Mine
Tinatahak na namin ang daan papuntang skwelahan ko. Nagpumilit kasi syang ihatid ako kaya kahit labag sa loob ko'y sumama pa rin ako. Pinigilan ko rin ang sarili kong magtanong. Gusto kong sya ang magsabi ng kusa sa akin.
"Why are you so silent babe? May problema ka ba?" Tanong nya may bahid ng pag-aalala. Napa-iling ako. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa pinapakita nya sa akin.
Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong pagdudahan lahat ng ginagawa nya.
"Wala naman. Bakit? May dapat ba akong ikabahala?" Sarkastikong tugon ko sabay seryosong tumitig sa mga mata niya at ngumiti kalaunan. Nababaliw na yata ako.
Tila nagtagal yata masyado ang titig ko sa kanya dahil hindi siya makatingin sa akin ng diretso.
Nakita ko rin bahagyang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata dahil sa inasal ko. Umiwas nalang ako ng tingin. Ayaw kong sa simpleng emosyon matitibag lahat ng pinag isipan ko kagabi. Yung sama ng loob na kinikimkim ko ng ilang araw.
"W-ala. I'm just wondering kung bakit tahimik ka." Aniya habang kunot noong nakatingin sa daanan.
"Hmm. May iniisip lang ako." Tanging tugon ko nalang. Ganun ang set-up namin hanggang sa nasa tapat na kami ng eskwelahan.
"I will fetch you la-" Hindi na niya natapos ang nais sana nyang sabihin ng agad akong bumaba. Bastos na kung bastos.
"Thanks." Sabi ko at ngumiti ng kaunti na hindi abot tenga. Wala ako sa mood makipag-plastikan sa kanya. Basta naiinis ako tuwing nasa malapit sya.
Umamba akong tumalikod na ng tawagin niya ulit ako.
"Hey. Wait up!"
Lumapit sya at umambang hahalik sana akin. Umilag ako ng bahagya kaya sa pisngi ko tumama ang labi niya.
Suminghap siya at kalaunan ay huminga ng malalim. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Sige. A-hh, pasok na ako." Sabi ko at agad tumalikod sa kanya.
He sighed. "Sige. I love you."
Tango lang ang naging sagot ko.
Nang nasa malayo na ako ay lumingon ako sa banda nya. Nanatili lamang syang nakatingin sa akin ng may lungkot sa kanyang mga mata.
Nanlalambot na ako at gustong gusto ko na syang balikan.
Huli ko nang maalala na hindi nga pala kami dapat makitang magkasama! Kaya pala nasa akin ang mata ng karamihan sa mga estudyante lalo na yung mga taga CBM. Namula naman ako ng maalalang hinalikan nya pala ako kanina habang marami ang nakatingin. Lagot!
Nakalimutan ko rin dahil marami akong iniisip kanina. Pansin ko ang mga kuryosong mga mata ng ibang mga estudyante.
Nagkibit balikat lamang ako at kalmadong naglakad kahit ang loob-loob ko'y naghaharumentado na.
Habang nasa klase ay paulit-ulit nag replay sa utak ko ang mga nangungusap nyang mga mata kanina.
Nakokonsensya ako.
That's the right word to describe how I am feeling right now. Should I confront him instead? Diba sabi nila walang sinungaling ang aamin?
Is he liar though? Well, maybe he is.
Sana hindi nalang talaga ako pumasok ehh, wala naman akong naintindihan sa mga tinuturo.
"Psst." Sabay siko ni Karen ng mahina sa akin ng may nanunuyang mga mata. Isa pa to.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.