Limang piso
Nagising ako sa ilang sunod-sunod na katok mula sa aking pintuan.
Inabot ko sa aking cellphone na nakapatong sa may lamesa upang tingnan kong anong oras na ba. Aba't alas syete trenta pa ha! Sino kaya ito? Ke-aga aga mambubulabog ah.
"Kainis." mahinang bulong ko at tumayo na upang buksan ng pinto.
Tumambad sa akin ang mukha nang aming landlady.
Walang imik nyang inilahad sa akin ang resibo. Wow, di makapaghintay ahh. Hayy, bakit nga ba hindi pa ako nasanay rito?
Tinalikuran ko sya at kumuha nang pera sa aking wallet. Hawak hawak ko pa rin ang resibo.
"Heto na po."
Bahagya naman syang ngumisi at kinuha sa kamay ko ang perang inabot ko. Binilang kung may kulang ba at nang malamang sakto naman ay tumango tango naman sya.
"Iyan ang gusto ko sa'yo. Sige na, sa susunod na buwan ulit."
Inirapan ko naman sya matapos nyang tumalikod sa akin. Mukhang pera talaga. Hmmmm!
Isinara ko kaagad ang pinto at balak ko pa sanang matulog ulit pero hindi na ako dinalaw nang antok.
Sabado ngayon at day off ko. Balak ko sanang mag grocery ngayon dahil nauubusan na ako nang stock. Ayoko naman yung bili nang bili nang ulam, nagtitipid ako.
Nang makapag-luto na ako nang kanin sa rice cooker, agad naman akong naligo at magbihis. Isang pang-gala na shorts at tshirt na may naka printang babae na naka-'shhh' position. Hahaha basta!
Bumili na rin ako nang ulam sa baba. Hotdog tsaka itlog. Magkasabay talaga dapat iyan para masarap... ang kain mo. HAHA
Malaki-malaki ang budget ko pang-grocery ngayon. Nga pala, hinatid talaga ako ni Janus kagabi, ayaw paawat eh. Hindi naman kami magkikita ngayon kasi alam naman nyang day off ko. Ako lang daw naman ang ipinunta nya doon, kaya pag day off ko wala rin sya.
Hmmm. Pa-fall lang masyado!
Atsaka mukha busy ata sya masyado sa trabaho niya ngayon.
Sayang nga eh. Gusto ko sya makita araw-araw.
Huy, magtigil ka nga Lexi! Malandi ka talaga. Haha
Nakarating na ako sa grocery store nang isang mall.
Habang abala akong kumuha nang mga de lata. Biglang may kumalansing! Nahulog pala ang limang pisong barya ko at nagpa-gulong gulong sa may ilalim nang estante.
Nakabukas pala ang wallet ko, buti nalang sa barya lang ang nahulog. Nako!
Mahirap kumita nang pera ngayon. Atsaka, hindi mabubuo ang 1k kung walang 5pesos noh, kaya importanteng pilit ko talagang hinahanap kung saan napunta iyon.
Ayun!
Sa tingin ko'y abot ko naman kaya nakuha ko ito. Pahirapan nga lang, sakit sa likod!
Napatayo naman ako nang may biglang tumikhim sa aking likuran.
"Ahh miss. I can clearly see your black panty out here."
May halong panunuya ang kanyang boses. Namula ang aking pisngi sa inis.Agad ko syang hinarap.
"Excuse me? Bastos! Sinisilipan mo ba ako?"
Isang gwapo at matipunong lalaki na naka-jeans at plain black t-shirt with his sneakers ang kaharap ko ngayon. Matangkad rin, hanggang leeg nga lang nya ako ehh. Pero unang tingin ko palang, alam ko nang hindi mapagkakatiwalaan ang mukha.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.