Kabanata 13

5.5K 68 4
                                    

Talk

Kasalukuyan kaming nagbibihis kasama ang mga girls ngayon sa bar.
Naka panty at bra pa nga lang ang iba, sanay naman na kami lalo na't kami-kami lang naman ang sa kwarto. May kasama nga kaming mga lalaki 'kuno' pero lalaki rin naman ang gusto.

I busied myself browsing at my phone when it suddenly beeped. Text pala and to my surprise it was Janus who texted.

'I'll be there tonight.'

Ilang araw din tong walang paramdam. Hindi maipagkakailang may tampo ako sa kanya dahil wala naman kasi akong natanggap maski isang text man lang mula sa kanya. Kung okay lang ba sya, baka kung ano nang nangyari sa kanya wala man lang akong kaalam-alam!

Sabagay, ano nga naman ang lugar ko sa buhay nya diba? Kaya ngayong gabi nakapag desisyon na ako. Titigilan ko na ang kahibangan ko.

Dapat noon ko pa ito ginawa ehh.

I don't know how did I end up here. Ang magustuhan ang lalaking may asawa na. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na maging kabit pero sa nararamdaman ko ngayon doon ang punta ko. Hayst.

Isang simpleng 'okay' lang ang ni reply ko. Matapos iyon ay pinundot ko ang power button nang malapit na kaming sumampa sa stage.

-*-

Tapos ko nang makuha ang kinita ko ngayong gabi at nakapagbihis na rin ako kanina kaya pinuntahan ko na si Janus.

Gusto ko nang itigil ang kung ano mang meron sa aming dalawa ngayon. Nakakasawa na. Nakakasawang masaktan sa isang bagay kung saan wala ka namang karapatan.

"Hey." Bati ni Janus sabay halik sa aking pisngi, tulad nang nakasanayan nya pero iniwas ko nang bahagya ang mukha ko sa kabila kaya ang gilid nang aking tenga ko ang nahalikan nya.

Alam kong napansin nya iyon dahil kumunot ang noo nya.

Isang tipid na ngiti ang ganti ko sa at umupo na sa tabi nya. Linagok ko nang magkasunod ang dalawang shot glass nang tequila na nasa lamesa namin. Naka inom na rin ako nang kaunti kanina na bigay nang isang customer.

Mainam na rin tong pampa-kapal nang mukha.

"Are we okay? May problema ba?" Alalang sabi nya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Malamig at walang emosyon kong sabi.

Alanganin naman syang tumango.
"Nag-uusap na tayo. May nagawa ba ako?"

"I mean sa labas sana. Maingay kasi dito eh, kahit sa sasakyan mo nalang." Tumayo na ako. Sumunod rin naman sya pero bago iyon, inabot muna nya ang bayad sa isang empleyadong dumaan.

Agad nyang pinatunog ang kanyang sasakyan. Hudyat na pwede na itong buksan. Sumakay ako sa passenger seat at dahan dahan naman syang pumasok sa kabila.

No one dares to speak. Naghahanap pa ako nang lakas nang loob kaya panay ang buntong-hininga ko.

"I think we need to clear things up, Janus. Better if we should stop seeing each other for a while." Basag ko sa katahimikang bumalot sa aming dalawa makaraan ang ilang minuto.

"H-ha? Ahh.. Bakit? Nagsawa ka na ba? May nagawa ba akong mali?" Sunod-sunod nyang tanong sabay hawak sa aking magkabilang balikat.

"Wala."

"Bakit nga!?"

Umiling-iling ako. "Makipag-cooperate ka nalang Janus please. Mahirap din sakin to."

"Bullshit. How can I cooperate if I don't know why!? Tell me!" Sigaw nito. Maririnig mo sa kanyang boses ang desperasyon at pangamba.

"Ako! Ako ang mali kasi unti-unti na akong nagkaka gusto sa iyo!" Singhal ko pabalik. Nag uunahan na ring tumulo ang aking mga luha.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon