! Salamat. Sige gagawin ko iyon agad."

Agad ko naman binaba ang tawag. Sakto namang bumukas ang pintuan nang banyo. Shit! Mahabaging diyos! May tumutulo pang tubig pababa sa kanyang... Mapapasabi ka nalang nang 'sana naging tubig nalang ako.'

Ayy anu ba yan Lexi!

Mga lalake talaga mahilig gumala-gala nang walang damit.

"Bakit nakatuwalya ka lang! Magdamit ka nga." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Nakangiti nya akong tiningnan at lumapit pa nang husto.

"Bakit? Nakakaakit ba?" Amoy na amoy ko sya mula rito. Pigilan nyo ako,

"Ha? O-oo ayy talandi HINDI! Nakakadiri kamo." Ang sarap batukan nang sarili ko ngayon.

"Mas nakakadiri ka. Sinukahan mo ako kagabi, alam mo ba yun?"

Hala! Talaga? Nakakahiya naman, kaya pala parang ang baho netong suot ko ngayon!

"Syempre di mo na maalala! Tss. Maligo ka na, ang baho baho na nang unan at bedsheet ko. Pumunta ka nalang nang kusina pagkatapos." Aniya at umambang buksan ang pintuan palabas nang kanyang kwarto.

"Ahh nga pala. Feel free to use anything para sa pagligo mo, nasa cabinet ang mga gamit na hindi pa nagagamit. Kumuha ka nalang dun." May konting bait rin naman palang nakatago sa lalaking to. Akala ko nakalabas na sya pero..

Pero bago yun..

"Medyo pinagpala ka naman pala. Akala ko foam lang yung malambot na nakapa ko kagabi." Dagdag niya na nagpa-bwesit sa aking umagang, bwesit na sa simula pa lang.

Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina!

"AHHHH! MANYAK KANG GAGO KA! Mabaog ka sana!" Naisara naman kaagad nya ang pinto bago ko sya mabato nang kung ano-anong bagay na nakapatong sa lamesa nya.

Bwesit! May araw rin sakin yung gagong 'yun.

Matitikman nya....

Ang bagsik..

Nang isang api na saksakan nang sexy!!

Ayy HAHAHAHA
.
.
.
Joke lang! Hahaha trip ko gayahin ang linyahan ni 'Amor Powers' with my own version syempre. Hihi.

______________________________

silver_paper_plane thanks for following me! Btw. 700+ reads na hahaha nakakatuwa naman.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon