The truth.
Matapos kong makiusap ay hindi na kumibo si Dodong at pagkaraan ay umalis. Hindi ko alam ko anong gagawin nya. Sasabihin ba nya kina Mang Winnie ang natuklasan nya o hindi? Ewan. Para na akong nababaliw sa kakaisip, nakakapanglumo.
Nandito ako sa may madilim na parte ng parking lot ng bar. Humihikbi pa rin ng may isang mainit na mga bisig ang yumakap sa akin.
Sa nakakabighaning amoy palang nito alam ko na kung sino. "Shh. Did he hurt you?"
Umiling ako.
"What did he do?" He asked but I responded the same. Umiling nalang ulit ako. Parang walang boses na lumalabas sa mga bibig ko ngayon.
Binuhat nya ako. Hindi na ako nagpumiglas pa at isiniksik nalang ang sarili sa dibdib nya. Natanto kong sa sasakyan nya pala ako dadalhin.
Dahan dahan nya akong inilapag at binuksan ang pintuan ng sasakyan nya.
Pagkapasok ko ay agad rin naman syang pumasok na sa kabila. May kinuha syang isang bottled water sa may compartment ng kanyang sasakyan at agad binuksan iyon at pina inom sa akin.
Pagkatapos ay nilapag nalang nya ito sa kung saan.
Hinawakan nya ang baba ko at ipana harap sa kanya. Nakatitig na ako ngayon sa seryoso at nagsusumamo nyang mga mata. "Come on babe, talk to me. I'm not used to you being silent."
Umiwas akong tumingin sa kanya.
"Hmm." Tanging sabi ko lang at ngumiti ng pilit sa kanya."What are you thinking right now. I'm about to go crazy now babe, if you don't talk." He said as his expression urges me to talk more.
Humugot ako ng lakas kung saan saan upang ipalabas itong nararamdaman ko.
"Natatakot ako." Panimula ko.
"Natatakot ako sa maaaring sabihin nila Mang Winnie. Baka itakwil nila ako o di kaya'y ikakahiya. Hindi ko makakaya 'yun, sila nalang ang meron ako.. at kung mawawala pa sila'y hindi ko kakayanin Rod. Hindi." Madamdaming sabi ko at hindi na napigilan ang sarili na humagulhol.
"W-ala nang matitira sa akin. Maiiwan na naman akong mag-isa." Patuloy ko sa pag iyak habang sya naman ay hagod hagod ang likod ko.
Binalot uli kami ng katahimikan.
Nang bumaling ang attensyon ko sa kanya ay nakatingin lamang sya sa kawalan na parang may malalim rin na iniisip.
"You have me. I won't leave you, no matter what." May iba pa syang sinasabi ngunit hindi ko na masyadong narinig iyon.
Nang mahimasmasan ay iniuwi nya ako sa condo nya. May mga kukunting damit na rin naman ako dito kaya wala ng problema.
Tinext ko na rin ang kaibigan kong si Karen tungkol dun sa nangyari. Grabe pa naman iyon kung maka react. Kung praning ako, mas praning sya.
Nakapag bihis na rin ako ng pajama at isang maluwang na tshirt. Tapos na ako't lahat lahat kaya pumunta na ako sa kwarto niya.
Opo. Tabi po kami lage sa tuwing akoy natutulog rito. Nung una, ay naging awkward pa sa akin. Nahihiya kumbaga ngunit kalaunan ay nasanay na. Sa dalas ko ba namang matulog rito.
Nakatutok pa rin sya sa laptop nya ngayon. Ang sexy naman tingnan ng bf ko habang seryosong nag-t-type ng kung ano sa kanyang laptop.
Nakatopless pa nga.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.