Kabanata 9

6.5K 90 3
                                    

Rod Vincent

Maaga akong pumanhik papuntang skwelahan. Nilakad ko nalang kasi hindi naman ito masyadong malayo. Exercise na rin 'to upang manatiling fit and healthy ang aking katawan... at ang aking bulsa na rin! Oh diba? Lakas maka-hitting two birds in one stone! Hahaha

Nakasanayan ko nang magsuot nang earphones habang naglalakad. Music lover kasi ako, kaya lang mukhang ayaw nang music saakin. Hindi man lang ako nabiyayaan nang Golden Voice...kahit Bronze Voice, WALA! Okay, ako na waley mag joke hahaha.

Makulimlim rin ang mga ulap ngayon, wala si haring araw. Umambon nga kanina pero tumigil rin naman kaya nakapaglakad ako. Ang sarap mag-emo kapag ganitong panahon ehh, kaso happy ang lovelife ko ngayon. Ayy! Kulelat nga pala ang lovelife ko! Isang malaking SANA ALL sa mga masasaya ang love life diyan. Hmm!

Naaalala ko bigla kung nagdala ba ako ng payong, panigurado uulan to mamayang uwian. Bawal pa naman akong magkasakit. Minsan talaga nagiging makakalimutin ako kaya nagpatuloy ako sa paglalakad habang kinakalkal ang payong ko sa bag. Naka-pukos ako masyado sa paghahanap nang payong ko nang hindi ko namalayang papatawid na pala ako.

Isang malakas na busina nang sasakyan ang aking narinig . Para naman akong mawalan nang ulirat sa kaba. Hindi ako makagalaw at pumikit na lamang. Mamatay na ba ako?

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND MISS? GUSTO MO BANG MAGPAKAMATAY?" Sigaw nang kung sino sa akin. Nanatili pa kasing nakapikit ang aking mga mata.

Pamilyar ang boses nung driver. Napasinghap ako nang makita kung sino.

Si Mr. Conceited lang naman! Palagi akong napapahamak nang dahil sa lalaking to. Pinaglalaruan talaga ako nang tadhana!

"IKAW? TADO KA! PAANO KUNG NAMATAY AKO, HA? KITA MO NAMANG MAY TATAWID EH DI SANA BINAGALAN MO ANG TAKBO MO!" Sigaw ko pabalik.

Alam Kong may kasalanan ako, kung iba siguro to baka mag sorry na ako kaagad ehh. Pero nabubwesit ako sa pagmumukha nya kaya never akong magso-sorry sa kanya.

"Wow! So ako pa ang may kasalanan ngayon miss? Ha! Diyan ka naman magaling ehh, manglinlang!"

Agad kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Wala." Maikling sabi nya.

Agad naman nya akong tinalikuran at tiningnan ang sasakyan niya na bumangga sa may gutter nang sidewalk. Mga konting gasgas lang naman ang natamo nito. Kaya nga ako naglakad upang makatipid eh! Kainis, ang mahal siguro nang mababayaran ko rito!

May traffic enforcer at isang police na rin ang lumapit sa amin. Marami-rami na rin ang mga nanuod sa komusyong nagaganap, tumila na rin kasi nang bahagya ang ulan.

Sikat na naman tayo! Tae.

Kinausap kaming dalawa tungkol sa nangyari at dinala kami sa prisinto.

Wala kaming imikan sa loob nang police car. A-absent nalang muna ako ngayon kasi nasisiguro Kong matatagalan pa ito.

Tinext ko nalang ang bespren kong si Karen at in explain sa kanya ang nangyari.

Pagkadating sa prisinto, kinausap agad kami nang isang police officer na nakaupo sa may desk.

"May nagbabalak ba sa inyo na magsampa nang kaso?" Ako una ang tiningnan nang officer kaya umiling nalang ako.

Inaamin ko namang kasalanan ko. Sadyang may personal na inis ako sa lalaking to kaya lumaki pa ang gulo.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon